Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 78 - BACK IN TIME

Chapter 78 - BACK IN TIME

"B-Baldassare?" tarantang tawag ni Maricon nang magisingang wala na ito sa kama. Siya na ang nakahiga roon at nakakumot. Hindi na niya namalayang nakatulog dahil sa sobrang pagod. Dali-dali siyang tumayo at hinanap ito. Una niyang nakita ang ina sa kusina na nagluluto. "Sina Baldassare?"

Agad siyang hinarap ng matanda. "Gising ka na pala. Nasa itaas. Maguusap lang daw silang tatlo sa study room. Halika na't kumain muna. Pinayagan ako ni Inconnu na pakialamanan ang kusina niya." anito at inilapag ang mga pinggan sa mesa.

Nakaramdam siya ng awa nang mapansing nanginginig ang kamay ng ina. Agad niya iyong hinawakan nang maupo ito sa tabi niya.

"'Ma, nanginginig ho kayo." naawang anas niya at tinitigan ito. Namumutla pa si Maita kaya mas lalo siyang nagaalala.

"N-Napagod lang ako. Sige na. Kumain ka na." anito at sinalinan na siya nang kanin. Umasta na itong balewala ang mga nararamdaman hanggang sa nakita niyang pinagpawisan na ito. Agad niya iyong pinunasan hanggang sa napahawak ito sa ulo.

"Aah..." mahinang ungol nito at napapasabunot na sa buhok.

Kinabahan si Maricon. Nangingilabot siya sa nakikitang pangingitim ng mukha ni Maita.

"'Ma—"

"Eeeeeeeeeeeeeeeeh!" tili nito at hinawi ang laman ng mesa. Aawatin sana ito ni Maricon sa pagwawala pero naitumba nito ang mesa.

"'Ma!" luhaang tawag ni Maricon. Pinilit niya itong pigilan. Niyakap niya ito mula sa likuran.

"M-May bumubulong... m-may... arggggggggggggh! Aaaaaaaah!" sigaw nito at nagbago na ang boses! Naging malagom na iyon na tila galing sa ilalim ng lupa! Nangilabot si Maricon!

"Ah!" sigaw ni Maricon nang pumiglas ang ina at sa isang iglap ay bumalandra siya sa sahig. Agad itong lumabas. Nasaktan man sa pagkakabagsak ay paikang sinundan ito ni Maricon. Natagpuan niya ang ina sa pinakasulok ng bakod. Naghukay ito gamit ang kamay hanggang sa mahukay ang isang stone tablet.

"Spontaneous Combustion!" sigaw ni Maita. Malagom pa rin ang boses na tila nasasapian na at itinaas ang stone tablet. Matapos isigaw ang latin incantation ay biglang umusok ang stone tablet at naging abo!

"Nooooooooo!" sigaw ni Inconnu mula sa likuran. Mukhang naramdaman nila ang kaguluhan sa ibaba ng bahay kaya dali-dali silang pinuntahan at iyon ang naabutang eksena. Hindi pa nagagawang makalingon ni Maricon ay agad tumakbo na ang mga kalalakihan para puntahan si Maita.

Pero ganoon na lang ang tili ni Maricon nang biglang sumigaw nang pagkalakas-lakas si Maita at bumulagta sa damuhan. Binalot ito ng itim na usok at mayroong lumabas na usok sa bibig nito. Nang maubos ang usok at nawalan na nang mala yang ina.

"S-She's gone..." anas ni Mfiel.

Parang namatay si Maricon nang sandaling iyon. Bumukal ang masaganang luha. Hindi niya matanggap na namatay na lang nang ganoon ang ina. "Hindi totoo 'yan!" luhaang bulalas ni Maricon.

"I can't hear her heart beat..." malungkot na saad ni Mfiel.

Hinang napaluhod si Maricon at napahagulgol sa palad. "Ma..." luhaang anas niya. Sobrang bigat ng dibdib dahil sa mga nangyari.

"Hades!" galit na sigaw ni Baldassare nang mag-hugis na ang itim na usok. Malaking lalaki iyon. Nababalutan ito ng itim na cloak. Ang sungay nito ay nakapaikot na parang sa isang kambing. Makapal ang kilay nito at salubong. Matangos ang ilong. Pahaba ang mukha. Mahaba ang balbas at bigote. And his dark aura was overwhelming. It was hard for her to breathe!

Umihip ang maalisangang hangin. Nangitim ang langit. Kumabog ng ubod lakas ang dibdib ni Maricon. Nangilabot siya. Natatakot sa napipintong mangyari.

"Bubuhayin ko ang nanay mo basta sumama ka na lang sa akin, Maricon." malamig na saad ni Hades at inilahad ang kamay. He was offering her a temptation.

"No!" sigaw ni Baldassare at agad nilapitan si Maricon. Inilagay siya nito sa likuran para protektahan. Humanga si Maricon sa nakitang katapangan nito.

"Damn you, you little fuck. Get out of my way or I will incinerate you." mariing angil ni Hades.

"Do it." hamon ni Baldassare.

Napahalakhak si Hades. "Ang lakas ng loob mo na hamunin ako! Ano bang laban mo sa akin? Hawak ko ang itim na scroll!" pagyayabang nito.

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Baldassare. "I know. But I have this." anito at itinuro ang sentido.

"What the—"

"Baldassare!" tili ni Maricon nang makitang sinugat ni Baldassare ang galang-galangan. Bumulwak ang dugo nito at agad ginamit iyon para gumuhit sa katawan ng seal.

"Omnis Verto Masvenit Pro Redintegro Pro Elista!" sigaw ni Baldassare at biglang umikot ng mabilis ang buong paligid. Hindi na alam ni Maricon kung ano ang nangyayari. Sa sobrang bilis ay nahilo siya at nawalan nang malay.

Nagising na lang siya na nasa condominium unit. Maayos iyon at walang bakas na minsan ay naging lugar ng sagupaan ng mga demon.

Kumabog ang dibdib ni Maricon. Ano'ng nangyayari? Bakit bigla siyang napunta roon? Nasaan sina Baldassare, Mfiel at Inconnu? Si Maita? Ano nang nangyari rito?

Napaigtad si Maricon nang makarinig nang katok. Awtomatikong napatingin siya sa pinto na nakaawang. Mula roon ay kita niya ang front door na nakasara.

Sumikdo ang puso ni Maricon dahil sa pamilyar na eksena. Was it a dejavu? Nanaginip ba siya? Parang nangyari na kasi iyon. Parang bumalik siya noong panahong buhay pa si...

"Maricon? Are you there? It's me. Joaquin," tawag nito at muling kumatok.