Chereads / Love To The Destiny / Chapter 74 - 72 John or Jake?

Chapter 74 - 72 John or Jake?

Matapos ang nakagawiang kong trabaho dito sa Milktea Shop. Natuwa ang aking mga trabahador dahil magbabalik na ako sa trabaho.

Nagagalak rin ako. Pero parang lutang ako. Hayyyyyy....Marami ding costumer. Nakakatuwa hahahahah! Habang nagsasalin ako ng tea sa baso. Bigla ko nalng nabitawan iyun. Parang napaso pa ata ako.

" Mam! " lumapit yung secretary ko. Nagaalala, masamang pangitain ito.

" I'm okay. Just clean that. I can manage my hands " tumango naman ito. Ako nagpunta sa labas. Hinihipan ko ang kamay ko. Ang init! Wag naman sana masama ang pangitain.

Naghugas ako ng kamay. Nagsabon narin ako at nilinis ang bawat sulok ng kamay ko.

Kinalkal ko ang ointment na pangamot sa paso. Grabe! Ang paga! Ang init kasi eh. Tsk! Ang paga! Ano ba to!

************************

Ilang araw ng hindi nagising si Jake. Nameet ko narin ang parents ni Jake. Parang hindi nila ako gusto. Alam nila na magkakilala pala kami. Nahiya namn ako.

" Sige po kayo naman po ang bahala kay jake " tumango ang mommy ni Jake. At ako umalis na.

Dadaanan ko muna si John. Syempre utang ko rin sa kanya ang buhay ko.

Pagbukas ko ng pinto. Kumakain sya. Mukhang ayos naman sya.

" Hi! " tumawa ito. Ipinatong nito sa isang lamesa ang kanyang kinainan.

" Kumain ka na ba? Mag-12:00 na din ang oras" umiling ako.

" Sige lang. Kumain ka lang. Uuwi narin naman ako sa bahay. Dumaan lang ako sayo saglit " tumatango-tango ito. Napatingin ako sa pangulam nya.

" Gulay na kalbasa ang pang-ulam mo? " tumango ito at tumawa.

" Yes! Remember paborito ko yan dati. Nagluluto ka pa nga nyan sa akin eh " Napakamot ako ng ulo at parang napangisi.

" Oo nga pala. Sorry nakalimutan ko na kasi. Sorry ah " umupo ako sa reserbang upuan.

" Okay lang hahaha. Long time ago narin naman iyun. Kaya magkaka-chance na makalimutan mo na " parang nagkaroon ng ilangan na atmosphere sa pagitan naming dalwa. Iniba ko nalang ang usapan.

" Recover kana ba? Mukhang relief kana " umayos ito ng konti sa kama.

" Medyo.....Sabi ng doctor. Malapit na akong madischarge " Tumayo ako. At tumawa.

" Natutuwa ako na ayos ka. Maraming salamat sa ginawa mo sa akin. Mabuti kang kaibigan " Natal-akan agad ito. Binigay ko sa kanya ang tubig.

" K-kaibigan? " paos nitong sabi. Tumango ako.

" Oo ano ba ang dapat kong sabihin? " naguguluhan kong sabi. Nakatitig lang ito.

May kumatok at bumukas ang pinto. Si kuya pala.

" Sige! alis na ako " tumawa ako sa kanya. Tapos umalis na ako. Sinarado ko ang pinto.

" Bakit kuya? " umiling ito. Naalala ko nga pala hindi pa ako nakain.

" Kuya kumain ka na? Kakain muna ako. Ikaw muna ang bahala ha " aalis na ako sa harapan ni Kuya. Pero pinigilan ako ni kuya.

" Bakit kuya? " ano ba tong si Kuya? May sasabihin ba si Kuya sa akin.

" Sasamahan kita " tumango lang ako. Ang wierd ni Kuya.

**********************

" Celine? Wag kang mabibigla ha? " uminom ako ng tubig. Kumain kasi ako dito sa eatery na malapit. Maayos naman. Kasama si Kuya.

" Ano ba yun kuya? Kinakabahan ako lalo habang hindi mo agad sinasabi sa akin. Ano nga yun? " si Kuya naman oh. Kabado na tuloy ako.

" Di ba? Blood type mo A? " Tumango ako. Tapos hinanap ko ang pera ko sa bag. Pero si Kuya na ang nagbayad.

" Teka nga kuya? Bakit ba natin pinaguusapan ang blood type ko? " ano bang?

" Kaano-ano mo ba yung nagngangalang Jake? Bakit ka nya niligtas? May relasyon ba kayo nun? " Bumuntong hininga ako. Ano nga ba kami?

" Hindi ko alam kuya. Basta nasisigurado ko lang. Mag-kaibigan kami. At walang namamagitan sa amin " hinawakan ni Kuya ang kamay ko.

" Kailangan ni Jake ng salinan ng dugo. Bale pareho naman kayo ng dugo. Pwede kang magdonate " Okay Para kay Jake magdodonate ako para sa kanya.

" Basta Celine.....Kung ano mang namamagitan sa inyo. Lubos akong nagpapasalamat sa kanya. Niligtas nya ang buhay mo. Kung wala silng dalawa sa buhay mo. Baka namatay kana " malalim na hugot na sabi ni Kuya. Tama si Kuya.

" Kaya kung sino ang gusto mo sa kanila. Piliin mo yung taong Mahal na Mahal ka, mabait sayo at may paninindigan. Handa akong sinuportahan ka sa desisyon mo. Gagabayan kita " Hinigpitan ko ang hawak ko Kay kuya.

" Salamat kuya...." ngumiti ako kay kuya.

" Para sayo Celine " napakaswerte ko kay Kuya. Salamat talaga sa kanya.

Sino ba talaga sa kanilang dalawa? Si John? O Si Jake? Nakakaliyo ito ah!!!

Maaga akong naghanda para pumunta sa Ospital. Saka tingnan narin kung kailan ako makakapagtransfer ng dugo para kay Jake. Nagdala narin ako ng prutas.

" Hi po! " bati ko sa mga magulang ni Jake. Tumawa ang Ina ni Jake.

" Sige ija ikaw na ang bahala kay Jake ha. Mahal na Mahal ka ng anak ko. Alam ko na kung bakit baliw na baliw sayo ang anak ko. Dahil kakaiba ka " akala ko matapang ang mommy ni Jake. Yun pala ang bait.

" Kung sakaling may namamagitan na sa inyo. Susuportahan ko kayo. Sige ija " tumango ako at tumawa. Hindi ko nga alam kung magboyfriend kami eh. May kami ba? Hinabol ko ang mommy ni Jake.

" Amm..... " Kinulbit ko ang mommy ni Jake.

" May sasabihin lang po sana ako sa inyo. Tungkol po kay Jake. Sasalinan po ba talaga sya ng dugo? Magdodonate po ako " hinawakan nito ang kamay ko.

" Okay ija salamat. Maybe later para makapagdonate ka. Sige ija aalis na ako " tumango ako. Napatingin ako sa kamay ko. Ang lambot ng kamay nya.

©Love To The Destiny