Chereads / Qarly Meets Syre / Chapter 5 - Kabanata 5

Chapter 5 - Kabanata 5

Nagpatuloy sa paglalakad sa mall si Qarly.

Ang Yaya niya naman nasa likod niya.

Yung mga bodyguard, nakakalat sa buong mall. Para na rin hindi siya agaw atensyon.

May mangilan-ngilan ang nakakakilala sa kanya. Although, her existence was once broadcasted on Tv or anywhere news can be published, of the day she was born, her parents made sure na wala na ulit makaka-ulit sa pag-expose sa kanya.

Exclusive sa mga katulad niyang heiress or heir ng mayayamang pamilya na makilala siya talaga. Although, mailap rin naman sa iba si Qarly kaya ilan lang rin ang nakakakilala kung sino siya.

Basta ang alam lang ng karamihan normal man o mayaman na mamamayanan, she exists. She doesn't even care if there are others who talk good or bad about her.

Basta huwag lang niya makita yung mga mukha nung nambabash sa kanya, naku matitikman talaga nila ang bangis nitong little heiress. Nakakakilabot!

"Ya, I think I have spotted a possible target." Bago pa mapuntahan ng Yaya niya ang lalaking target nitong alaga niya, inunahan na siya ni Qarly.

"Hi kuya, will you be my boyfriend?" nakangising tanong niya sa target.

"No, thank you," sabi ng lalaki at umalis na ito nang matanggap niya na ang ice cream na binili sa DQ.

"Sige na Kuya, I'll be a good girlfriend naman." Sinundan niya ang lalaki na mukhang ka-edad niya lang.

Nagpunta ang lalaki sa parking lot, kaya naman sumunod rin sa kanya ang makulit na si Qarly.

"So, Kuya, I'm Qarly, and you are?" Nakasakay na sila ngayon sa Sedan na kotse ni Kuya.

"Why are you so persistent, little girl?" sumubo muna ng ice cream ang lalaki.

"Penge, Kuya, gutom ako." Nang aabutin na ni Qarly ang spoon nung ice cream, nilayo ni Kuya ang cup. "Answer my question first."

Bumuntung-hininga si Qarly and decided to be truthful to this guy she hunted.

"I am Queen Aurora Ly Renue, heiress of Renue Family Business." Tinignan niya ang reaksyon ng Kuya. "Ikaw yung anak nung may-ari ng RFB na nag-iispecialize sa security needs and services para sa may kaya?" Well, mukhang kilala naman pala nito si Qarly.

"Hindi nga? Ang balita ko, Mute ka daw or may sakit kaya hindi ka naglalabas sa mga social events or parties?"

Napataas ang kilay ni Qarly, "Well, I have my reasons, anyway, Kuya, your name is?"

"Richard John." Tumango naman si Qarly.

"Well, Rijo, I'm hiring you as my official boyfriend since now and for the future,"

Gusto man umangal ni Richard John, nag-stop gesture si Qarly gamit ang kanyang left hand.

"Let me finish, I am giving you this opportunity to be my partner and the future heir to my family's business."

Kinuha ni Qarly ang cup ng ice cream and di na nag-atubili na sumubo ng isang scoop and binalik niya rin ito kay Richard John.

"Any comments, suggestions, or violent reactions?" Nanlaki pa lalo ang mga mata nito sa kanya. "Wow, why me?"

Siya naman ang nag-stop gesture. "And why are you calling me Riho?"

Ngumiti si Qarly, "Richard John name mo diba? So, I abbreviated the first two letters of your first name and surname."

"It sounds like, Ree-ho, in my mind it's spelled as R-i-j-o." Inubos muna ni Rijo ang ice cream niya. "Mr. Jean, dito po muna ulit kayo, balik lang kami sa mall."

Pagtapos niya sa driver yun, pinababa niya si Qarly, "Tara dun sa dog café, dun tayo mag-usap."

Hindi na umangal si Qarly at nagpahila na sa dog café.

"Tamang-tama nandoon ang aso ko na si Coral and I miss her na."

Yung dog café kasi sa mall, may side na pwede iwanan yung mga aso ng mga shoppers. Little did everyone know, si Qarly ang may-ari nung dog café. Talagang matalino at business-minded itong bata.

Ang ama lamang ni Qarly ang nakaka-alam na pagmamay-ari nito ang café.

Si Qarly ang nag-isip ng pangalan at kung ano ang services na mapo-provide ng kanyang business. Sa kanya man nakapangalan ang establishment, pero tatay niya pa rin ang nagmamanage, kasi katwiran ng kanyang ama, "Saka na ikaw ang magmanage kapagka 18 ka na."

Hindi sa dinadoubt niya ang anak pero bata pa rin ito kahit na business minded. He wants his daughter to just play and experience being a kid rather than an adult.