Chereads / The Luckiest Dreamer / Chapter 4 - TLD | Chapter 3

Chapter 4 - TLD | Chapter 3

Sabado nang araw na iyon at maagang gumising si Via para ipaghanda ng mga babaunin sa field trip ang kambal. Buti nalang at nakahiram siya ng pera sa kaibigang may-ari din ng club na pinagta-trabahuhan niya sa gabi.

Habang nagluluto ay si Alexandro Castillano ang laman ng utak niya. Hindi niya inaasahang makita itong muli sa bar kagabi.

Matapos niyang makipagsagutan sa customer ay saka niya ito napansin kasama ang matalik na kaibigan nitong si Mikey Conde. Halos pangapusan siya ng hiningi noong mga oras na iyon. She didn't expect to see him almost everywhere and it made her feel so ecstatic. Dahil sa presensya nito kagabi ay kaagad niyang nakalimutan ang inis sa nakasagutang customer. Kung parati ba naman itong naroon sa Poison Pub ay talagang sisipagin siyang pumasok gabi-gabi.

"Ate, may naghahanap sa'yo," ani Blue na nagpagising sa pantasya si Via. "Ako na diyan sa ginagawa niyo."

Inabot niya ang sandok sa kapatid at hinubad ang apron. Kunot-noo niyang tinungo ang sala at natulala nang makitang naroon si Don Armando Castillano na naka-upo sa single sofa.

"Good morning, Via," anang matanda na napatayo pagkakita sa kaniya.

"M-magandang umaga din po, Don Armando." Paanong nalaman ng Don ang pangalan at address ko?

"May iniwan kang impormasyon sa ospital noong dinala mo ako doon, I got your address from them," nakangiting sabi ng Don na marahil ay nababasa ang nasa isip niya.

Tango lang ang naisagot niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa bahay nila ito. "M-maupo po kayo. Gusto po ba ninyo ng kape o juice?"

"H'wag ka nang mag-abala pa, hija." Nakangiti nitong sagot bago muling naupo.

Nanginginig ang tuhod na naupo sya sa katapat na sofa.

"Nag-punta lang ako rito para personal kang pasalamatan sa pagligtas mo sa buhay ko. If you weren't there at that time, I could have died. I owe you my life."

Ipinaypay niya ang kamay sa ere. "Naku, Don Armando, wala po iyon. Kahit sino naman po'ng mapadaan doon at makita kayo ay hindi magdadalawang isip na tumulong."

Tumango ito at sinuyod ng tingin ang maliit nilang bahay. "Bakit ka nga pala naroon sa sangang daan patungong resort noong araw na iyon?"

"Sa resort po ako nagta-trabaho. Isa po ako sa mga housekeeping staff."

Bahagya itong nagulat, "How long have you been working there?"

"Tatlong taon na po."

"And how old are you?"

Gusto niyang kunutan ng noo sa mga tanong ng Don. Kaloka! Ano 'to, job interview? "Twenty-one po, Don Armando."

"Did you finish your studies?" makikita sa mukha ng Don na seryoso itong malaman ang ilang impormasyon tungkol sa kanya na ipinagtataka niya.

"Hindi ko po naipagpatuloy ang pag-aaral ko. Huminto po ako sa ikalawang taon ng kolehiyo nang mamatay ang mga magulang namin sanhi ng aksidente. Para po matustusan ang pangangailangan naming magkakapatid ay nagtrabaho po ako."

"I'm sorry to hear that, Via."

Hindi na siya sumagot pa. Sa mahabang sandali ay nakatitig lang sa kaniya ang Don hanggang sa hindi niya matiis at nagtanong na siya, "B-bakit po?"

Matagal bago nakasagot si Don Armando, "Other than working at the resort, may iba ka pa bang pinagkakaabalahan?"

Tumango siya. "Tuwing gabi mula Lunes hanggang Sabado ay nagta-trabaho po ako sa Poison Pub sa bayan na pag-aari ng kaibigan ko. Bartender po ako roon."

Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo ng Don, "It must have been exhausting, working day and night." Napabuntong-hininga ito. "Do you like working there?"

Tumango siya.

Sandaling natahimik ang Don na tila nag-isip. Ilang sandali pa'y, "Do you want to study again?"

Natigilan siya. Ano raw?

Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ang Don, "Like what I have said earlier, utang ko sa iyo ang buhay ko, Via. In return, I want to help you."

"Don Armando, hindi naman po ako humihingi ng kapalit sa pagtulong—"

"I know. But I still want to help you. You saved my life and I'm changing yours. Let me help you, Via."

Sandali siyang natahimik. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw na iyon ni Don Armando Castillano at lalong hindi niya inaasahan ang alok nitong tulong.

Ang totoo ay natutuwa siya at nag-aalala.

Natutuwa siya dahil pangarap talaga niyang makapagtapos ng pag-aaral para makakuha ng mas maayos ng trabaho. Para sa kanya, wala nang mas mahalaga pa sa edukasyon. Nalungkot siya noong kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral pero hindi niya kayang tiisin at makitang naghihirap ang mga kapatid kaya pinili niyang isakripisyo ang sariling kagustuhan para sa mga ito.

Edukasyon ang mahalaga kaya tutulungan niya ang mga kapatid at sisiguraduhing makapagtapos ang mga ito ng pag-aaral. Kapag natupad niya iyon ay para na rin niyang natupad ang pangarap niya para sa sarili.

Subalit nalulungkot din siya sa alok ng Don. Dahil kapag nag-aral siya ay hindi na siya makakapagtrabaho para suportahan ang mga kapatid. Paano na ang mga ito? Hindi niya kayang talikuran ang mga ito para sa sariling pangarap.

Hanggang sa may ideyang pumasok sa isip niya.

"Natutuwa po ako sa inyong alok, Don Armando, malaking tulong po iyon para mas mapabuti ang kinabukasan namin ng mga kapatid ko. Pero.." napayuko siya at sa mahinahong tinig ay ipinaliwanag ang nasa isip.

Ngumiti ang matanda matapos marinig ang saloobin niya. "No problem. I'll just help your siblings, then. They can be my scholars."

Nanlalaki ang mga matang napa-angat siya sa pag-upo kasabay ng malakas na pagsinghap. Hindi na siya nakapagsalita pa nang sabihin sa kaniya ni Don Armando na papuntahin sa mansion ang dalawa sa mga kapatid niya na nag-aaral sa highschool para mapag-usapan ang lahat ng detalye sa pag-aaral ng mga ito at plano sa kolehiyo. Sinabi din nitong bibigyan siya ng mas maayos na trabaho sa resort na labis-labis niyang ipinagpasalamat.

Hanggang sa makaalis ang matanda ay hindi pa rin siya makapaniwala sa swerteng dumating sa kaniya. Ang alok na scholarship ng Don para sa mga kapatid ay malaking tulong sa kaniya, pakiramdam niya ay natanggalan siya ng tinik sa dibdib.

*****

Mabilis na lumipas ang mga araw at si Via ay naging masaya sa bagong trabaho sa resort. She was assigned as one of the bartenders of the resort and she was happy about it. Mas gusto niya ang maghalo ng alak kaysa ang magtupi ng mga bedsheets. HRM ang pinag-aralan niyang kurso at lahat halos ng gawain sa hotel at restaurant ay alam niya. She's studied frontdesk duties, housekeeping, bartending etc. back in college kaya naging madali sa kaniya ang trabaho sa Resort de Almira.

Ang Resort de Almira ay dinarayo ng mga turistang bumibisita sa La Esperanza at sikat dahil sa white sand beach nito at mga activities tulad ng snorkling, diving etc. Maganda ang estruktura ng resort, malaki iyon at mayroong sampung palapag na hotel. Ang pamilya Castillano ay kabilang sa mga mararangyang pamilya sa La Esperanza at ang resort na pagmamay-ari nila ang siyang pinakamalaki at pinakamagandang resort sa norte. She was just so pround and happy to be working there.

Nasa staff room siya nang hapong iyon at kasalukuyang nagpapalit ng uniporme nang makarinig ng tsismis mula sa dalawang kasamahan na nagbibihis din.

Ayon sa mga ito ay umuwi na naman daw sa La Esperanza si Alexandro mula Maynila. Ang narinig pa niya ay muling na-aksidente ang binata mula sa pagkakarera nito at naging dahilan iyon parang muling atakehin sa puso si Don Armando.

Sa ngayon ay maayos na daw ang lagay ng Don at ipinasundo nito ang anak mula sa ospital para doon na sa La Esperanza magpagaling ng mga natamong sugat at gasgas.

Alam niyang wala siyang karapatang mag-alala pero hindi niya maiwasan. Hiling niya na sana'y maging mabilis ang pag-galing ni Alexandro at sana'y matagal itong manatili sa La Esperanza para makita niya itong muli.

Nang sumunod na araw ay nagulat si Via nang ipatawag siya ni Don Armando sa mansion. Bagaman nagtataka ay nagmamadali siyang nagpahatid doon sakay ng isa sa mga service van ng hotel.

Aba, tsansa na niyang makitang muli si Xander! Wala siyang pakealam kahit hindi siya nito kilala, ang masilayan lang ito ay makakapagpabuo na ng araw niya.

"Magandang hapon po," ani Via nang makapasok sa study room ng mansion. Iyon ang unang beses na nakarating siya sa mansion ng mga Castillano at nalulula siya sa laki at ganda niyon.

"Magandang hapon din sa iyo, Via. Please have a sit," anang Don na tumayo pagkapasok niya. Itinuro nito ang upuan na nasa harapan ng study table nito. Lumapit siya at naupo roon.

"How's your new job so far?" nakangiting tanong ng Don na naupo na rin.

"Maayos naman po, Don Armando. Masaya ako sa ginagawa ko at kasundo ko lahat ng mga katrabaho ko."

Tumango ito. "Natutuwa akong marinig 'yan. Nagpaalam ka na bang hihinto sa trabaho mo sa pub na iyon?"

Nahihiya siyang umiling. Sinabihan siya ng Don na tumigil na sa trabaho niya sa gabi dahil ang sasahurin niya bilang bartender sa resort ay higit na malaki kumpara sa dati niyang sahod noong nasa housekeeping pa siya. Subalit masaya siya sa Poison Pub at malaki din ang naitutulong ng tip ng mga customers, kaya hindi din madali sa kaniyang iwanan ang trabaho niya doon.

Sa marahang tinig ay ipinaliwanag niya iyon kay Don Armando na nakakaunawang tumango. Ilang sandali itong tahimik na nag-isip bago huminga ng malalim, tumayo at tiningala ang family portrait na nasa pader sa likuran nito. Naroon sa portrait ang Don at ang namayapa nitong asawa na si Doña Almira at ang poging-pogi na si Alexandro. Sa hula niya ay nasa edad disi-seis lang si Alexandro sa larawan.

"As you know, Via.. Si Xander nalang ang natitria kong pamilya," umpisa ng Don na nakatingala parin sa portrait. "Simula nang pumanaw ang aking asawa ay ibinuhos kong lahat ang oras ko sa resort at sa pagiging isang mabuting ama kay Xander. Wala akong ibang hiniling kung hindi ang ikabubuti nito. I've supported him in all his decisions, whims and caprices." Huminga ito ng malalim, "But I've had enough. He has to stop now."

Nanatili siyang tahimik at nakikinig dito.

"Two days ago, he got into an accident that almost killed him. Nabangga sa malaking puno ang kinakarera niyang motorsiklo at kung hindi siya tumilapon ay kasama sana siya ng motor niyang sumabog at nasunog. Sa awa ng Diyos ay ilang injuries lang ang natamo niya. You can imagine how I reacted after hearing the news. I almost had another attack." Muli itong huminga ng malalim at saka siya hinarap, "Maliit palang si Xander ay pangarap na niyang magkarera ng motor, kaya nang nag-umpisa siya sa pagkakarera noong nasa America palang siya ay hindi ako tumutol.

He studied Civil Engineering here but took his master's degree in the U.S. Nagtagal siya ng apat na taon doon bago siya sa umuwi at nagpasiyang tumira sa Maynila. He took a job in one of the biggest engineering firm in the country, masaya ako sa mga naging achievements niya.

From time to time, I'd visit Xander to watch his race. And whenever he wins, I could see the happiness in his eyes. I couldn't take that joy away from him. Pero bilang ama na nag-aalala sa anak, hindi ako papayag na ipagpatuloy pa niya ito matapos ang aksidenteng ito. He has to stop now."

Napatingala siya sa nakasabit na portrait at tinitigan ang nakangiting mukha ni Xander. Sa pagkakatitig niya na iyon ay tila nais kumawala ng puso niya.

Ilang taon ba niyang pinagmasdan ito mula sa malayo? Sa dami ng umaali-aligid na mga magaganda at mayayamang babae dito noon ay hindi niya magawang magpakilala at ipaalam dito ang tungkol sa damdamin niya.

Type na type niya ito, ilang beses niyang hiniling noon na kung totoong may fairy-godmother o genie in the bottle, ay si Alexandro Castillano ang hihilingin niya. Overtime, she realised that there were no such things like fairies, genies or even the wishing star. Milagro marahil, oo.

"What do you think of my son, Via?"

Napakurap siya ng ilang beses nang marinig ang tanong ni Don Armando.

"A—ano po?"

Seryoso ang anyo ng Don nang ulitin nito ang sinabi, " What do you think of Xander?"

Tumikhim siya. Aba'y napakasarap pong titigan ng inyong anak. Muy simpatiko, matangkad, may magandang pangangatawan at siyempre pa, mayaman. Siya na po yata ang pinaka-perpektong lalaki na maaari lamang pangarapin ng isang katulad ko.

Iyon ang mga nais niyang isagot sa Don. Papaano ba niya sasagutin ng maayos ang tanong nito nang hindi siya nagmumukhang manyakis o illusyunada?

"M-mukha po siyang.. mabait," at iyon lang ang lumabas sa kaniyang bibig.

"You don't find him attractive?"

Muli siyang napatikhim. Ibinalik niya ang pansin sa mukha ni Xander na nasa portrait. "P—pogi naman po.." Kunwari ay wala siyang interes pero pakiramdam niya ay gusto niyang maihi sa kilig habang nakatitig sa larawan nito.

Tiningala rin ng Don ang portrait, "My son has been womanizing around since time immemorial. Maliban pa sa mga kalokohan niya sa mga babae ay nakakatakot din ang kinawiwilihan niyang bisyo. That crazy motocross," the old man tsked. "I want him to stop. I want him to settle down, have his own family, live a peaceful and normal life. Pero wala pang interes si Xander na gawin ang lahat ng iyon."

Nanatili siyang walang imik. Saan patungo ang sinasabing iyon ng Don?

"I need your help, Via."

Kunot-noong ibinalik ni Via ang pansin sa matanda.

"I want you to marry my son."

*****

Tila iyon bombang pinasabog sa harap ni Via. Tama ba ang kaniyang narinig o nabibingi lang siya? Totoo bang lumabas iyon sa mga bibig ni Don Armando o parte lang iyon ng mga pantasya at hiling niya?

Napakurap siya ng ilang beses at hindi makapaniwalang naka-mata lang sa matanda.

"Gusto kong pakasalan mo ang aking anak," ulit nito.

Ramdam ni Via ang tindi ng pintig ng kaniyang puso. Tila siya nakikinig sa radio announcer na ina-anunsyo ang mga numerong tinayaan niya sa lotto. Tama bang mapapanalunan niya ang grand prize na kani-kanina lang ay pinapantasya pa niya? Si Alexnadro Castillano, papakasalan niya?

"B-bakit ako?" halos pabulong niyang wari.

"Dahil nakikita kong magiging mabuti kang asawa sa aking anak."

"Paano ninyong nasasabi iyan, hindi pa naman ninyo ako lubusang kilala?" bagaman labis na natutuwa ay naguguluhan siya.

"Nakikita kong pinalaki ka ng maayos ng mga magulang mo. Do you know how much I admire you for all the hardwork and sacrifices that you have done for your siblings? Hindi lahat ng nakakatandang kapatid ay kayang gawin iyon."

"Sa tingin ko ay madami rin pong katulad ko, Don Armando." Teka, bakit pa ba ako nagpapakipot?

"Pero ikaw lang ang kilala ko."

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Mukhang seryoso nga ang Don!

"S-sa tingin niyo po ba ay.. ititigil na ni Xander sa mga ginagawa niya kapag nag-asawa na siya? M-magugustuhan ba niya ang desisyon ninyong ipakasal siya sa taong hindi pa niya nakikilala? Baka mag-rebelde ito at lalong gumawa ng mga bagay na hindi ninyo magugustuhan." Napayuko siya. Labis pa rin siyang hindi makapaniwala sa offer ni Don Armando, pero sa kaloob-looban niya ay sobra siyang natutuwa. Sino ang hindi? A few minutes ago, she was just hoping and wishing for a foolish and impossible dream. Pero ngayon, ang pangarap na iyon ay unti-unting nagiging totoo.

"Before the accident, my son had promised that it would be his final race. At pagkatapos niyon ay magsisimula na siyang pamahalaan ang resort. But he also works as a senior engineer in one of the finest engineering firm in the country. So apparently, luluwas siya ng Maynila from time to time. Ano'ng malay ko kung sa tuwing pagluwas niya ay panakaw pa rin siyang magkakarera?"

Nagkibit-balikat siya. Hindi imposible iyon, malayang magagawa ni Xander ang lahat ng gustuhin nito sa tuwing wala sa paligid ang Don.

"He will get married at some point, so why not do it now? Kapag nagpakasal siya at nagkaroon ng asawa ay tuluyan na siyang mawawalan ng oras sa pagkakarera."

"Papaano po kayo nakakasigurong gugustuhin niyang magpakasal sa taong hindi niya kilala? Maaari naman ninyong sabihin sa kaniya na magpakasal na siya at siya na ang bahalang pumili ng babaeng gusto niya..." Bakit ba niya sinabi iyon? Para siyang loka dahil nakaramdam siya ng sakit sa kaisipang magpapakasal si Xander sa ibang babae.

"Xander likes to date liberated and promiscuous women. Ayokong pakasalan niya at i-akyat sa pamilya ang mga ganoong uri ng babae, so I won't let him choose by himself." Naupo itong muli at hinarap siya. A mysterious smile appeared on his lips, "Sa kondisyon ko ngayon ay wala akong sasabihing hindi gagawin at susundin ni Xander."

Niyuko niya ang sarili. Magugustuhan ba siya ni Xander? Oh well, alam niyang maganda siya. Pero ang uri ba ng ganda niya ay papasa kay Alexandro Castillano?

Kahit papaano ay alam niyang may maibubuga din siya. Her complexion is darker than the normal Filipina color, probably due to her having a foreign blood. She learned that her biological father was from Brazil, kaya mas mukha siyang Latina kaysa Pilipina. Maganda din ang hubog ng kaniyang katawan, her workmates told her that she has a voluptuos body, iyong tipong hindi payat pero hindi rin mataba. Matangkad siya, may malapad na balakang at maumbok na pang-upo. Iyon ang problema niya sa tuwing bibili siya ng pantalon dahil maliit lang ang waist line niya pero kailangan niya ng mas malaking size para kumasya ang pang-upo niya.

Naisip niya, physically ay siguradong walang maipipintas sa kaniya si Xander. Pero ang tanong, uubra ba ang appeal niya rito? Papaano kung hindi ito mahilig sa negra? Napa-uklo siya sa kinauupuan. Ang saklap naman no'n..

"May nobyo ka ba, hija?" pukaw sa kaniya ni Don Armando.

Umiling siya.

Huminga ito ng malalim. "Alam kong hindi magiging madali sa iyo ang pagtanggap sa hiling kong ito, Via. Sino nga naman ang babaeng gugustuhing magpakasal sa lalaking hindi niya pinili? We are not in the time where fix marriage still works," bahagya itong natawa sa sinabi subalit sandali lang iyon at muling nagseryoso. "But I am desperate, Via. I desperately need your help. And I want to offer something to help you decide."

Muli niyang sinalubong ang mga mata nito.

"Maliban kina Blue at Grey, ay sasagutin ko na rin ang pagpapa-aral sa dalawang bunso mong mga kapatid, until college. Kahit anong kurso ang gusto nila. I will finance their education and all their needs provided that you marry my son and be his faithfull wife. What do you think?"

Literal na umawang ang bibig niya sa narinig. Ang pakasalan at maging misis ni Alexandro Castillano at full scholarship ng apat na bubwit? Grand prize na, may bonus pa! Aba, kapag tinamaan ka nga naman ng swerte!

"Well..?" anang Don na naghihintay ng sagot niya.

Huminga siya ng malalim para pigilan ang sariling huwag tumili sa sobrang galak. At sa ipit na tinig ay sumagot.

"Tinatanggap ko ang alok ninyo, Don Armando."

*****