Chereads / All For You / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Thunder

Maganda talaga si Celes hindi ko maikakaila iyon. Kahit simple lang siyang babae may dating talaga siya. Kumpara sa mga babaeng naikama ko na. Aminado naman akong babaero, but once na ma-inlove ako ibibigay ko lahat. Pero kay Celes, hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko. Attracted ba ko sa babaeng iyon? Kung sabagay I find her beautiful naman talaga. But for some reasons I don't know. For now I will just enjoy this moment checking her. Kasalukuyan kaming nandito sa kubo. Preparing food for the farmers. Masarap din pala ang simpleng buhay. Napakasariwa ng hangin, maganda ang kapaligiran dahil sa mga naglalakihang puno sa paligid. Maganda rin sa paningin ko si Celes, lalo nang nakita ko siyang ngumiti. She has a soft lips, basta alam kong malambot ang mga labi niya. Those big brown eyes. Samahan mo pa ng pisngi niyang namumula dahil sa sikat ng araw. Kahit morena siya, bagay sa kaniya ang kulay niya. I wonder, kung puputi lang siguro siya, lalo itong gaganda. Mas maganda pa sa mga nakasama kong mga ka-flings ko dati. May curve din talaga, sexy niya. Kailan pa ako nang rape sa isip ko? Lahat ng babae nakukuha ko. Sila pa ang lumalapit sa akin. Iba kasi itong babaeng ito ang sungit. Teka nga, bakit may humahawak sa kamay ni Celes? Ano bang paki ko, suway ko sa sarili ko. Biglang nagtawanan ang mga kadalagahan. Kung tingnan ako para na akong mahuhubaran. Gano'n ba talaga ako kaguwapo o wala talagang guwapo rito? Kahit simpleng v-neck gray shirt lang suot ko at khaki short guwapo pa rin ako. Lumapit ako sa kinaroonan ni Celes at hinila ko siya sa lalaki, gulat siyang napatingin sa akin.

"Hindi pa ba tayo kakain? Sasabay na ako sa inyo," sabi ko para 'di halata na gigil ako sa lalaking kaharutan niya.

"Sige ho, Sir," sabi lang niya saka hindi na kumibo.

Habang kumakain nagkukuwentuhan kami ng mga matatanda.

"Hijo, may nobya ka na ba?" tanong sa akin ni Mang Isko.

"Wala pa ho, Mang Isko," tipid kong sagot at napatingin ako kay Celes na katapat ko sa mesa. Tinaasan niya ako ng kilay. "Actually ho, may nagugustuhan ako kaso mukhang masungit parang tigre." Nagkatawanan silang lahat puwera lang kay Celes. Eh, isa lang naman kasi ang ubod ng sungit at tigre dito.

Kanina pa siya walang imik si Celes.

"May problema ka ba, Celes?" Hindi ko natiis at tinanong ko na siya.

"W-Wala naman pagod lang ako," saad niya habang tinatahak namin ang daan pauwi sa kanila.

"Hatid na kita, Celes," sabi ko at tumango lang siya. "Alam kong masyado akong mabilis pero gusto kita, Celes." Biglang huminto si Celes sa paglakad.

"Ang bilis naman? Hindi ako naniniwala sa iyo," sabi niya't nagpatuloy na sa lakad niya.

"Ok lang ba na ligawan kita?!" sigaw ko. Huminto na naman siya at humarap sa akin.

"Alam mo Sir, huwag kang nagbibiro ng ganiyan, baka patulan kita diyan," naiinis na sabi niya saka niya ako iniwan.

---

Celes

Halos isang buwan ding nanligaw sa akin si Thunder. Ewan ko ba kung anong nangyari sa akin. Nahulog na lang ako bigla sa taong iyon. Lihim kaming nagkikita. Lihim ang aming relasyon. Si Ising lang ang nakakaalam ng mga pinaggagawa ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw ipaalam ni Thunder sa iba at sa mga magulang niya pati na rin sa mga magulang ko na may relasyon kami.

Kasalukuyan akong nakatayo, naghihintay malapit sa may ilog sa ilalim ng punong mangga, Sa di kalayuan ay may maliit na kubo na nakatayo roon. Natanaw ko agad si Thunder. Lumapit siya sa akin at napangiti ako.

"I miss you, Babe. Sorry kung ngayon lang ako nagpakita. May inayos lang ako sa manila."

"Gano'n ba? Okay lang naman 'yon, Thunder."

Niyakap niya ako sabay mabilis na humalik sa labi ko. Tumawa siya kaya kinurot ko ang singit niya. Napaaray naman siya sa pagkurot ko.

"Ang sakit naman, Babe!" reklamo niya.

"Buti nga sa iyo, ang manyak mo kasi e," seryosong sabi ko.

"Magtanan na tayo," seryosong sabi niya.

"Huh?" tanging nasabi ko. Baka mali ang narinig ko. "Ano uli ang sabi mo?" tanong ko uli.

"Sabi ko magtanan na tayo," pag-ulit niya.

"Thunder, napakabata pa natin para gawin iyan. Paano si inay at itay?"

"Hindi naman natin sila pababayaan, Celes. Ako na ang bahala."

"Mali pa rin," sabi ko. Nakakunot ang noo kong tiningnan siya. "Bakit biglaan? Nagsisimula pa lang ang relasyon natin, Thunder," kalmado kong sabi.

"Kaya kita inaaya dahil gusto ng mga magulang ko na pakasalan ko ang anak ng governor dito."

Bigla akong natahimik. Maganda pa naman at matalino si Monique na anak ng governor.

"Celes, mahal kita. Saka kung mahal mo ako sumama ka na sa akin." Ginagap niya ang kamay ko. "Please, Babe. Ito na lang ang tanging paraan para makalaya ako sa gusto nila."

Nag-aalinlangan ako. Pero dahil gusto ko si Thunder at kahit sa maikling panahon pa lang kami magkakilala ay minahal ko na talaga siya. Kaya pumayag din ako sa gusto nito.

Noong araw din iyon ay lumuwas kami ng Manila ni Thunder. Masakit man sa loob ko na iwan ang mga magulang ko ay ginawa ko pa rin. Nag-iwan na lang ako ng sulat para sa kanila. Hinahangad ko na sana mapatawad nila ako sa ginawa kong ito.

Nandito na kami ngayon ni Thunder sa condo niya. Ang yaman naman nila, first time kong makapunta ng Manila. Para akong tangang namamangha kanina sa malalaking building na nadadaanan namin. Pagmamay-ari pala ni Thunder ang buong condo building na ito. Paanong 'di ko alam eh ang laki-laki ng nakasulat na MONTEFALCON sa labas ng building.

Kasalukuyan akong nagluluto para sa hapunan namin dalawa habang nang lapitan niya ako.

"Babe, shower lang ako," bulong niya sa tainga ko.

"Bilisan mo ha, malapit ng maluto ito. Kumakain ka ba ng tinolang manok?" nakangiting bumaling ako sa kaniya.

"Siyempre naman, basta luto mo, Babe, masarap." Sabi niya sabay halik sa labi ko at tumalikod na siya. Ipinagpatuloy ko lang ang pagluluto ko.

Hindi ko alam kung maganda ba itong pinasukan ko. Basta ang alam ko lang masaya akong kasama ko si Thunder.

---

Thunder

I only want her body. Hindi naman talaga uso ang salitang pagmamahal sa akin. Ang mga babae ginagawa lang laruan na kapag nagsawa na ako, e itatapon ko na lang ng parang basahan. Pinahirapan niya pa ako sa isang buwan kong panliligaw. Sasagutin din niya rin pala ako, pinatagal pa niya.

Duniretso na ako sa kusina nang matapos na akong maligo.

"Upo ka na," aya niya sa akin.

"Mukhang masarap ah," nakangiting sabi ko.

Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko. Masarap talaga siyang magluto, no wonder mabubusog ka talaga. Patapos na kaming kumain. Masipag din si Celes. Wala akong masabi sa pakikitungo niya.

"Ako na ang maghuhugas, Celes."

"Hindi ako na,pagod ka, magpahinga ka na muna bago matulog. Ako na bahala rito." Hindi ko na ipinilit pa ang pagtulong sa kaniya. Kaya nagpaalam na lang akong doon muna ako sa kuwarto.

---

Celes

Hindi ko alam kung bakit pumayag akong maglive-in kami. Hindi ako mapakali sa loob ng banyo habang nagto-toothbrush. Ninenerbiyos yata ako. Iniisip ko kasi baka maisuko ko na ang perlas ng silanganan ko. Mahal ko siya, pero tama ba ang gagawin ko? Lumabas ako ng banyo ng naka t-shirt at pajamaa. Mahirap na. Paglapat pa lang ng likod ko sa kama parang ramdam ko na ang pagod. Magkatalikod kami ni Thunder. Sa palagay ko ay tulog na siya.

Naalimpungatan ako nang biglang may yumakap sa likuran ko. Kaso parang hindi siya mapakali. Hinarap ko siya, gising pala siya at nakangisi pa. Kung ganito kaguwapo ang kaharap ko malamang ako pa ang gumahasa sa lalaking ito. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang niya akong halikan. Inawat ko siya.

"Thunder, hindi pa ako handa."

Bigla naman itong tumigil at bumalik sa puwesto niya. Hindi na siya umimik kaya hinayaan ko na lang siya.