"WE CANNOT kill Hades. He is the king. We are going to destroy the balance of this world if we kill him. Hindi natin alam ang mangyayari sa buong mundo, sa langit at impyerno oras na masira ang balance." seryosong saad ni Mfiel at tinitigan isa-isa sina Baldassare at Inconnu.
Agad silang nagusap nang magising si Baldassare. Bago pa iyon ay nagisingan ni Baldassare si Maricon na nakatulog sa gilid ng kama. Agad niya itong inihiga. Awang-awa siya sa babae. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng guilt kaya humantong sa ganoon ang lahat. Dahil doon ay nakahanda siyang ayusin ang lahat. Kailangang matapos na ang kasamaan ni Hades para magkaroon na silang lahat ng katahimikan. Pero paano iyon mangyayari kundi nila puwedeng patayin si Hades?
"I understand." napapatangong ayon ni Inconnu at nahulog sa malalim na pagiisip.
"Pero kailangan nating gumawa nang paraan para matigil na ang lahat." nagtitimping sagot ni Baldassare.
"I agree. May naisip akong solusyon." ani Mfiel.
Kumabog ang dibdib ni Baldassare. Bahagya silang lumapit ni Inconnu para marinig maigi ang sasabihin ni Mfiel. Panay ang tango nila sa paliwanag nito hanggang sa natigilan si Baldassare.
"W-wait. May nakita akong ganoong klaseng spell sa black scroll na paga-ari ng tatay ko na hawak ngayon ni Hades. We can used that!" pigil hiningang saad ni Baldassare. He was excited about their plan.
"Kabisado mo ang spell?" seryosong tanong ni Mfiel.
"No. Pero puwede akong bumalik sa impyerno para makuha iyon. This time, ibang spell ang gagamitin ko para makabalik. Gagamitin ko ang spell na natutunan ko sa scroll na iyon." seryosong saad ni Baldassare at naningkit ang mga mata. Inalala niya sa isip ang spell na sinasabi.
"Ano'ng klaseng spell iyon?" usisa ni Inconnu.
Tinitigan ni Baldassare ang mga kasama bago nagkwento. Sinabi niya ang lahat ng tungkol sa spell. Parehong natigilan ang mga ito hanggang sa napatango.
"Are you really sure about that spell? Ngayon mo lang iyon gagamitin." seryosong saad ni Mfiel.
Determinadong tumango si Baldassare. "Kailangang sumugal."
"Pero alam mo ang rule sa pag-cast ng spell at incantation. One wrong move, you'll die. Lalo na itong spell na sinasabi mo. It's deadly spell dahil sariling katawan mo ang gagamitin para ma-i-cast. Oras na magkamali ka, hindi ka na makakabalik sa dati." seryosong saad ni Inconnu.
Natigilan si Baldassare pero sa huli ay naging determinado pa rin. "This is the only way I know. Nakahanda na ako sa anumang mangyayari."
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Inconnu. "All this for Maricon."
Naginit ang tainga ni Baldassare sa tukso ni Inconnu. Gayunman, hindi niya magawang tumanggi dahil totoo. "Yes." amin niya.
Nagkaroon nang lambong ang mga mata ni Inconnu. "Hindi ko inaasahang ganito ka magmahal."
"Me too. I didn't expect it. Marami akong hindi inaasahan sa mga nangyari..." anas ni Baldassare at napatingin sa malayo.
Naisip ulit niya ang mga revalations ni Hades. He hated his father's guts. Gumanti ito sa pamamagitan niya. At siya naman, walang ibang ginawa kundi ang tapatan ang inaakala niyang acknowledgment nito.
"Hindi ko rin inaasahan na magmamahal kayong lahat ng ganito kalalim." ani Mfiel.
Napalingon silang dalawa sa anghel. Ngumiti si Mfiel. "Matatapos din ang lahat. Maging positibo lang tayo. Magagawa natin ang mga pinagusapan nating plano. Hindi man natin mapapatay si Hades, magagawan naman natin ng paraan para tumigil na siya. Bukod doon, magagawa ko rin ang misyon ko." anito.
Nagsitanguan na silang lahat sa huli. Tama ito. Kailangan lang nilang maging positibo na matatapos din ang lahat.
At oras na mangyari iyon, matatahimik na ang pinakamamahal ni Baldassare...