Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 81 - FORBIDDEN TECHNIQUE

Chapter 81 - FORBIDDEN TECHNIQUE

"BALDASSARE!" SIGAW ni Dev. Nagtiim ang bagang ni Baldassare at napatingin sa sarili. He's not completely healed! Gayunman, salamat sa mga healing powers at incantation dahil kahit paano ay napabilis ang paggaling niya. Oras na gumaling ang human form niya, puwede na niyang kuhanin ulit ang black scroll at i-unseal ang mga kaluluwa nina Demetineirre sa Avernus.

From there, Mfiel could began ministering those damned souls and sneaked to hell in order to collect them. He was willing to break the law, to resurrect the dead. Kailangan nila iyong gawin para makumpleto ang mga ingredients at mai-seal si Hades sa loob ng impyerno at tuluyan na itong hindi makapaminsala ng mga tao.

And in order to do that, they needed ingredients. Him as a half breed demon, Demetineirre's resurrected soul, Inconnu's ascended demon and the blood of a fallen angel.

Matapos basahin noon ang scroll ay doon natuklasan ni Mfiel ang totoong dahilan kung bakit iyon kinuha ni Hades. Nakalagay doon kung paano ito maise-seal sa impyerno. At iyon ang gagawin niya para magkaroon na silang lahat ng katahimikan.

"Baldassare!" sigaw ni Dev at kinalampag ang bakal niyang pinto.

"What!" he hissed.

"Pinatatawag ka ni Hades!" galit na sigaw nito sa labas ng pinto.

His eyes rolled. Alam na ni Baldassare kung bakit siya pinatatawag. That was the time Hades will give him a mission: to collect souls.

"Mahday, eelohtah sahn, Serloh, eelohtah..." anas ni Baldassare sa wikang latin. Isang uri iyon ng healing spell na puwedeng pagalinging ang ganoong klaseng pinsala na hindi na grabe. Dahil doon ay tuluyan na siyang gumaling.

"Baldassare!" sigaw ni Dev.

Pumitik si Baldassare. Sa isang iglap ay nasa likuran na siya ni Dev. Hindi pa ito nakakalingon ay hinawakan niya ang batok nito at malakas na isinalya sa pinto. Natatandaan niya na isa ito sa mga nagpahirap sa kanya noong parusahan siya ni Hades. Wasak ang mukha ni Dev.

"Now we're even." malamig niyang saad at umalis na. Hindi na niya nilingon ang namatay na demon. Mabilis ang kilos ni Baldassare. Patele-teleport siya hanggang sa makarating sa kaharian ni Hades.

Gayunman, hindi siya dumiretso kung nasaan ito. Dumiretso siya sa basement gamit ang teleportation. At dahil alam na niya kung nasaan ang mga patibong, naiwasan niya iyon.

Sa isang iglap, hawak na niya ang scroll. He teleported again and appear in Avernus.

"What the—" gulat na bulalas ng isang demon na nagbabantay doon. Hindi na ito nakaporma dahil agad na iyong pinatay ni Baldassare. He uses his power to summoned the giants and kill all the demons there.

Hingal na hingal si Baldassare nang matapos. Nang sa tingin niya ay wala nang istobo ay inakyat niya ang naglalakihang icon. Ang isa roon ay mayroong malaking mukha ng lalaki at ang isa roon ay babae.

"Don't worry guys. Makakalaya na kayo." anas ni Baldassare at binasa ang breaking spell sa black scroll. Agad niyang kinabisa ang mga iyon at pumikit.

"Eb meni dei, Eb meni hominis. Eb cruore cerdi, Mei afficio in aerto. Tolle meledictus tuam eb hov vera!" dasal ni Baldassare at sabay na inilapat ang dalawang kamay sa naglalakihang icon. Nag-crack ang paligid noon at umalsa ang mga imahe. Puwedeng-puwede nang dagitin!

And the volt of red thunder appeared. Bumuka ang itim na kisame ng impyero. That was the sign! Umaasa siyang makikita ni Mfiel ang paglitaw ng impyerno para makuha sina Sierra at Demetineirre!

Napangiti si Baldassare nang makita ang puting nilalang. Unti-unti iyong lumalaki sa bawat segundo hanggang sa tuluyan dinagit sina Sierra at Demetineirre! Well, siya lang naman ang mayroong kakayahang gawin iyon. His holy touch could cure a damned soul in an instant. Together with that incantation—the angel could sneak in hell and rescue any poor soul.

"How dare you use this forbidden technique, Baldassare!" galit na sigaw ni Hades mula sa likuran ni Baldassare. Iyon din ang nabasa ni Baldassare sa scroll. Lahat ng mga incantation doon ay 'forbidden'. Because all spells in there breaks the law of magic, balance and humanity. Lahat ng mga iyon ay mayroon ding hinihinging malaking kapalit kagaya na lang ng pagkawala ng human form niya. Nagawa niyang isakripisyo iyon para magawa ang time travel spell.

At ngayon, hindi na nagawa pang magulat ni Baldassare. He even expects Hades to be here in an instant. Alam niyang matutunugan agad iyon ng hari. But it doesn't bother him. This would be the end.

Nilingon ito ni Baldassare. Tumaas ang isang sulok nang labi niya nang makita ang matinding galit ni Hades.

"We're no longer your legendary devils." malamig niyang saad at sumaludo.

Nagngitngit si Hades. "Fuck you!" sigaw nito nang dagitin na siya ni Mfiel.

"Ad impediendum!" sigaw ni Baldassare sa wikang latin na ang ibig sabihin ay pinatawan niya ito ng sumpa na para maparalisa at tuluyan na silang nawala ni Mfiel. Hindi na rin sila nagawang sundan pa ni Hades.

"Ready na ba sila?" tanong ni Baldassare.

"Yes. Nasabihan ko na si Demetineirre habang pabalik kami sa mundo ng mga mortal. How about the scroll?"

"It's here."

Ngumiti si Mfiel. "I never really thought that you're this competent." puri nito.

"Shut up." natatawang sagot ni Baldassare.

Binilisan na ni Mfiel ang pagtawid sa mundo ng mga tao hanggang sa makarating sila sa simbahan. Agad na silang kumilos. Ginamit niya ang sariling dugo para makagawa ng malaking tatsulok at lumuhod silang mga legendary devils sa bawat kanto. Si Mfiel naman ay lumuhod sa gitna.

Binuklat ni Baldassare ang scroll at inilapag sa gitna para sabay-sabay nilang mabasa ang mga latin rift sealing spell.

"Dimidium daemonium de semine fluit sanguis. Resurrecturos homines ad animam. Ascenditque angelus daemonium sanguinem. Sigillum ad finem." sabay-sabay nilang bigkas at hiniwa ni Mfiel ang kanilang mga braso gamit ang angel blade nito.

Lumiwanag ang dugo ng mga legendary devils. Napaungol sila sa sakit at hapdi pero tiniis nila. Nang pumatak ang mga dugo nila sa markang ginawa ay sumilab iyon at humangin ng malakas. Naging maalinsangan ang paligid pero hindi nagtagal ay naging normal din ang lahat.

"Dvus matnuma raj."pagtatapos ni Baldassare sa wikang Iubam—a demon language—na ang ibig sabihin ay one way entry na lang ang hell. Souls that deserve to be there could enter but no one could leave.

Doon dumilim ang langit. Napatingala silang apat at nahigit nila ang hininga nang makarinig ng tunog ng trumpeta at sigaw ni Hades. Flashes and sparks of orange light appear in the sky. Kinabahan si Baldassare pero agad din iyong nawala nang tuluyang hanginin at muling lumiwag.

"We're done." ani Mfiel kapagdaka.

Nagkatinginan ang mga legendary devils hanggang sa sabay-sabay silang napabuga ng hangin. Lumapit sila sa isa't isa at nagyakapan.

"Thanks for rescuing us." grateful na saad ni Demetineirre.

"Yes. Thanks for bringing Sierra back. Kasama niya si Maricon sa loob at—Baldassare!" sigaw na tawag ni Inconnu pero hindi na ito pinakinggan ni Baldassare. Damn it! He didn't want to waste anymore minute! He wanted to see Maricon!