Chereads / Power of Destiny / Chapter 2 - February 14th

Chapter 2 - February 14th

Title: February 14th

Written by: Jancarl Dayos

———

RAVEN'S P.O.V

February 1st, the start of love month.

Simula palang ng taon ay nag-iisip na ko ng gimik na pwede kong gawin sa araw ng Valentine's Day para kay Cleo. Ngayon, 13 days nalang ang meron ako at wala parin akong naiisip na pwedeng gawin.

This coming February 14 will be our 8th year anniversary as a couple that's why I want to make it special and memorable. Actually, yearly ko itong ginagawa sakanya kaya baka expected na rin niya na may gagawin na naman akong pakulo.

Tandang-tanda ko pa nung unang taon namin, hating gabi na nung pinapunta ko siya sa park na malapit lang sa school na palagi naming pinagtatambayan kapag vacant or tapos ng klase namin. Ilang beses pa akong nalaglag sa puno mailagay lang ng maayos yung mga pailaw at magmukhang puso. Marami akong galos na natamo pero sobrang worth it naman dahil sobrang saya at naappreciate 'yon ni Cleo.

Napangiti ako bigla dahil naalala ko na naman yung nangyari nung pangalawang taon namin. Plano ko sanang surpresahin siya sa daan. Gugulatin ko sana siya non at nagkunwaring holdapper kaso nakalimutan ko na tinuruan pala siya ng tito niyang pulis kung paano mag self defense kapag nasa 'ganong sitwasyon. Failed na nga ang plano ko, napilay pa kaliwang kamay ko.

3 years in a relationship, 3rd year college na rin kami 'non. Medyo mahirap na dahil sobrang busy na. Medyo napapadalas na rin ang misunderstanding at away namin. Muntik pa kami maghiwalay 'non dahil hindi ako nakasipot sa debut ng kapatid niya dahil nawala sa isip ko sa dami ng sched. Hindi naman ganon kababaw si Cleo para hiwalayan ako ng ganun-ganon lang. Nung panahon kasi na 'yon napa-oo ako sa inuman kasama ang mga groupmates ko sa thesis, hindi ako nakapagpaalam sakanya pero nakita niya yung post ng isang kagrupo ko kaya siya nagalit. February 13 ang debut ng kapatid niya at dahil inumaga kami sa inuman, gabi na ko nagising at hindi ako nakaattend sa debut kaya mas lalo siyang nagalit. Syempre hindi ako pumayag na sasalubungin namin ang 3rd year anniversary namin na galit siya kaya kahit ilang oras lang ang meron ako ay gumawa ako ng paraan para maging okay kami agad. Buti nalang at naging okay kami.

4th year as a girlfriend/boyfriend, Hindi kami nakapagmeet nung araw na 'yon dahil sa hectic schedule sa school. Parehas kaming busy sa thesis, research at pag-aayos ng requirements nung araw na 'yon dahil graduating student na kami. Ang lungkot ng araw na yon dahil hanggang sa video chat lang kami nakapag-usap dahil magkalayo kami. Sinubukan kong humanap ng free day pero hindi talaga kinaya ng schedule kaya hindi kami nakapag celebrate ng maayos.

5th year, akala ko madali nalang dahil tapos na kami sa pag-aaral pero hindi. Mas mahirap pala dahil sunday nalang kami nakakapagkita. Hindi kami parehas ng kompanyang pinagttrabahuan kaya madalang lang kaming magkita. Nakapag celebrate naman kami ng anniversary namin ng magkasama. Ang problema, nag lunch lang kami sa labas dahil tuesday 'yon at parehas kaming may pasok. Ginawan lang namin ng paraan para magkasama.

6th anniversary, Nag out of town kaming dalawa ni Cleo. Ang alam niya dalawa lang kami ang umalis pero hindi niya alam na pinasunod ko ang family niya at family ko. February 14, 2017. Ang araw na nagpropose ako kay Cleo. Nagpropose ako sakanya infront of our family. 'Yon kasi ang narinig ko sa usapan nila ni Julia, her bestfriend, na kung sakali daw na magppropose ako gusto daw niya sa harap ng pamilya niya para formal at mas masaya. Her wish is my command kaya ginawa ko yon kahit mahal ang plane fair at accommodation.

February 14, 2018, The best day ever para sa buong lifetime naming dalawa. We're finally married. Beach wedding ang theme na ginanap sa Palawan. Sobrang emotional ko sa araw na 'yon. Ako yung groom pero sobra ang iyak ko habang pinapanuod siyang maglakad sa aisle. Lahat sila ay tinatawanan ako pero hindi ko 'yon pinansin kahit na nahihiya ako ay tuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko. Nang makarating sa harap ko si Cleo at hawakan ang kamay ko na nanlalamig ay bigla siyang tanong kung bakit. Simple lang ang sagot ko "I just can't imagine na ikakasal na ko sa pinakamamahal kong babae sa mundo. Sobrang saya ko kasi hindi nalang tayo mag girlfriend at boyfriend lang dahil pagkatapos ng seremonyang ito, pamilya na tayo." Lahat sila ay nakangiti at ang iba ay nakikita kong umiiyak na. Si Cleo lang ang nanatiling nakangiti at di umiiyak, para rin siyang nagpipigil ng tawa. Tinignan ko lang siya at nagtanong kung bakit. "Yung booger" Natatawang sabi niya sabay alis 'non sa ibabaw ng lips ko. Lahat sila ay nagtawanan pati si father. Kahit ako ay natawa kaya natigil naman ako sa kaiiyak.

June 2018, 2 months pregnant si Cleo. Sobrang saya namin 'non nung nalaman namin na buntis siya. Kaso kagaya nga ng sabi nila, may kakambal na lungkot ang saya. Bumalik ang sakit ni Cleo sa puso. That time natakot ako dahil sinabihan ako ng doctor na mababa ang percentage na mailuwal niya ng ligtas ang bata. Hindi ko pinaalam kay Cleo ang sinabi ng doctor pero alam niya na bumalik ang sakit niya sa puso kaya pinatigil ko siya sa trabaho. Ako ang nagtrabaho at nag-ipon para sa pamilya namin. Ayokong magkaroon ng komplikasyon kaya sinigurado kong ligtas at maayos ang pagbubuntis ni Cleo.

December 25, 2018. Araw na nanganak si Cleo. Hindi ko alam kung dapat ba kong maexcite sa nangyayari. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari dahil naalala ko na naman yung sinabi ng doctor 7 months ago. Nakahawak ang kamay ko kay Cleo. Ayaw ko siyang bitawan. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Maselan ang lagay ni Cleo kaya wala akong choice kundi ang maghintay sa labas at sa update ng doctor. Ilang oras akong nagdarasal na sana maging ligtas ang mag-ina ko.

Lumabas ang doctor nang nakasimangot. Alam ko nang may masamang balita pero umaasa parin ako na sana joke joke lang ng doctor ang expression niya.

"Ligtas ang bata pero hindi na kinaya ni Cleo. I'm sorry" Sabi ng doctor.

Hindi ko alam kung dapat ba kong maging masaya. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw hanggang sa maubusan na ko ng boses at hininga. Hindi ko matanggap ang balitang natanggap ko. Wala akong magawa kundi umiyak lang ng umiyak.

Ilang oras ang lumipas at dumating na rin ang pamilya ni Cleo.

Habang naghihintay ay may lumapit sa akin na nurse dala-dala ang isang sanggol. Muli ay pumatak na naman ang luha ko, kitang-kita ko ang ilang parte ng mukha ni Cleo sa anak namin. Agad ko itong kinuha at niyakap

"Ano pong pangalan sir?" Tanong ng nurse.

"Ravi" Agad na sagot ko. John Raven + Cleo Victory. Kinuha ko ang first 2 letters ng 2nd name namin. Yon ang sinabi sa akin noon ni Cleo.

Bago nila kunin ulit ang bata ay pinagmasdan ko muna ang mukha nito. Bigla ko rin napagtanto "Hindi nawala sa akin si Cleo."

2 months had passed,

February 1, 2019.

13 days nalang ang meron ako at hindi ko parin alam kung anong plano ko para sa anniversary namin ni Cleo.

2 weeks had passed,

Andito ako ngayon sa sementeryo dala-dala ang bouquet ng flowers para kay Cleo. Nilapag ko ang bulaklak sa tabi ng puntod niya.

"February 14 na naman mahal ko. Happy 8th anniversary! Pasensya na wala akong naisip na pakulo ngayon na surprise para sayo.I miss you so much, my love." Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Nagsisimula palang kami at marami pa kaming plano pero lahat yon ay hanggang sa alaala nalang maaalala.

Hindi ko matanggap na yung pinakamamahal kong babae, wala na. Hindi ko matanggal na hindi ko na ulit magagawa yung mga ginagawa ko noon. Hindi ko na mababalik ang dati.

Pero sa kabila ng sakit na 'yon, masaya ako dahil nag-iwan siya ng panibagong anghel na mamahalin ko.

Sa ngalan ng pag-ibig, hindi ako iniwan ni Cleo.

Andito parin siya sa tabi ko,

kahit hangin nalang.

-THE END-