Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 84 - For All of Us

Chapter 84 - For All of Us

>Sheloah's POV<

Lumabas ako ng hotel at napunta ako sa garden. Nakita ko yung iba kong classmates na nag uusap at yung ibang classmates ko, siguro natutulog na. Napunta ako sa may bandang water fountain, at nakita ko yung parents na kasama namin.

Naalala ko yung sinabi ni Veon. Nag alala yung parents sa akin. Kahit hindi ko sila parents, they still worry. Nakakahiya yung ginawa ko. I need to apologize to them.

Nilapitan ko yung parents at nagulat sila nung nakita nila ako. Agad silang tumayo. Nginitian ko sila as a sign of respect at nag mano ako sa kanila.

"Oh, hija. Okay ka lang ba?" tanong ng isang parent at tumango ako.

"Okay lang po ako. Sorry at Salamat mo po sa pag aalala." Sabi ko sa kanila at nag sigh sila in relief.

"Sheloah, hija. Kahit hindi ka namin anak, nakaka pag alala ang ginawa mo. Bata ka pa! Masyado biglaan ang ginagawa mo." Sabi ng isang parent and I looked at him with an apologetic smile.

"Sorry po. Hindi ko na po kayo paaalahanin pa." I assured them tapos nilapitan ako ng isang parent, and she patted my head.

"Basta, Sheloah. Mag ingat ka. Kahit kaming parents, hindi namin kayo pinapansin at pinoprotektahan niyo kami, we can't just stand and do nothing. Sa totoo lang, pinapanood lang namin kayo at nakakahiya bilang parents. Pero ano'ng magagawa namin?" sabi at tanong niya at nginitian ko siya.

"Ma'am… hindi naman sa ganun. Mas Mabuti nga po na wala po kayong gagawin masyado. Ayaw po namin kayo masaktan. At isa pa;.. may maitutulong naman po kayo. Kayo po ang nag sisilbing cheerleaders namin!" sabi ko at natawa yung parents sa sinabi ko.

Nilapitan ako ng isang parent. "Pero, hija… kung may maitutulong kami, kahit konti lang, sabihin niyo lang sa amin. At parents to the rescue na agad." Sabi ng isang parent at nginitian ko siya.

"Opo! Don't worry po." Sabi ko naman sa kanila at nginitian nila ako. "Matulog na po kayo. Aalis na po tayo bukas ng hapon. Kailangan po nating magpahinga. Matutulog na rin po ako." Dagdag sabi ko pa and they nodded at me at pumasok na sila sa kanilang hotel rooms. Biglang nag buzz yung phone ko at tiningnan ko kung may message. May message ako galing kay Isobel.

From: Isobel Babes

Message: hey babes!!!!!! Buti na lang tinawag ko si Shannara noh??? Nag volunteer na ako kasi alam kong katabi mo si veon ;)

Natawa ako sa text message ni Isobel. Baliw talaga itong babaeng ito! Kung ano-ano ang sinasabi. Nakakaloka talaga.

Nagulat ako nung nilapitan ako ni Shannara. Agad kong tinago yung phone ko sa bulsa ko. Good timing talaga, eh no? Sana hindi naman niya nakita yung text message ni Isobel! Baka iba ang iisipin niya.

"Ah, Shannara!" bati ko sa kanya and I motioned for her to seat down beside me nung umupo ako sa bench malapit sa water fountain. "What brings you here?" tanong ko at tinabihan niya ako.

"Narinig ko kay Isobel na kasama mo sa room si Veon." Sabi niya at nagulat ako and I don't know what to tell her.

Isobel, hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa utak mo! Kung kinuha mo si Shannara para makasama ko si Veon, bakit mo pa sinabi na kasma ko siya sa iisang kwarto!?

"Ah… umm… kasi, Shannara, nurse niya ako, eh." Sabi ko na lang sa kanya. Hindi ko alam kung paano ie-explain sa kanya ang buong sitwasyon. Tiningnan niya lang ako and she pouted at me.

"Nakakaselos! Buti ka pa…" sabi niya at sumandal siya sa shoulder ko. "Sana makatabi ko rin siya matulog. Hindi ko pa 'yon na-experience na kasama siya." Dagdag pa niya at nag sigh siya.

"G-ganun ba?" hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. She stopped resting her head on my shoulders at tiningnan niya ako. Tiningnan ko rin siya.

"Well, at least binigyan niya ako ng lucky charm!" sabi niya at nilabas niya yung lucky charm niya at nilapit niya sa mukha ko. "Wala kang ganito!" sabi niya at tumawa siya ng mapang asar niyang tawa at natawa ako.

"Pakealam ko sa lucky charm na 'yan? At least katabi ko siya sa pag tulog!" sabat ko sa kanya at sumimangot siya.

"Pisti! Nakakainis ka!" sabi niya sa akin at pinisil niya yung cheeks ko. Pinisil ko rin yung cheeks niya at tinawanan namin ang isa't-isa.

Tumawa kami at nakatitig lang kami sa mga stars na nasa langit. Buti naman at kahit ganito ang nangyayari, kahit alam namin na pareho naming mahal si Veon, hindi kami nag aaway. Siguro mag a-argue kami, pero buti naman we can still keep the friendship.

"We love and protect the same person." Sabi ko at tiningnan ako ni Shannara. Tiningan ko rin siya. "Alam kong gusto mo rin siyang protektahan, 'di ba?" tanong ko at nginitian niya ako at tumango siya.

"Pareho ang feelings na nararamdaman natin para sa kanya. At sure ako…" tumayo siya at lumingon siya para tingnan ako. "Hindi ka susuko." She said finally at lumakas yung hangin kahit nandito kami sa probinsiya.

Tumayo ako at ngumiti ako ng unti at hinarap ko ang sarili ko sa kanya. "Oo. Hindi ako susuko. At siyempre, hindi ka rin susuko." Sabi ko naman sa kanya at tumawa siya ng unti.

"I guess hindi lang tayo magkaibigan kundi rivals din." Sagot niya sa sinabi ko at tumawa rin ako ng unti.

"Pero walang thrill ang love life kung walang kalaban, 'di ba?" sabi ko sa kanya and she nodded at me.

"Go with the flow na lang kung ano ang mangyayari. Hindi ako magpapatalo sa'yo." Sabi niya at tiningan niya ako ng seryoso. "Hindi ko hahayaan na kukunin ng kaibigan ko ang mahal ko." She said finally at ngumiti ako.

"Kahit mas kilala mo siya dahil matagal na kayong mag kakilala, hindi ko siya bibitawan. I will try my best for him to feel the same way." Sabi ko naman at after a while, tumawa kami ng malakas.

"Feeling ko tuloy lalake ako kasi parang tayo yung nanliligaw." Natatawang sabi ni Shannara at natawa ako maslalo because I couldn't agree with her more.

"Basta…" I trailed off at tiningnan namin ang isa't-isa habang nakangiti. "May the best girl win." I said finally and we both shook our hands at tumawa nanaman kami.

Tomorrow will be a new journey.

For all of us.