>Veon's POV<
Papunta na kami sa lugar kung nasaan si Sheloah. "Kanan!" sigaw ni Dannie at agad akong nag drive papunta sa direksyon na sinabi niya.
Gamit ko ngayon ang pick-up car ko. Katabi ko si Dannie. Nasa likod si Isobel. Si Isobel, naka upo lang hawak ang First-Aid Kit tapos si Dannie nag babaril sa direksyon ko at direksyon niya. Si Tyler at Shannara nasa pick-up part ng kotse ko at nag babaril ng mga zombies. Ganoon din ang ginagawa ni Dannie. Akalain mo, magaling pala siyang shooter. Tinuruan kasi ng tatay niyang sundalo.
May nabunggo akong zombie at lumipad ito sa harapan ng kotse ko at lumabas lahat ng dugo niya sa glass. "Shit!" sigaw ko at lumabas kaming lahat dahil biglang hindi umandar yung kotse ko. "Wala na akong gas!" dagdag sigaw ko pa at nagpatay parin sila ng zombies. Nilabas ko ang baril ko at binabaril ko rin yung lumalapit sa akin.
"Wala tayong choice!" sigaw ni Dannie at tiningnan niya ako habang hawak parin niya ang baril niya. "Kailangan nating pumunta doon by foot!" dagdag sabi pa niiya at tumatakbo na kami sa kalsada habang nagpapatay ng zombies.
Nilabas ni Shannara ang dalawa niyang baril at nag babaril na siya ng mas maraming zombies. Dual-wielder siya at sobrang skilled niya. Sharp shooter pa kaya marami siyang headshot sa at lahat sila agad namamatay. Natitipid pa niya ang kanyang mga bala kaya okay na okay sa kanya ang mga tira sa kanya. Mabilis pa siyang mag aim at umatake.
Si Isobel nasa gitna namin. Ako yung lead tapos si Dannie ang asa right, at si Tyler ang nasa left. Nagpapatay din sila ng zombies at si Shannara naman ang nagbabantay sa likuran ni Isobel. Parami ng parami ang mga zombies at gulat din kami dahil nandito parin yung isang uri ng zombie. Yung nagpapalit ang ulo pag pinatay mo kaya kailangan mo siyang patayin ulit.
Sa totoo lang, medyo nadalian na kami sa pagpapatay ng mga zombies mas lalo na sa mga bagong uri. Marami na kasi kaming napatay at hindi namin pansin na parang training na namin ito. Gumagaling na kami sa aming pakikipaglaban kaya nadadalian na kami sa lahat ng ginagawa namin. Mas lalo na sa pag babaril ng mga zombies. Amazed nga ako kay Dannie dahil hindi ko akalain na makikipaglaban siya. Kung sana nakipaglaban din siya noon. Sigurp buhay parin si Josh hanggang ngayon.
"Guys! I see a house over there!" sigaw ni Tyler at may nakita kaming bahay na may malaking gate na nakabukas at isang bahat na walang katao-tao.
Binaril ko yung apat na zombies na nasa harapan ko at agad ko silang sinipa paalis ng daanan ko para makatakbo ng maayos si Isobel at yung iba kong kasama. Binaril ko yung isang zombie na patakbo sa akin at lumabas ang mata nito. Tumalsik ang dugo sa aming lahat at hindi namin ito binigyan ng pansin kasi sanay na kami.
"Ano… punta tayo sa bahay na 'yon?" tanong ko at binabaril namin yung zombies.
"Mas maganda kung pumunta tayo roon." Sagot ni Shannara at binaril niya yung zombie sa left niya ng dalawang beses sa ulo at tinulak niya ito. Nilusot niya yung kamay niya sa butas na ginawa niya sa dibdib ng isang zombie na binarily niya at hinugot niya ang puso nito. "Kailangan nating gumawa ng plano." Dagdag sabi pa niya at binarily niya yung puso pagkatapos niyang ihagis sa sahig.
Napatiingin ako sa ginawa ni Shannara. Ang aggressive niya pero hindi siya natatakot. Hindi siya nandidiri. Laban lang siya ng laban. Akalain mo hinawakan pa niya yung puso ng zombie gamit ang kamay niya na akala mo laruan lang na binabato o ano pa. Ang tibay niya. Hindi mo akalain na gagawin niya 'yon. Kung ako, hindi ko pa naisipan subukan 'yon.
Tiningnan ako ni Shannara at pinunasan niya ang kanyang kamay sa kanyang damit. "Veon, nakikinig ka ba?" tanong niya sa akin at nakuha niya ang attention ko.
"O-oo." Paputol kong sagot at pinatay ko yung zombie na nasa harapan ko sabay kong pinutol ang kanyang ulo gamit ang mga kamay ko at hinagis ko yung zombie sa sahig saka binaril ang bagong ulo nito. "A-ano yung sinasabi mo pala?" tanong ko at for the first time, nakita ko na inirapan niya ako.
"Sabi ko…" sinimulan niyang sinabi at lumingon siya para bumaril ng dalawa pang zombies na patakbo sa amin.. Hinihintay namin siya kasi wala ng zombies papunta sa aming direksyon, papunta na lang sa kanya. Binaril niya sa binti ang isang zombie at agad siyang bumagsak sa sahig. Binalikan ni Shannara ang isa pang zombie at agad siyang tumalon at sumakay sa shoulder niya. Pinasok ni Shannara ang baril niya sa loob ng bibig ng zombie at agad niya itong binaril ng dalawang beses at bumagsak sila sa sahig pero naka-land si Shannara ng maayos sa sahig. Binalikan pa niya ang isang zombie at binarily niya sa ulo ng dalawang beses saka niya binalik ang kanyang tingin sa'min. "Kailangan nating gumawa ng plano." Dagdag sabi pa niya at hindi kami makasagot sa kanya dahil sa ginawa niya.
Napaka galing.