Chereads / The Luckiest Dreamer / Chapter 3 - TLD | Chapter 2

Chapter 3 - TLD | Chapter 2

"Kailan mo titigilan ang ginagawa mong ito, Xander?" Tanong ni Don Armando sa anak. Kaka-labas lang nito sa ospital nang araw na iyon at hindi nito mapigilan ang sariling kumprontahin ang anak nang magkasarilinan sila nito sa silid.

"This is the only thing that makes me happy, Papa. You know how much I love motocross?" anang anak na nakahilig ang ulo sa sandalan ng couch at nakapikit. Halata sa mukha nito ang pagod.

"Alam ko iyon, anak, kaya sa matagal na panahon ay hinayaan kita diyan sa hilig mo. Ilang taon kong kinunsinti ang pagkakakarera mo dahil nangako kang pansalamantala lang iyon at uuwi ka rin dito sa La Esperanza para pamahalaan ang resort. Pero hindi ko nakikita ang posibilidad na mangyari iyon."

"Kapag nagsawa na ako ay ititigil ko na rin ito, Papa."

"You have been saying that for years now, Alexandro. Noong nakaraang taon ay tumalsik ka sa motorsiklong kinakarera mo at muntikan nang maputulan ng braso. Kailan ka magsasawa at titigil? Kapag nasa hukay ka na?"

"You're exagerating, Papa. Kaunting sugat at gasgas lang ang natamo ko sa aksidenteng iyon," balewala paring sagot ng anak na hinagod ang sentido.

Huminga ng malalim ang Don at sa malumanay na tinig ay muling nagsalita. "I am getting old, hijo, at ngayo'y nagkakasakit na. It's time for you to take over the business. Matagal ka nang hinihintay ng resort."

"Papa, I also have a career in Manila—"

"Mas madalas ka pang magkarera kaysa pumunta sa mga project sites mo. Your secretary once mentioned na mas madalas ka pa sa race track kaysa sa opisina ninyo," bumuntong-hininga ang Don. "You are turning thirty, it's time for you to stop that dangerous hobby of yours and focus on bigger goals. Hinihintay ka na ng resort. Legacy mo ito sa akin at panahon na para pagtuunan mo ito ng pansin."

"Hindi ko nakakalimutan ang responsibilidad ko sa resort, Papa," Bumuntong-hininga si Xander at tumuwid ng upo. At sa seryosong tinig ay muling nagsalita, "Okay, may tinanguan akong dalawang race next week, just let me do them then I'll retire. Pagkatapos noon ay ipinapangako kong titigil na ako." Muli itong sumandal sa kinauupuan, "After the race ay uuwi ako dito para pamahalaan ang resort pero luluwas parin ako sa Maynila from time to time para sa trabaho ko sa firm."

Ngumiti si Don Armando nang marinig ang sinabi ng anak, "Thank you, son."

Si Xander ay muling inihilig ang ulo sa sandalang ng couch.

Hinagod ni Don Armando ng masuyong tingin ang anak, "So tell me, ilang araw ka namang mananatili sa mansion ngayon?"

"Just a few days. Babalik din ako sa Maynila bago ang scheduled race. Nagkaroon kami ng problema ni Katie kaya naisipan kong umuwi," wala sa loob na sagot ni Xander na muling ipinikit ang mga mata. Si Katie ang curret girlfriend nito na minsan nang nakilala ng Don.

"Gaano ka-laki ang problemang ito para mapa-uwi ka ng La Esperanza? You haven't been home since forever."

Xander shrugged, "She wants wedding bells."

Doon natawa ang Don. "Siya ang pinaka-matagal mong girlfriend, talagang maghahangad iyon na pakasalan mo."

"We're only dating for three months, Papa."

"You don't need to smell the whole bottle of perfume to know it smells good," makahulugang sambit ng Don.

"I'm still enjoying my freedom."

"Ibig sabihin ay tinakasan mo lang si Katie kaya ka napauwi?"

"You can say that. I am getting tired of her, sa tuwing sinasabi kong hindi pa ako handang magpakasal ay nag-wawala."

"Then, why don't you just break up with her like normal?"

Nagmulat ng mga mata si Xander, "I already did. Kaya nga naroon ito ngayon sa Maynila at nagwawala. I had to run for my life so I came here."

Hindi maiwasan ng Don na matawa sa anak, "She's the craziest girlfriend you ever had."

Kibit-balikat lang ang isinagot ni Xander dito.

Ilang sandali pa'y muli nagseryoso ang matanda, "Ngayong nagkakasakit na ako ay hinihiling ko na sana maabutan ko man lang ang mga apo ko, hijo. When are you planning to settle down and have your own family?"

"Whoa, stop right there, Papa. Hinay-hinay lang. Pinagbigyan ko na kayong iwan ang pagkakarera, pati ba naman ang pag-aasawa ay ngayon niyo na rin ipipilit sa akin?" Tumayo ito at saka nag-inat. "That one is still not possible, old man. Not until I'm ready and not until I've found the one," anito bago humakbang patungo sa pinto. "I'm sending Yaya Selma here to check on you and bring you some food. I'm going out to meet Mikey."

Napailing nalang si Don Armando nang tuluyan nang nagpaalam ang anak. Hindi nito maiwasang mapatingin sa larawan ng yumaong asawa na nasa pader at saka bumuntong hininga.

*****

Tinawagan ni Xander ang kaibigan at kababatang si Mikey at niyaya itong magkita sila sa labas. Kailangan muna niyang lumabas ng mansion at iwasan ang ama. Alam niyang kapag nag-umpisa na ito sa mga hiling nito ay hindi na titigil. He needed to get out of the mansion fast, bago pa siya nito makumbinsing sundin lahat ng gusto nito.

Sobra ang pag-aalala niya noong araw na dumating siya sa mansion at sabihin ng katulong na isinugod ang ama sa ospital. Iyon ang unang pagkakataong inatake ang ama at totoong natakot siya. Nang masigurong nasa maayos na itong kalagayan ay nakahinga siya ng maluwag, bagaman alam niyang hindi iyon ang magiging huling atake nito. Maari pa iyong masundan, and it could be fatal.

His father was his only family at mahalaga sa kaniya ang kaligtasan nito. Simula nang mamatay ang Mama niya labing dalawang taon na ang nakakaraan ay sila na lamang ng Papa niya ang natirang magkasama. Totoong hindi siya madalas na umuwi sa La Esperanza, subalit parating bumibisita ang Papa niya sa Maynila at madalas siyang tumawag dito para kumustahin ang lagay nito.

He loved motocross, and he had been racing since he was in America. Subalit nang hilingin sa kaniya ng ama na tigilan na iyon ay sandali lang siyang nag-isip at pinagbigyan din ito. Sa kalagayan ngayon ng ama ay handa siyang ibigay lahat ng hilingin nito huwag lang sumama ang loob nito sa kaniya. Pero ang pag-aasawa? Hindi pa niya alam.

Bumuntong-hininga siya at inihinto ang kotse sa harap ng isang resto-bar sa bayan. Poison Pub. Iyon ang address na nasa text message ni Mikey. Bumaba siya ng sasakyan at dumiretso sa loob.

The place looked safe and fine, unang bumati sa kanya ang dalawang bouncer sa pinto na nakasuot ng itim na T-shirt. Sa tingin niya ay bago palang ang bar na iyon dahil wala pa iyon doon dati noong huling umuwi siya ilang taon na rin ang nakakalipas.

Nang matanaw si Mikey na nakaupo sa bar counter ay dumiretso siya roon. Mikey was his best friend since they were kids, madalas sila nitong magkita sa Maynila dahil naroon ang negosyo nito pero sa La Esperanza pa rin ito nakatira kasama ang asawa't anak.

"How are you, buddy?" aniya rito. Naupo siya sa katabing stool.

"Very well, dude. Nagulat ako nang sabihin mong nasa La Esperanza ka," anito saka sinenyasan ang bartender na lumapit.

"Just for a few days."

Tumango ito, "How's Tito?"

"He's starting to feel better. Pero alam nating traydor ang sakit sa puso. Anytime, anywhere ay maaaring umatake na naman ang sakit niya kaya kailangan niya ng kasama palagi," tinanguan niya ang lumapit na bartender at um-order ng scotch on the rocks.

"You need to get him a private nurse," suhestiyon ni Mikey. "And make sure she's lovely and sexy."

Nagkatawanan sila ng kaibigan, "Nah, I doubt kung ikatutuwa ni Papa iyon. Alam mo namang simula nang mamatay ang Mama ay hindi na siya tumingin sa ibang babae."

"Yeah, kaya nagtataka ako kung saan mo nakuha ang pagiging palikero mo."

Akma siyang sasagot sa sinabi ng kaibigan nang mula sa dulong bahagi ng counter ay naagaw ang pansin nila ng lalaking sumigaw kasabay ng paghagis nito ng basong may lamang alak sa sahig.

Binalingan nito ang babaeng bartender at hinila sa braso.

"Sinabi ko naman sa iyong kasama sa babayaran ko ang kiss, tapos mag-iinarte ka pa?" Galit na sambit ng lalaki na halatang lasing na, "Ang yabang mo'ng babae ka!"

Halos masubsob ang babaeng bartender sa mga naka-display na alak sa shelf na nasa likuran nito sa lakas ng pagkakatulak ng lasing na lalaki.

Akma na sana siyang tatayo para umawat nang makitang mabilis na tumayo ang babae at sinigawan ang lasing na customer. "Eh kung tratuhin mo ako ay parang babae ako sa kabaret eh, sino ang matutuwa roon? Mag-re-request ka pa ng kiss, eh kung mag-toothbrush ka kaya muna? Amoy ashtray na iyang hininga mo, hindi ka na nahiya!"

Narinig niyang nagtawanan ang ibang mga customer na tila tuwang-tuwa pa sa nakikitang gulo.

Aambangan na sana ng suntok ng lasing na customer ang babaeng bartender kung hindi lang mabilis na nakalapit ang dalawang bouncer na nasa labas kanina at inawat ito. May ibinulong ito sa lalaki na nagpakalma rito at saka pumasok ang mga ito sa isang maliit na opisina.

Ibinalik niya ang tingin sa babaeng inayos ang uniporme at lumabas ng counter para walisin ang nabasag na basong inihasig ng lasing na customer. Nakatalikod ito at yumuko. Hindi niya alam kung maliit ba ang uniporme nito o sadyang ganoon ang tabas dahil sa pagyuko nito ay halos tumambad sa paningin ng lahat ang kalahati ng likod nito at ang garter ng suot nitong panloob. He swallowed hard for no reason at all. Nakita niyang ang ibang mga customers ay sandaling natahimik at nakatingin lang din sa likuran ng babae na bigla niyang ikinainis.

"What's this place, Mikey?" inis niyang binalingan ang kaibigan na sandali ding natulala sa babaeng halos tumambad na ang kalahati ng likod at ibabaw ng pang-upo. "Lagi bang may gulo dito at may babaeng halos nakahubad na?" He's no saint but he didn't understand why he was suddenly irritated.

Natawa sa kaniya ni Mikey, "Yes to your first question and no to the latter. Matino ang club na ito at maayos ang serbisyo. Hindi ito beer house na may babaeng lalapit sa'yo at lalambitin. Pero dahil alak ang ibinibenta rito sa gabi, natural na may nalalasing at may mag-aamok ng away. Minsan, ang dahilan ay iyang si Via." Itinuro nito ang babaeng bartender na ngayon ay nakabalik na sa loob ng bar counter. "Parati kasing napag-ti-trip-an ng mga customers 'yan. She's a 'no-bullshit' lady, may marinig lang na hindi maganda ay nakikipag-away na sa customer. But she's actually nice, ayaw lang talagang nababastos."

Out of curiousity ay sinundan niya ng tingin ang babaeng tinawag ni Mikey na 'Via'. Nakangiti na muli itong bumaling sa bagong upong customer. Kumunot ang noo niya nang matitigan ito ng mabuti. She looked familiar. Nagkita na ba sila nito?

Naagaw ang pansin niya nang inilapag ng isa pang bartender ang baso ng scotch sa harapan niya. Pinangalahati niya ang baso at saka muling bumaling sa kaibigan, "Palagi ka ba rito?"

Mikey shrugged, "Every weekend. Simula nang itayo ito tatlong taon na ang nakakaraan ay ito na ang tambayan ko."

Tumango siya at hindi na sumagot. Nakakatatlong baso na siya ng scotch nang magyaya nang umuwi si Mikey. Madami-dami na rin silang napag-usapan at mukhang nag-uumpisa na itong tamaan ng alak.

He didn't like the place. Oh well, maayos at malinis ang lugar, totoo naman. May smoking area sa bandang gilid at ang mga TV screens ay nasa sport's channel. Ang aura sa paligid ay kapareho ng mag pubs sa America pero hindi niya maintindihan kung bakit ayaw niya roon.

Bago sila lumabas ay napasulyap siyang muli sa babaeng bartender na abala sa pag-timpla ng alak. He wondered if she could be the reason why? Lihim siyang umiling bago tuluyang lumabas.

*****