>Sheloah's POV<
Natuto na ako kung paano gumamit ng katana. Tinuruan ako ni Geof. Yung katana na hawak ko, hindi yung mga mabibigat na sword nakikita sa animes at games. The kind of sword that I am using is light and easy to handle kaya mas mabilis ako gumalaw at mas mabilis akong gumawa ng mga attacks.
Buti naman at natutunan ko kung paano gumamit ng sword in a short amount of time. Siyempre naman, I will improve more at marami pa akong magagawang skills and attacks.
Tumayo ako at kinuha ko yung sword ta tumayo rin si Geof. "Ano, Sheloah. Gutso mo i-test ang lakas mo," tanong niya at napatingin ako sa kanya.
"Ano, kakalabanin kita," I answered with a question at tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi, ah," sagot niya agad and he tapped my shoulder. "Mabilis kang matuto at magaling ka. Ayaw kong mamatay ng maaga kaya punta lang tayo sa training grounds ko mismo at papatay tayo ng zombies doon," dagdag sabi pa niya at nginitian ko siya. Medyo natawa kasi ako sa sinabi niya.
"May sarili kayong training grounds dito," tanong ko and he nodded at my question.
"Yung training grounds namin sa main road ng Pangasinan lagpas ng bridge. May car crash doon so 'yon ang nagsisilbing barrier between this place and the bridge," sabi niya and I tilted my head to the left.
"So tataas kayo ng kotse para lang makapunta sa training grounds na 'yon," tanong ko pa at nag stretch siya.
"Yup," sagot niya at tiningnan niya ako habang nakangiti siya. "Doon lang tayo sa bridge. Kung lumagpas pa tayo roon, it's too risky. Masyadong maraming zombies na malakas," dagdag sabi pa niya and I nodded at him.
"Sige. Kain lang ako ng lunch, babalik ako rito, tapos punta tayo sa bridge para mag training. Is that okay," suggest at tanong ko tapos tinago niya yung katana namin sa tabi ng puno.
"Okay lang. Dalhin mo yung baril mo just in case it gets a little dangerous. Baka unexpectedly na dumami ang mga zombies at hindi na natin kayang patayin with our katana," sabi ni Geof sa akin and I nodded at him.
"Yeah, sure. Balik na tayo sa hotel para makakain na tayo. Baka hinahanap na tayo ng mga grupo natin," I told him at pareho kaming naglalakad pagbalik ng hotel.
I am excited and nervous about the training. Ngayon ko lang kasi natutunan ang way of the sword tapos I am not too sure na marami akong mapapatay mamaya since I just learned it now. Excited ako dahil I get to see for myself how I would kill zombies using the sword. Sana naman hindi ako masasaktan mamaya.
I can do this.
Nandito na kami sa hotel at pumunta ako sa hotel room nina Tyler and I saw him, sitting on the bench, doon sa veranda. Si Tyler, Josh at Isobel siguro nandoon sa garden para mag relax. I stopped for a moment to look at the time, at napansin ko na 3:23PM na ng hapon. I get a feeling na medyo galit si Veon sa akin.
Pumunta ako sa veranda at tinabihan ko si Veon. Medyo nabigla siya, and he just looked at me for a moment bago niya binalik yung tingin niya sa harap, kahit wala naman siyang masyado makita kundi ang garden na nasa baba ng veranda.
"Hi," I greeted him pero hindi siya umimik.
This is unusual. Last time na ganito siya, eh noong nasa school pa kami when I got his I.D tapos hindi niya ako kinausap ng isang subject. One hour niya akong hindi kinausap at sa isang oras na 'yon, hindi ako mapakali na hindi niya ako kinakausap kaya sorry ako ng sorry. Sinasabi niya na okay lang, pero halatang hindi naman.
"Veon," I called his attention pero wala paring reply.
Galit nga siya sa akin. Is it because I just came here late? I didn't mean to over-train myself kanina pero nasobrahan ako sa pag aaral ng way of the sword kasi sa totoo lang, na-enjoy ko. I promised Veon na babalik ako ng maaga, but it's been hours already.
I pouted at him and I started to panic. "Uy, Veon. Sorry na," sabi ko sa kanya and I heard him sigh.
"Ano'ng oras na, Sheloah," tanong niya and by the tone of his voice, halata yung pagka seryoso niya.
"3:26 na ng hapon. Uy, Veon. Sorry na," I repeated and he just shook his head.
"Okay lang," he said in a monotonous voice.
Parang ang sarcastic pa niya. Dahil sa tono ng boses niya, halatang hindi siya okay. He's just saying that just to shut me up pero hindi niya ako mapapatahimik kasi alam kong hindi siya okay.
"Halata naman sa tono ng boses mo na hindi ka okay," sabi ko naman sa kanya and he sighed again.
"Sabi mo kasi sa akin na maaga kang babalik dito, eh ilang oras na kitang hinihintay. Hindi ka pa nag lunch! Nalipasan ka ng gutom," sabat niya sa akin and I pouted at him again.
"Nag training kasi ako, eh. Sorry na. Please, understand," sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako ng seryoso.
"Hindi ko maintindihan 'yan. Sa mga nangyayari ngayon, sa tingin mo hahayaan na lang kita na gumagala kahit may kasama kang iba? Paano kung nasaktan ka ulit? Muntikan ka na nga makuha, eh. 'Wag kang gumawa ng mga biglaang bagay," he lectured at tumingin ako sa sahig.
He's angry.