Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 76 - FREED

Chapter 76 - FREED

"I'm sorry..." anas ni Baldassare at ibinaon ang mukha sa ulo ni Maricon. Ramdam niya ang sinseridad nito na tuluyang tumunaw sa puso niya. Napakahirap magalit ng sandaling iyon. This man save their lives. How could she possibly hate him now?

Itinaas nito ang mukha niya. Nagsipatakan ang mga luha ni Maricon nang makatitigan si Baldassare. The softness of his eyes were priceless. Ibang-iba na talaga ito kumpara noong huli niya itong makita.

"Please, forgive me. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa'yo. I don't even deserve you..." anas nito. Basag na ang boses. He was getting really emotional. Hindi inaasahan ni Maricon na ang astiging demon ay ganoon makahingi ng apology.

"B-Baldassare..." anas niya. Mayroong bikig ng lalamunan. Hindi na niya malakasan ang boses dahil baka mapahagulgol na siya.

"Maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad. Tatanggapin ko iyon dahil alam ko na iyon ang dapat na maging kaparusahan sa ginawa kong panloloko sa'yo..." lumuluhang dagdag nito. Sadness, guilt and acceptance were written in his eyes.

Lalong natunaw ang mga negatibong damdamin niya para kay Baldassare. Luhaang umiling siya rito. "Baldassare..."

Huminga nang malalim si Baldassare at kumurap. Naampat ang luha nito sa isang iglap. "But don't worry. Babawi ako."

"A-Ano'ng gagawin mo?" naguguluhang tanong ni Maricon nang bitawan siya ni Baldassare at bahagyang umurong. Napatingin siya sa kamay nito ng hawakan ang balikat niya.

"The chain of curse," anito at ikinuyom ang kamao na tila mayroon itong hinawakan. Matapos ay pumikit si Baldassare. "Et irritum facias infinitum execratione maledicta congessit..."

Nahigit ni Maricon ang hininga ng unti-unting lumiwanag si Baldassare at naipon ang lahat sa kamay nito. Napatingin si Maricon sa sarili dahil nakaramdam siya ng init at tila sumikip ang hininga. Parang mayroong pumisil sa buong dibdib niya hanggang sa bigla iyong nawala!

"Baldassare!" alalang bulalas ni Maricon nang mapaluhod ito. Agad niya itong dinaluhan. Mabilis din ang naging pagkilos nila Inconnu at Mfiel. Dinala nila si Baldassare sa loob at inihiga sa sofa. Agad itong sinuri ni Mfiel.

Napabuntong hininga si Mfiel. "Naubos ang lakas niya." anito at panatitig kay Maricon. Hinagod siya nito nang tingin. "I see. He broke your spell by using his spiritual power. Amazing. Nagawa niya ang isang bagay na hindi ko magawa."

"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" takang tanong ni Maricon.

"Nakita ko na mayroong sumpang nakabalot sa inyong mag-ina. Isang sumpa na hindi ko kayang gamutin. Nang maging fallen angel ako ay nawalan ako ng halo. Iyon ang source na malakas na kapangyarihan ko. Pero ngayong wala na iyon, mayroon pa rin akong kapangyarihan pero limitado na. I can only cast a divine grace to protect you but not to cure any dark forces cast on you." paliwanag nito.

Napatango si Maricon at napatingin kay Baldassare. Hindi na niya magawang magreklamo. Ang mahalaga, wala na ang sumpa.

Wala sa sariling hinaplos niya ang mukha ni Baldassare at naluha siya. Hindi talaga niya inaasahan ang mga ginawa nito para sa kanya. Nalulula na naman siya sa mga ipinakikita nito.

"Hmm..." ungol nito kapagdaka.

Agad tinabihan ni Maricon si Baldassare. Bumilis ang tibok ng puso niya nang magmulat ito ng mga mata at tinitigan siya.

"M-Maricon..." anas nito.

Agad niyang hinawakan ang kamay nito na nagtangkang hawakan ang mukha niya. Masuyo siyang ngumiti. "Hi."

Natigilan si Baldassare hanggang sa nagkaroon ng lambong ang mga mata. "Wala na ang sumpa. I used Latin incantation that my father thought me. I'm sorry for taking this long. Dapat, noon ko pa ito ginawa. Pero dahil sa kasamaan ko, h-hindi ko inalis ang sumpa mo..." guilty nitong amin at sinabi ang mga balak noon.

Umiling si Maricon at masuyong ngumiti. "Naiintindihan ko na. Huwag ka nang magisip ng kung anu-ano. Magpahinga ka para makabawi ng lakas."

Natigilan si Baldassare hanggang sa lumambot ang mukha. "I'm sorry."

"Ako rin. Gusto ko ring mag-sorry. Sorry dahil naging matigas ako." anas ni Maricon at naluha. Hindi na niya sinayang ang oras. Sinabi na niya ang mga dilemma at opinyon hanggang sa naiyak na lang.

"Shh... please don't cry. Ayokong nakikita kang umiiyak." anas nito at pinunasan ang mukha niya.

Napangiti si Maricon. "Magpagaling ka, ha. Babantayan kita."

"Thank you." sinserong saad ni Baldassare.

Ngumiti si Maricon. Nang pumikit si Baldassare at tuluyang nakatulog ay ipinasok na ito ni Mfiel at inihiga sa kama. Hindi na ito iniwanan ni Maricon. She just watched him asleep. At habang pinanonood ito ay doon niya nagawang magpasalamat sa Diyos.

At humingi siya nang tawad. Ang buong akala niya ay tuluyan na siya Nitong tinalikuran. Si Baldassare ang katibayan na hindi. Because He brought Baldassare back. Sapat na sa kanyang kasama na ang lalaki.

Related Books

Popular novel hashtag