Chereads / All For You / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Celes

Isa lang akong simpleng babae na maraming pangarap. Hindi kami mayaman, ang mga magulang ko ay nagsasaka lang ng maliit na lupain dito sa probinsiya. Solong anak at nakapagtapos ako sa kolehiyo dahil scholar ako.

Nagbago ang buhay ko mula nang makilala ko ang lalaking pinapangarap ko. Walang iba kundi si Thunder Montefalcon.

"Hoy, Celes! Anong nginingiti-ngiti mo riyan?

Nag-daydreaming ka na naman, ano?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Ising.

Bumaling ako sa kaniya sabay ngisi. "Ikaw talaga, moment ko ito 'wag ka ngang paepal diyan!" Pagkasabi ko no'n ay sabay pa kaming nagkatawanan. "Ising, natatandaan mo pa ba 'yung batang lalaki na lagi natin pinagtitripan kasama si Buddy?" tanong ko kay Ising.

"Oo naman, bakit mo naman naitanong babaita ka?"

"Balita ko kasi darating iyon," sabi ko.

"Talaga? 'Yung lampayatot na 'yon? Crush mo pa ba 'yon?" naiintrigang tanong niya sa akin.

"Oo naman, ang cute kaya niya. Ano na kayang hitsura ngayon no'n?"

"Baka mukhang pugo, friend!" sabi niya saka malakas na tumawa.

Walang hiyang Ising na 'to, kahit kailan hindi matinong kausap.

"Seryoso ka friend? Ngek! Huwag ka nang

mag-aksaya ng panahon mo kay tanding, Celes." Pang-aasar pa niya sa akin.

"Ising, Thunder ang pangalan niya!" pagmamaktol ko.

"Tse!" sabi ni Ising sabay ismid pa. "Friend, puppy love lang iyan. Kahit kailan hindi titingin sa atin ang mga mayayaman, sa tulad nating mga mahihirap," dagdag pa niya. Bigla kaming natahimik ng ilang sandali.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ba talaga puwedeng magkagusto sa isang katulad ni Thunder?

"Tara na nga!" pag-aaya ko kay Ising.

Magka-akbay pa kami habang tinatahak namin ang daan pauwi ng bahay namin.

Nandito na ako ngayon sa bahay kubo namin.

Kasalukuyan akong nagsasaing gamit ang kalan gawa sa pilak, hindi naman uso dito sa probinsiya ang kalan de gaas.

Napakasimple ng buhay dito. Kailan kaya namin mararanasan ang marangyang buhay? Makapagluto na nga lang ng pritong tilapia at nilagang maliliit na talong. Tapos mag-gigisa pa ako ng buro ni Aling Bebang na ibinebenta niya sa palengke.

Ang sarap kaya. Sigurado, pagdating nila Inay at Itay mabibilib na naman sa hinanda kong pagkain. Pagod sila sa pagtatanim ng palay. Kaya dapat masarap lagi ang ulam namin.

O, hayan na pala sila. Ang init talaga ng dila ko.

"Inay, Itay, mano po." Pagbibigay galang ko sa kanila.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak," sabi ni Inay at Itay.

"Nakaluto ka na ba anak? Nagugutom na kami." Bakas sa mukha ng mga magulang ko ang pagod. Nakaramdam ako ng awa.

"Opo Inay! Ihahain ko na po!" Pinasigla ko ang boses ko. Pagkatapos ay inilapag ko na sa lamesa ang kanin at ulam. Kasama ang pinggan at baso. Kutsara't tinidor, no more! Hindi uso sa amin 'yan. Nagkakamay lang kami.

"Anak," tawag sa akin ni Itay. Nagawi ang tingin ko sa kaniya. "Gusto mo bang tumulong sa Mansiyon nina Don Montefalcon?" tanong niya sa akin. Naantala ang pagsubo ko ng kanin.

"Bakit po, Itay? Ano pong meron?" nagtatakang tanong ko.

"Darating ang apo ng Don, galing ng america. Magpapa-welcome party daw sila. Sabi ni Tiyang Melba mo, kulang pa raw ang mga tao do'n," sagot ni Itay sa akin.

Mayordoma kasi ang tiyahin ko do'n sa Mansiyon.

"Si Thunder po ba iyong apo na darating?" Kunwari'y tanong ko. Pero ang totoo, naninigurado lang ako. Natawa ako sa sarili kong kapilyahan. Tinanguan lang ako ni Itay. "Sige po, Itay. Wala pong problema," sabi ko. Abot tainga ang ngiti ko, sa wakas makikita ko na ang man of my dreams.

"Anak, may sahod 'yun kaya sunggabin mo na para makabawas tayo ng kautangan kay Aling Bebang. Saka sabi ng Tiyang mo, mabait daw ang Don." Patutsada naman ni Inay. Pagdating talaga sa datung mabilis si Inay. Nginitian ko lang sila.

Mabait talaga ang Don mapagmahal sa mga nasasakupan niya. Puwera nga lang sa Nanay ni Thunder na ubod ng matapobre.

"Anak, bilin ko sa 'yo, tiyak na marami ang mga bisitang guwapong lalaki na galing Maynila. Huwag kang magpapauto sa mga iyon, ha. Iba ang mga lalaki dito sa probinsiya, kumpara sa mga lalaking taga Maynila. Kaya huwag kang magpapauto. Mahal kita, Anak. Kami ng Inay mo, matanda na kami, kaya piliin mo ang tamang lalaki para sa 'yo," sabi ni Itay na nagda-drama habang kami'y kumakain. Jusko, hindi ko kineri si Itay.

"Itay naman, mahal ko rin kayo ni Inay. Bakit ba ang drama mo, 'tay? Hindi naman ako

mag-aasawa agad, ha," sabi ko saka ako lumapit kay Itay. Niyakap ko siya sabay sabi ng 'I love you, 'tay'. Basta, hinding-hindi ko kayo pababayaan," sambit ko. Lumapit na rin si Inay sa amin, saka kami nag-group hug.

WELCOME PARTY

"Tiyang, saan po ba ako? Ano po ang maitutulong ko rito?" tanong ko.

"Tulungan mo na muna si Ising, ha, Celes. Doon muna ko sa loob, pagkatapos ninyong malinisan at maayos itong garden at mga mesa rito, puntahan ninyo naman ako sa kusina mamaya." Bilin niya sa aming dalawa ni Ising.

"Okay po!" magkasabay na sabi namin ni Ising.

"Celes! Look at this garden! So, so, big, putik naman na buhay na ito! Kahit isang daang tao kukulangin sa paglilinis dito," napapailing-iling na sabi niya.

"Mamaya ka na magreklamo," nakangiting sabi ko.

"Celes, Ising!" Malakas na tawag sa amin ni Tiyang Melba. "Tumulong kayo sa pagluluto!"

Ang daming pera, bakit hindi na lang

nagpa-catering? Parang Fiesta lang. Nakakapagod maghiwa ng bawang, sibuyas at iba't ibang klase ng gulay.

"Celes," tawag na naman ni Tiyang Melba.

"Bakit po?" nakasimangot kong tanong. Pero hindi ako nagpahalata.

"Magaling kang magluto ng buro, di ba?" tanong niya. Multi-tasking lang ang peg?

"Opo," sagot ko.

"Kasi may nag-request e."

"Okay, sige po. Yakang-yaka ko 'yan." Wala naman akong magagawa kaya okay lang nang okay kahit anong utos.

Napakamot-ulo si Ising. Nagkatinginan na lang kami.

"Buti nakain 'yung nag-request ng buro, ano?"

"Aba'y malay ko? Magluto na nga lang tayo," saad ko.

Nakakapagod. Kasalukuyan kaming nakahilata ngayon sa maids quarter. Hindi pa kasi kami puwedeng umuwi ni Ising. Tulad ng iba abala pa rin ang lahat. Pero kami, mamaya pa magsi-serve pa kami sa mga bisita. Alas-diyes pa ng gabi mag-uumpisa ang party. Hindi naman din bago sa amin ni Ising ang ganitong handaan.

---

Thunder

"How's life, Son?" seryosong tanong ni Mama.

"Okay lang naman, Ma. I decided to put up a business in Manila. I hope you don't mind it." I said.

"Akala namin ang hacienda ang pagtutuunan mo ng pansin?" sabi naman ni Lolo.

"Lets talk about that later. I'm starving to death." sabi ko na ikinatawa nila.

"Manang, I'm craving for buro," sabi ko. Tapos ay nilapag nila iyong hiningi ko sa mesa.

"What's that? I don't like the smell!" maarteng sabi ni Mama. Ganiyan talaga si Mama, it's her nature.

"Ma, you should try this. Ang tagal mo nang nakatira rito. Hindi mo pa rin gusto ang buro? Ang sarap kaya, hmmm, sarap!" biro ko kay Mama.

Pinandilatan naman niya ako ng mga mata. Natawa naman si Papa at Lolo at sa reaks'yon ni Mama.

"If you'll excuse me. I can't take that smell, ang baho!" Pagkasabi no'n ay mabilis na nawala sa hapag-kainan si Mama. Nagtawanan na lang kami.

"Manang, who cooked this?" I asked.

"Pamangkin ko po, Sir. Si Celes," nangingiting sagot ni Manang Melba.

"Masarap siyang magluto. I really like it. But wait, si Celes po ba 'yong batang maitim na kasama 'yung batang mataba? Pati si Buddy na tumatawag at nang-aasar sa'kin na lampayatot.

Manang, nandito po ba si Celes sa party?" I asked curiously.

"Opo, Sir," tugon ni Manang Melba.

Hindi pa man nagsisimula ang kasiyahan sa baba kaya sumilip ako mula rito sa may veranda, only to find out where Celes is. Hayun siya

nag-aasikaso ng mga bisita. Maganda pala siya, magka-edad lang yata kami. Morena, flat chested, but it's okay. Bawing-bawi naman sa likuran. Ang tambok ng puwet niya. Ang pervert ko talaga. Mukhang virgin pa naman. Kakaiba siya, kahit morena mukhang makinis naman. Tinanong ko sa isang maid namin kanina kung nasaan si Celes. Tapos tinuro naman siya noong maid kaya nakilala ko agad siya.

I dated a lot of girls in U.S. But I just took them for granted. Actually, I fell in love with a wrong girl, I wanted to marry her. But only I found out that she is not inlove with me. As simple as that. Kaya nga napauwi ako rito para kahit paano'y makalimot ng kaunti. At saka para na rin ito sa negosyong itatayo ko.

"Sir, tawag na po kayo sa ibaba mag-start na raw po kayo," tawag pansin sa akin ng isang maid. Kaya bumaba na agad ako.

Celes

"Ladies and Gentelmen. The one and only son of Mr. and Mrs. Montefalcon. Welcome home, Sir Thunder!" anunsiyo ng babaeng host sa gabing ito. Nagpalakpakan ang mga tao.

Napanganga ako pagkakita kong umakyat ang isang napakaguwapong nilalang na iyon. Hindi ko akalaing ang dating payatot na mukhang sakitin na si Thunder ay magbabagong anyo. Jusko, hindi ko maiwasang maglaway. Ang ganda rin kasi ng pangangatawan nito. Siko nang siko si Ising sa akin. Akala mo'y nahipnotismo ang loka.

"Nganga pa more, Ising. Papasukan ng langaw 'yang bunganga mo riyan, sige ka! Guwapo, ano?" sabi ko. Nakatuon lang ang pansin namin sa lalaking nasa stage. Hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi nito. Basta titig na titig lang ako. Kinikilig ako.

"Jusko, jusko! Ang guwapo niya!" Kinikilig na naibulalas ni Ising. Naloka na. Napailing ako.

Napapalibutan ng mga Diyosa sa kaartehan este kagandahan pala, mga adonis na bumababa sa lupa. Parang mga artista ang mga bisita nila. Pagkatapos nang maikling mensahe ni Sir Thunder sa mga bisita ay bumaba na siya sa stage. Lahat ng mga bisita ay binabati siya. Malayo naman na mapansin niya ako, kaya minabuti ko na lang na bumalik sa ginagawa ko. Hinila ko na si Ising.

Thunder

"Bro, it's been a long time," sabi ng isa sa mga kaibigan kong si Alex.

"Daming babae dito, ha," sabi naman ni Jhay.

"Babae na naman nasa isip mo." Alex said while looking at Jhay.

"Palibhasa, ikaw, hindi ka na makatingin sa iba," sagot naman ni Jhay kay Alex.

"Huwag kayong mag-away, kadarating pa lang ni Thunder mga kapatid!" Singit naman ni Steve. Napapailing-iling naman ang isa kong kaibigan na si Hans. Magulo talaga ang mga mokong.

"Tama na 'yan, inom na tayo!" Inawat ko na sila at baka magka-pikunan pa.

"Cheers!" sabay-sabay naming sabi. Sumenyas ako sa babaeng nakatalikod. "Miss, wine pa nga!"

Lumapit sa amin ang pamilyar na babae. Habang papalapit siya sa aming mesa dala ang wine. Narinig kong sumipol si Jhay. "Wow, ang ganda naman this girl," narinig din namin sabi ni Jhay.

"Ganda mo naman, Miss. Can I get your number?" Hans asked. She just smiled at my friend."

"Bro, huwag mong takutin." Alex said. They just laughed. Hindi makatingin sa direksiyon ko si Celes.

"Kung may kailangan pa po kayo, tawagin ninyo na lang po ako," seryosong sabi niya. Pagtalikod niya ay parang may masamang espiritong sumapi sa akin at nagawa kong hawakan at pisilin ang matambok niyang puwet. Nagulat siya na nanlalaki ang mga mata niya nang humarap sa akin. Pinaghahampas niya ko ng mga kamay niya. Nagulat din ang mga kaibigan ko at tuwang-tuwa sa nagawa kong kalokohan.

"Manyak! Manyak!" gigil na gigil na sabi niya.

"S-Stop! Stop!" Depensa ko. Biglang nagkagulo.

---

Celes

"Celes!" sigaw ni Tiyang Melba sa akin.

"Masakit! Tama na!" Reklamo ni Thunder sa ginawa kong paghahampas sa kaniya. Hahawakan ka sa puwet, hindi ka ba magagalit? Ang kapal ng mukha! Nang makalapit si Tiyang ay inawat niya ako sa manyak na lalaking ito. Mabuti na lang wala na ang mag-asawang Montefalcon. Kundi yari ako sigurado sa Nanay nito. Masungit pa naman iyon. Nakatingin sa aming lahat ang mga bisita nila. Sinamaan ko ng tingin si Thunder. Hindi ko akalaing magagawa niya iyon.

"Follow me!" Isang maawtoridad na boses ang pumukaw sa amin. Ang Don pala. Sana hindi magalit ang matanda. Sinenyasan ako ni Tiyang na sumunod na lang. Narinig ko naman nagbubulungan ang mga bisita pagkaalis namin.

Sa library ng Mansiyon kami dinala ng matanda upang kausapin.

"Thunder, bakit mo ginawa iyon?" tanong ng matanda sa apo niyang manyakis. Sinabi ko kasing hinawakan niya ang puwet ko.

"Lolo, don't worry, I'll fix it. I'm sorry, Miss," sabi niya. Bigla akong namula nang titigan niya ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"I'll go up stairs, settle this, Hijo," sabi pa ng Lolo niya. Bumaling sa akin ang matanda. "I'm so sorry, Hija. Heto ang tungkod ko, hambalusin mo iyang manyak kong apo." Sabay abot ng Don sa akin ng tungkod niya. Mabilis itong nag-walk-out. Ibang klase rin ang matanda.

"Look, Miss. I'm really sorry... nakainom lang ako."

"Hindi lahat ng lasing nagagawang mambastos ng mga babae," naiinis na sabi ko.

Hmp! Guwapo sana, manyak naman! Sigaw ko sa isip ko.

Nakatitig lang si Thunder sa akin. Palapit nang palapit ito sa kinatatayuan ko.

"I said, I'm sorry, mahirap bang tanggapin iyon?" naiinis rin na sabi niya. Ang bango ng hininga kahit amoy alak siya.

Lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Napapikit ako, akala ko hahalikan ako ng mokong. Pagbukas ko ng aking mga mata. Wala na pala ito sa harapan ko. Hayun siya, nakangisi sa akin at humahalagpak sa katatawa.

"Akala mo ba hahalikan kita? Miss, ikaw si Celes, diba? Iyung batang mapang-asar na maitim. Sabagay maitim ka pa rin naman hanggang ngayon." Lasing ba talaga siya? Hanep kung makapamintas. Maitim pala, ha! Kung pektusan ko kaya siya!

"Oo, bakit? Ako nga 'yon. E, ikaw? Payatot ka naman din noon, ha! Kala mo guwapo ka sa lagay na 'yan? Hindi naman!" sabi ko. Makaalis na nga hindi naman matinong kausap ang manyak na ito. Iniwan ko na siya roon. Ang sarap manakal ng tulad niya. Bago ako lumabas ay tinawag ko ulit siyang 'manyak'. Mukhang wala lang naman sa kaniya iyon. Konserbatibo ang mga ilan sa

taga-probinsiya. Kung tutuusin nga dapat nga pinakasalan niya na ako, dahil na-virginan ng maaga ang matambok kong puwet.

Hindi ko na siya gusto. Oras na, pero 'di pa rin ako makatulog sa kakaisip sa mga nangyari sa mansiyon. Napakahambog ng hinayupak na lalaki na 'yun kala mo kung sino siya. Hmp! Hindi ko maiwasang hindi mainis sa tuwing naiisip kong piniga niya ang matambok kong puwet.

Kinaumagahan, paggising ko. Sarap na sarap akong matulog, tapos biglang may nagtatawanan sa labas ng bahay. Tumayo ako nang walang suklay-suklay at imagine nakasandong puti lang ako lagpas tuhod.

"Inay, sino po kausap mo?" Bumaling sa akin si Inay. Lumingon din sa akin ang kausap ni Inay. Si Thunder pala, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngumisi nang nakakaloko.

"Good morning, Celes," nakangising bati niya sa akin. Sinimangutan ko siya.

"Naku, Anak. Magpalit ka na nga muna roon. Napadaan si Sir, para magpatulong daw siya sa 'yo. Samahan mo raw siyang mamasyal sa may palayan." Abot langit ang ngiti ni Sir Thunder sa akin na waring nang-aasar pa. Hindi ko na lang siya pinansin at naiimbiyerna na lang akong pumasok sa loob ng aming maliit na bahay-kubo.