Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Bucket of Bakits

🇵🇭purple_amethyst
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6.5k
Views
Synopsis
Random thoughts and rants ng isang tumatandang walang jowa and pajubis nang pajubis na taong tulad ko. Or tulad mo rin? Isang walang katuturan at punung-puno ng katanungang mundong ibabaw. Bakit ba ako ganito? Bakit ka ba ganyan? Bakit ba tayo ganito? Magbabago pa ba ako? Papayat pa kaya ako? Siguro. Pero tinatamad pa ako. May saysay ba 'to? Ewan. Wala siguro. Pero wala namang mawawala kung susubukan ko diba. Tara! Samahan nyo akong tanungin ang aking sarili at malay mo, sa pagtatanong ko matagpuan mo ang mga bagay na sasagot sa mga katanungan mo. Magulo? Oo. Pero ganyan talaga ang buhay. Mapapatanong ka na lang, Emegesh, why?!
VIEW MORE

Chapter 1 - Bakit nga ba?

Bakit?

Yan ang laging naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa akin at kadalasang tanong ko sa aking sarili.

Bakit nga ba?

Bakit nga ba na sa tuwing nagkikita at nagkukumustahan kayo ng iyong mga kamag-anak lalo na ang iyong mga tita ay lagi kang tinatanong kung

1. Bakit ang taba/payat mo na?

2. Bakit di ka pa nag-aasawa?

3. Bakit wala kang jowa?

Hindi ko rin alam.

Maganda naman ako (sa aking paningin).

Sexy naman ako (kung fluffyness ang susukatin).

Friendly naman ako (pag nasa mood akong mamansin).

Charming naman ako.

Pero bakit?

Bakit walang magkamali?

O ako kaya ang may mali?