Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 69 - Sementeryo

Chapter 69 - Sementeryo

>Geof's POV<

Nandito kami ngayon sa 7-11 at nakakuha kami ng hotel. Malapit lang kasi yung school namin sa lugar na ito kaya buti naman at ligtas kami. Kami lang yung section na naka-survive sa unang araw ng zombie apocalypse. Ang leader namin si Ray. Siya yung nag lead sa amin kaya buhay kami ngayon.

Naglalakad ako ngayon at natawag yung attention ko. "Geof," sigaw ng leader namin na si Ray at pinuntahan ko agad siya. May kasama siyang dalawang classmate namin.

"Bakit? Ano 'yon," tanong ko as I approached them.

"Utusan ko kayo na tingnan kung ano ang places na malalagpasan niyo sa bridge para makaisip din ako ng plano kung ano ang gagawin ko sa resources. Kailangan natin," sagot at explain sa akin ni Ray at napatango na lang ako nang mabagal sa sinabi niya.

"Sige, sige. Papayag na ako," sabi ko sa kanya without having second thoughts at nginitian niya ako.

"Buti naman at pumayag ka agad. May care ka talaga para sa grupo natin," sabi niya and he tapped my classmate's shoulder. "Sila ang makakasama mo ngayon. Nakakuha na ako ng baril. Mag ingat kayo," he said finally and the three of us nodded sa utos ng leader namin.

"Sige," sagot ko at umakyat kami sa kotse para makarating sa kabilang side ng bridge.

Nagkaroon ng car crash siguro dito kaya ito yung nagsisilbing harang sa side naming at sa kabilang side.

No'ng pagkataas namin, onti lang yung zombies na nakikita namin. Nilagay namin yung silencer at pinagbabaril namin para hindi kami maka-attract ng ibang zombies. Nakukuha kasi attention nila sa simpleng ingay lang. Ayaw namin madisgrasya agad.

Namatay na yung mga zombies at tiningnan ko yung orasan ko. "7:32PM na pala," sabi ko at tiningnan ako ng dalawa kong kasama.

"Hindi ba pag ganitong oras, mas active ang zombies dahil gabi," tanong niya at napatingin ako sa kanya.

"Oo nga, eh. Nocturnal creatures sila," sagot naman ng isa at tumalon ako pababa at sinundan nila ako. Naglalakad na kami sa bridge, tungo sa place kung saan kami mapapadpad.

"Tingnan na lang natin kung ano ang makikita natin dito. Basta atake lang tayo. Kaya natin ito," sabi ko na lang sa kanila at nag agree sila sa sinabi ko at tumakbo na lang kami papunta sa lugar kung saan kami mapupunta.

No'ng tumakbo kami, napatigil kami no'ng nakita namin ang sementeryo. Ngayong gabi kahit na nasa province, foggy yung itsura. Talagang nakakatakot ang paligid namin ngayon. Nasa harapan pa ng sementeryo, tapos foggy pa. Naalala ko tuloy yung isang scene sa Resident Evil. Magkasama si Leon si Elena at napadpad sila sa simbahan ng sementeryo.

Tiningnan ko yung mga kasama ko at tiningnan din nila ako. "Papasok ba tayo," tanong ko at tiningnan nila yung sementeryo saglit tsaka nila binalik yung attention nila sa akin.

"Try natin. Kahit sementeryo, baka may makikita tayong gamit na pwede kunin," sabi ng isa kong kasama and I nodded at him.

"Sige. Pasok na lang tayo," sabi ko sa kanila at hinanda namin yung mga baril namin at dahan-dahan kaming pumasok ng sementeryo.

No'ng pumasok kami, talagang tahimik yung lugar. Ramdam ko na ang lambot ng tinatapakan ko dahil sa mga grass at medyo moist pa ito. Naririnig ko yung paghulog ng mga leaves at natatapakan ko pa yung mga brown na dahon. Hindi ko pa masyado makita yung daan dahil gabing-gabi na at foggy pa.

"May flashlight kayo," tanong ko at binigay sa akin ng isa kong kasama yung flashlight, and I turned it on. Umakyat kami ng isa pang hagdanan at napadpad kami sa gitnang bahagi ng sementeryo.

No'ng naglalakad kami, pansin namin na wala kami masyadong mahanap kaya tiningnan ko yung mga kasama ko.

"Wala tayong mahanap. Punta na lang tayo sa isa pang lugar," tanong ko at tumango sila.

No'ng naglalakad kami pababa, nagulat kami no'ng biglang sumigaw yung kasama ko dahil may humawak sa paa niya. Tinutukan ko ng flashlight at nakita ko, pati na rin ang bangkay, nabubuhay dahil sa zombie apocalypse.