Naranasan mo na bang tuksuhin?
Sabihan ng mga bagay na "para sa ikabubuti" mo pero ang lumalabas din ay lalong bumababa ang self- esteem mo?
Isa akong plus size na fluffy purple unicorn (chereret) and oo, madalas sumagi sa isip kong magbawas ng timbang lalo na tuwing nakikita ko yung mga pictures ko noon na ang payat (slightly) ko pa.
Madalas din akong sabihan ng mga kamag-anak ko na
"Uy, magpapayat ka na nga. Ang baboy mo na."
"Maganda ka sana kung payat ka."
"Tabachoy!"
"Para ka nang lumba-lumba."
Oo na. Kayo na ang payat and nasa 'ideal' body weight. Pero alam mo yun? Alam ko naman sa sarili ko na dapat na ko magbawas ng timbang. Duh! Ako ang unang makakapansin nun noh since ako yung may katawan, ako yung una at nag-iisang nakakaalam ng pakiramdam na gosh, I need to change. Pero sana din naman dahan-dahan sa pagsasalita ng 'words of encouragement' nyo. Try to rephrase it a bit para naman di masakit kasi kayo yung immediate family. Dapat nasa inyo yung malakas na suporta hindi yung kayo yung unang nangba-body shame diba.
So, bakit nga ba hirap akong magbawas ng timbang?
Well,
...ang sarap kumain. 😂😂😂