Bakit?
Yan ang laging naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa akin at kadalasang tanong ko sa aking sarili.
Bakit nga ba?
Bakit nga ba na sa tuwing nagkikita at nagkukumustahan kayo ng iyong mga kamag-anak lalo na ang iyong mga tita ay lagi kang tinatanong kung
1. Bakit ang taba/payat mo na?
2. Bakit di ka pa nag-aasawa?
3. Bakit wala kang jowa?
Hindi ko rin alam.
Maganda naman ako (sa aking paningin).
Sexy naman ako (kung fluffyness ang susukatin).
Friendly naman ako (pag nasa mood akong mamansin).
Charming naman ako.
Pero bakit?
Bakit walang magkamali?
O ako kaya ang may mali?