"Sinabi sa akin ni Yaya Selma na hindi ninyo kinakain ang mga pagkaing inaakyat nila," ani Xander nang makapasok sa silid nang ama at makita itong naka-upo sa kama at naka-sandal sa headbord habang nagbabasa ng ilang mga papeles.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Ibinaba nito ang mga papeles na hawak sa ibabaw ng night stand at sinuyod siya ng tingin. "Kumusta ang mga sugat mo?" anito habang nakatingin sa kaliwang braso niya na may benda.
He shrugged, "As you can see, hindi ko na kinakailangang gumamit ng saklay para maglakad. My scratches have healed."
"I can see that. Your recovery was fast, it only took three days bago ka nakapaglakad ng walang saklay." Napansin niya ang bahagyang pamumutla ng mukha ng ama at labis siyang nag-aalala sa lagay nito. "Sinabi sa akin ni Selma na maaga kang umalis."
Tumango siya, "I went to the resort this morning, stayed there for a couple of hours and then went to Mikey's house. Kaarawan ng anak niya. Hindi niyo pa ako sinasagot. Bakit hindi kayo kumakain? Sinabi din sa akin ni Yaya Selma na hindi kayo lumabas buong araw."
His father took a long, deep breath. "I'm not feeling well, son. Simula nitong huling aksidente mo ay hindi na rin naging maganda ang pakiramdam ko."
"What do you mean?" he said in a worried voice. "Are you taking your medicines?"
"Of course. I'm just worried about you. Pakiramdan ko ay unti-unti akong nanghihina sa pag-aalala sa iyo."
"Don't worry about me," huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Lumuwas tayo ng Maynila bukas para mapa-tingnan ka, when was your last check up? We need to ensure that your condition is not getting worst."
His father released a sad smile. "Hindi natin kailangan lumuwas ng Maynila, narito sa La Esperanza ang mga doktor ko. I'll be fine, hijo."
"No pops, you need to—"
"Alexandro."
Natigilan siya. This is getting serious. Kapag ganoong tinatawag na siya ng ama sa kumpleto niyang pangalan ay kailangan na niyang maghanda.
"I am getting tired at ang pag-aalala ko sa hilig mo sa motocross ang papatay sa akin ng maaga. Promise me you won't go back to racing ever again," matigas na sabi ng ama.
He took a deep breath, "Bago ang aksidente kong ito ay nangako na ako sa inyong iyon na ang magiging huling karera ko."
"Ang sabi mo noon ay dalawang karera pa ang naghihintay sa iyo sa Maynila, pero sa unang race palang pagkabalik mo ay na-aksidente ka na. Are you still doing the final race?"
Umiling siya, "I have decided not to proceed. Naka-usap ko na ang buong crew bago pa ako umuwi rito. I have retired, Papa."
Ngumiti ito. Ngiting hindi umabot sa mga mata. "I am very happy to hear that. Gusto kitang makitang nasa maayos bago man lang ako mamatay—"
"Stop talking about dying!" he said in a worried tone. Nag-aalala siya ng labis para sa ama. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nawala ito. He wasn't just ready for that. Ngayon niya naramdaman ang pagsisisi na hindi man lang niya natuunan ng pansin ang ama noong mga panahong abala siya sa sariling career sa Maynila at pagkakarera. Walang makakapagsabi kung hanggang kailan ligtas ang kaniyang Papa. Traydor ang sakit sa puso, ano'ng malay niya kung isang araw ay hindi na ito magising? He shivered from the thought.
"Simula nang magkasakit ako ay tinanggap ko nang anumang sandali ay maaari akong mawala, anak."
Hindi siya sumagot.
"I have one, final wish to make, son. Na sana ay tuparin mo para sa akin."
He held his breath. "Anything, Papa, kung para iyon sa ikabubuti ng lagay ninyo at ikatatahimik ng loob niyo, gagawin ko." He knew he's in trouble. That's for sure. May hinala na siya kung ano ang gustong mangyari ng ama.
"There is a woman who I really owed my life. She's the one who saved me and brought me to the hospital the morning I had my first attack. I like her. Siya ang babaeng gusto kong maging parte ng pamilyang ito. I want you to marry her."
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang pinipigil na paghinga.
Holy shit.
*****
Itinaas ni Via ang strap ng suot na duster habang kinukusot ang mga labahan. Sabado ang araw na iyon, dapat ay sina Blue at Grey ang naglalaba pero kinailangan ng mga itong bumalik sa school para kumpletuhin ang mga requirements bago ang closing of classes.
Ang kambal ang naiwan sa bahay para tulungan siya sa mga gawain. Si Lilac ay nasa kusina at nagpi-prito ng manok na iu-ulam nila sa hapunan samantalang si Peach naman ay nasa harap ng bahay, nagbubunot ng damo at nagdidilig ng halaman. Alas sinco na ng hapon at maya-maya ay papasok pa siya sa Poison Pub.
Isang linggo na ang lumipas matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Don Armando at simula noon ay hindi na siya nakakatulog ng maayos sa gabi sa sobrang antisipasyon.
Magpapakasal siya sa lalaking buong buhay niya ay laman ng kaniyang pantasya? Ang lalaking laging kasama sa mga dasal at hiling niya?
Nakausap na kaya ng Don ang anak tungkol sa pagpapakasal? Isang linggo na ang lumipas at wala parin siyang balita mula sa matanda. Matutuloy pa ba iyon? Pumayag ba si Xander? Nakumbinsi kaya ito ng ama? Naku, naku. H'wag naman sana maging bato ang grand prize!
Nasa ganoon siyang kaisipan nang humahangos na sumulpot si Peach sa pinto ng laundry area nila at sinitsitan siya.
"Psst Ate, lumabas ka muna, dali!"
Dinilatan niya ito. "Aba'y hindi mo ba nakikitang may ginagawa ako, Peachay?"
"May humintong kotse sa harap ng gate natin, magarang kotse Ate!" namimilog ang mga matang bulalas nito.
Si Don Armando na kaya iyon? Bigla siyang kinabahan. Marahil ay nakausap na nito ang anak at may dala ngayong balita sa kaniya. Mabilis niyang binanlawan ang mga kamay saka tumayo. Sandali siyang natigilan at niyuko ang sarili. Nakasuot siya ng bulaklaking duster na kulay itim na umabot lang hanggang tuhod, nasa mga paa naman ang pudpod na tsinelas de goma at ang mga binti ay may mga bula pa ng sabon.
Huminga siya ng malalim saka inayos ang buhok. Ibinuhol niya lang iyon ng kung papaano nalang gamit ang sipit. All in all ay mukha siyang losyang na nanay na may apat na anak. Pero hindi na mahalaga iyon, nais na niyang malaman kung ano ang balitang hatid ni Don Armando.
Sa ganoong anyo ay mabilis niyang tinungo ang sala. Akma niyang babatiin ang naroon at kaharap ni Lilac nang mapatda siya sa kinatatayuan.
Ang lalaking kanina'y nakayuko kay Lilac ay nalipat ang tingin sa kaniya. Bigla siyang pinanlamigan.
Ano ang ginagawa ni Alexandro Castillano sa pamamahay ko???
Nakita ni Via kung papaanong kumunot ang noo ni Xander pagkakita sa kaniya at ang pagbaba ng mga mata nito sa suot niyang duster hanggang sa mga paa niya. Huli na upang itago ng lalaki ang disgusto sa mukha nito at ang bahagyang pag-iling. Kulang na lang ay sabihin nitong hindi siya pumasa.
Ginantihan niya ito ng pagsuri. Si Xander ay nakatayo roon na tila pag-aari nito ang lupang kinatitirikan ng bahay nila.
Nakasuot ito ng kulay abong long sleeve V-neck shirt na halos humapit sa matitipuno nitong dibdib at braso at ang kupasing maong na nakayakap sa matitipuno rin nitong binti. Tila ito isang modelo na lumabas mula sa mamahaling fashion magazine. Ibinalik niya ang pansin sa mukha nito at nakitang nakakunot pa rin ang noo at naroon pa rin ang disgusto sa guwapong mukha.
Nanaginip ba siya? Kahit kailan ay hindi niya naisip na makikita niya ito sa loob ng bahay nila.
Tumikhim ito upang ibalik ang huwisyo niya, "Good afternoon."
Gusto niyang malusaw sa tinig nito. Boses palang, pang-extra rice na!
"M-magandang hapon din," aniya sa nanginginig na tinig. Bahagya niyang siniko si Peachay na nasa tabi niya at sinenyasan na hilahin si Lilac na tulala paring nakatingala sa matangkad at poging-pogi na lalaki.
Mabilis na sumunod si Peach at hinila ang kambal palabas ng bahay. Wala na ang dalawa nang muling magsalita si Xander, "I am Xander Castillano. "
Tumango siya.
"And you are..?"
"V-via.. Olivia Santimeda."
Ito naman ngayon ang tumango. Muli siya nitong hinagod ng tingin na tila isa siyang kakaibang bagay na kailangan ng malalim na pagsusuri. Bigla siyang nailang, sigurado siyang pulang-pula na ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. Sana man lang pala ay nagsuklay muna siya bago humarap sa bisita.
Naiinis na humugot ng malalim na paghinga si Xander. Kunot-noong ibinalik nito ang mga mata sa mukha niya, "How old are you?"
"Twenty-one..." halos pabulong niyang sagot.
"Kapatid mo ang kambal?"
Tumango siya.
"Kids? Do you have kids?"
Napasinghap siya kasabay ng pamimilog ng mga mata. At ano ang ibig sabihin ng tanong na iyon?! "W-wala 'no!"
"Looks like you have one. Kung ang pagbabasehan ay iyang suot at itsura mo." Walang halong panunuya sa tinig nito, bagkus ay naroon ang pagtataka. Akma siyang sasagot sa sinabi nito nang muli itong magsalita, "I'm sure you're wondering why I'm here." Humalukipkip ito, "I only came to personally meet you."
Napalunok siya. Nasabi na marahil ni Don Armando ang tungkol sa pagpapakasal.
"I wanted to see why my father chose you to be my wife. And looking at you now.. lalo akong nagtataka kung bakit."
"Nandito ka ba para insultuhin ako?" Hindi niya maintindihan kung bakit imbes na mainis siya sa mga sinabi ni Xander ay tila lalo pa siyang nacha-challenge. Nakatingala siya rito at kung animated characters lang siguro sila ay naghugis-puso na ang mga mata niya sa pagkakatitig dito.
"Of course not," sagot ng binata. "Hindi ko alam kung bakit ikaw ang napili ni Papa na ipakasal sa akin kaya ginusto kong personal kang makita at makilala. I didn't expect to meet someone like you."
"Disappointed ka ba?" Malamang! Sanay si Xander sa mga magaganda at sosyal na babae sa Maynila at America, hindi mo inaasahang matuwa siyang makilala ang babaeng napili ng kanyang ama para pakasalan nito na mukhang labanderang ale?
Nagkibit-balikat si Xander, "I'd choose not to answer that."
Loko 'to ah?
"Alam kong tinanggap mo ang offer ni Papa kapalit ng magandang kinabukasan para sa mga kapatid mo, sinabi niya iyon sa akin. But— I have no intention in marrying someone I do not know. I'm sure napilitan ka lang din. Hence, I have an offer to make."
Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito.
"How about I give you a million and a better job in Manila? Marami akong kaibigang shareholders ng mga malalaking kumpanya sa Maynila, I'll recommend you. I'll also give you a condo unit as big as mine para doon na kayo ng mga kapatid mo. Tanggihan mo lang ang gusto ng Papa."
Lalong tumaas ang isang kilay ni Via sa narinig. Napahalukipkip siya, "Kung ganyan ka-tindi ang pagtutol mo sa pagpapakasal, bakit hindi ikaw ang tumanggi sa gusto ni Don Armando?"
Nakita niya ang pag-igting ng mga bagang nito. "Kung kaya kong gawin ay bakit pa ako pupunta rito at mag-aaksaya ng oras na kausapin ka?" Huminga ito ng malalim na tila kinakalma ang sarili, "My father is very sick right now and I can't say no to all his wishes. Mahalaga sa akin ang kalusugan at kaligtasan niya, kaya hanggang maaari ay gusto kong gawin lahat ng ikaliligaya niya. Pero ang pagpapakasal sa hindi ko kilala at napiling babae?" Umiling ito. "Gusto kong sundin ang nais niya pero gusto kong ako ang pumili sa babaeng papakasalan ko. But I can only do that if you back out of the deal. Ayokong sa akin manggaling ang pagtanggi. So please do it for me."
At least may 'please'... "At kung ayaw ko?"
Kumunot ang noo nito. "Why would you even want to marry me and say 'no' to my offer? Maliban sa hindi ka matatali sa kasal na parehong hindi natin gusto ay magiging maayos ang buhay mo— ninyo ng mga kapatid mo sa Maynila."
Well, ikaw lang ang may hindi gusto sa kasalang ito.. "Naisip mo man lang bang kapag ikinasal na ako sa iyo ay matatamasa ko ang maayos na buhay na sinasabi mong iyan kasama na ang isang milyon? Aba, ang mapapangasawa ko ang nag-iisang tagapagmana ni Don Armando Castillano! Higit pa sa isang milyon ang halaga ng isang may-bahay mo 'no!" Nginisihan niya ito. Isa pa patay na patay ako sa iyo. Sa tingin mo ba ay pakakawalan ko ang pagkakataong maging misis mo?
"So that's how it is, huh? You're just after my inheritance?"
Inirapan niya ito, "Hindi ko habol ang pera mo't mamanahin kaya kumalma ka. Common sense lang iyong sinabi ko, parating nasa soap opera 'yon no. At isa pa, may deal na kami ng ama mo kaya kahit anong gawin at sabihin mo ay final na iyon, 'di na magbabago. No refund, no exchange. Kahit higitan mo pa ang offer."
Nakita niya kung papaanong kino-kontrol ni Xander ang galit nito. "Bakit mo gugustuhing magpakasal sa lalaking hindi mo kilala? We don't know each other. I don't even like you. How do you think our marriage will work?"
"Aray, ha?" Inismiran niya ito. Aba, namumuro na itong loko na to, ah? "Buo na ang desisyon ko. Pasensya ka na at hindi ko na pwedeng bawiin ang deal kay Don Armando." Kala mo makakawala ka sa'kin?
Nakita niya ang paglitaw ng matinding inis sa mukha nito na mabilis ding naglaho. "I'll make it two million."
Muling tumaas ang kilay niya. Ganoon ito ka-desperadong huwag pakasal sa kanya? Lihim siyang napangiti. Lalo siyang nacha-challenge sa lalaking ito. Nakikita at nararamdaman niyang siya ang may hawak ng kapalaran nito at ng sitwasyon. Alam niyang malaki ang magiging epekto ng desisyon niya sa buhay nito. Wala kang takas sa'kin, Alexandro Castillano.
"Hindi ako sumisira ng pangako, kaya ikinalulungkot kong sabihin sa iyong kailangan kong tanggihan iyang offer mo."
Nakita niyang saglit na niningkit ang mga mata nito bago muling huminga ng malalim. Alam niyang kanina pa ito nagpapasensya. "You are being hard on this," anito. "Pag-isipan mo ng mabuti ang offer ko sa iyo. I'll give you forty-eight hours to think and make a decision." Iyon lang at mabilis na itong tumalikod at lumabas.
Pagkalabas nito ay saka lang niya pinakawalan ang impit na pagtili. Ilang beses siyang humugot ng malalim na paghinga saka sa nanginginig na tuhod ay lumapit siya sa bintana at sinilip ito. Ngunit alikabok nalang mula sa humarurot nitong sasakyan ang inabutan niya.
Muli siyang huminga ng malalim. Ikaw na ang bahala sa mga mangyayari, Batman..
*****