Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 79 - It's a Small World After All

Chapter 79 - It's a Small World After All

>Sheloah's POV<

When we held our hands tapos hinihintay naming sila na lapitan kami, nagulat kaming dalawa no'ng nakita namin si Geof pinatay yung isang zombie na may panibagong ulo gamit ang katana at pinatay niya yung tatlo pang zombies na malapit sa amin at lumabas nanaman ang kanilang panibagong ulo.

No'ng lumayo si Geof, nagtaka kami na nakakarinig kami ng gunshots, wala naman kaming nakikita na may kasama siya. Nasaan nanggagaling yung mga gunshots at paano sila nakarating dito?

Agad kaming tumayo ni Shannara at kinuha ko yung sword ko at pinatay ko yung isang remaining zombie at no'ng pinatay ko yung isa, wala nang zombies ang nasa paligid namin. Tiningnan namin ni Shannara ang isa't-isa at huminga kami nang malalim. Relieved. The fight is over.

Nagulat ako nang makita ko si Veon na tumalon galing sa isang puno and he safely landed on the ground. Siya siguro yung bumabaril ng zombies. Magkasama sila ni Geof ngayon para hanapin ako.

I can't help but feel my heart beat fast. Hindi ako napansin ni Veon kasi kausap niya si Geof at nasa likod ako ni Shannara. Maybe he did not see me no'ng nasa taas siya ng puno. Maybe he only saw Shannara.

Ang saya ko na nandito siya. I was so worried about him but then again alam ko na nandito siya dahil hinahanap niya ako. Dahil sa pagiging pasaway ko, pumunta tuloy siya dito, eh hindi pa okay yung kalagayan niya.

It's all my fault! I want to apologize. I want to tell him I'm sorry.

I was about to go to him pero nagulat ako no'ng inunahan ako ni Shannara. Agad siyang tumakbo papunta kay Veon at agad niya siyang niyakap.

"Veon," she said, overjoyed, at talagang gulat na gulat ako sa nakikita ko.

How the hell does she know Veon and why is she hugging him? Bakit parang kilala nila ang isa't-isa? Halata sa mukha ni Veon ang gulat niya pero he just remained silent and he let her hug him? Bakit gano'n? Bakit siya pumayag?

Shannara stopped hugging him at tiningnan siya ni Veon intently in the eyes at halata parin ang gulat niya.

"Shan," tanong niya and I felt my heart ache no'ng sinabi niya yung name na 'yon.

There's familiarity.

Magkakilala nga sila. He called her Shan, short for Shannara. Parang mas matagal silang magkakilala kaysa sa akin.

Wait… siya ba yung sinasabi ni Shannara na—

Pero biglang napatigil yung pag iisip ko no'ng nakita ako ni Veon. Napabilis nanaman ang tibok ng puso ko at agad siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap niya ako nang napakahigpit. Nagulat din ako at nakita ko na biglang sumimangot si Shannara sa nakikita niya halata rin sa mukha niya na gulat siya.

"Sheloah," sinabi ni Veon pangalan ko at mas hinigpitan niya yung yakap niya sa akin. "Ang stubborn mo, alam mo ba 'ypn," dagdag sabi pa niya and he stopped hugging me pero I'm still in his arms.

Nag re-register palang sa utak ko ang mga nangyayari ngayon. Ang pagka-meet namin ni Shannara, ang pagkayakap ni Shannara sa kanya, at pagkayakap ni Veon sa akin.

It's all too sudden.

"Ano ba ang pumapasok sa isip mo at ginawa mo 'yon? Baka ano pa ang mangyari sa'yo," sabi niya at niyakap niya ulit ako. "Nakaka panic ka. Alam mo ba 'yon," dagdag sabi pa niya at bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Halatang-halata na nag aalala talaga siya para sa akin.

We broke ourselves from the hug at nakuha ni Shannara ang attention ko.

"Sheloah," she called out to me at tiningnan namin siya. "Siya ba yung bestfriend na sinasabi mo," tanong niya at lumapit siya sa amin.

Veon took three steps backward at kami na lang ni Shannara ang magkaharap. Hindi ko sinagot yung tanong niya.

"Magkakilala kayo," tanong ni Veon pero hindi namin siya pinansin.

Nagtititigan parin kami ni Shannara at parang kami lang dalawa ang nandito sa mundo. Ang intense ng atmosphere.

"Siya ba yung sinasabi mong childhood friend mo," tanong ko naman sa kanya at hindi rin siya sumagot.

Alam na namin ang sagot sa mga tanong na sinabi namin. Sinabi lang namin at may kutob na agad kami na si Veon ang pinag uusapan namin kanina all along. Hindi ko akalain na ang naging kaibigan ko… isa na ring rival.

It's a small world after all.