Chereads / YOU will BE SAFE Under my Control Just let me in / Chapter 2 - Second Encounter: Damn you Stupid Idiot!

Chapter 2 - Second Encounter: Damn you Stupid Idiot!

"Good morning to everyone we're going to start our report with Ms. Julia our new leader and A.K.A our outstanding Captain of our Course!" pagi-introduce ni Mia na ka-grupo ni Julia na nasabing outstanding captain daw ng Bachelor of Arts in Communication.

Taas noong tumayo at naglakad sa harapan si Julia with her won smile sa kaalamang napatalsik na nya ang unang leader ng grupo nila na si Morena the creepy boring nerdy mute!

Late na kasi ito at magsisimula na ang pagre-report kaya magsisimula na sana syang magsalita ng biglang bumukas ang back door at nakita ang tinatawag nyang creepy boring nerdy mute na si Morena na mukha talagang creepy dahil sa kanyang sugat sa pisngi na Duguan na ikinagulat ng lahat.

Naglakad papasok si Morena na parang normal lang ang lahat sa classroom ni Di nya inukulan ng pansin ang pagkagulat ng mga classmates nya ng biglang marinig ng lahat ang nagaalalang boses ng kanilang prof na si Ms. Hidalgo "Ms. Roaquin anong nangyare sayo? Ok Ka lang ba? Tara sa clinic"

Pero umiling lang si Morena at naglakad papunta sa harapan, wala na syang iba pang iniisip kundi ang matuloy at masimulan na ang kanilang report.

Napansin ni Julia ang gustong gawin ni Morena kaya "ang kapal naman ng mukha mo Morena? Late ka na and automatically Zero ka na sa report na ito!" pagpapaalala ni Julia na halatang naiinis sakanya, well lagi naman eh.

Nasa Third year na sila pero ganito parin sya hanggang ngayon kay Morena na inosente naman all the passed years.

Insecured talaga ito sakanya, bakit kaya? Hmm...

"watch your words Julia! Hindi mo ba nakita? May sugat sya sa mukha dapat magalala ka sa classmate mo hindi yang inis mo ang pinapairal mo" biglang pagpapangaral ni Ms. Hidalgo sa kontra bidang si Julia.

Hmp! Heto nanaman tayo, pinapaboran ang creepy boring nerdy mute na yan! Tsk!

Hindi nagsalita si Morena, nanatili lang syang tahimik doon.

Lumapit si Ms. Hidalgo at aayain syang pumunta ng clinic dahil alam na nyang hindi magsasalita si Morena dahil wala syang laban kay Julia at ayaw din nitong magpunta ng clinic.

"Morena tara sa clinic at gamutin yang sugat mo..." pagaaya uli nya pero nanatiling tahimik si Morena kaya napagisipan nalang nyang "sige Kung ayaw mo sa clinic, you better go home,ipagamot mo sugat mo and take a rest ako ng bahalang mag-excuse sayo sa mga subjects mo later." sabay ngiti ni Ms. Hidalgo hoping na tumango na si Morena at lagi nalang kasing iling ang nagagawa nito mula kanina.

Sa kaalamang sincere si Ms. Hidalgo, napatango narin sa wakas si Morena at nag-decide na sundin ito-ang umuwi na, gamutin ang sugat nya at magpahinga.

Ng makalabas ng classroom si Morena ay hindi napigilang magingay ang mga students at nagreklamong...

"hayy buti pa sya excused this Day!"

"oo nga, hindi sya makakarinig ng Boring na discussion tsk!"

"hayst ang haba ng araw, simula palang to,may quiz pa mamaya eh what if magpasugat narin kaya tayo para excuse din tayo hayst"

Ilan lang yan sa mga reklamo nila na obvious na dapat ikareklamo, pero may namukod tanging reklamo na nagpatigil sa lahat, ang reklamo ni Julia.

"Ms. Hidalgo bakit nyo sya hinayaan? Once a week Lang ang subject ninyo at ngayon lang kayo nagpagawa ng report, maririnig na sana namin ang so ugly nyang boses bakit nyo sya hinayaang umuwi nalang ng basta basta?"

Tama, Once a week Lang ang subject ni Ms. Hidalgo at ngayon lang nagpagawa ng report sakanila at lalong tama na hindi pa nila narinig ang boses ni Morena ng malinaw kahit kelan sa mahabang usapan.

Ang report na sana ay mangyayare ay don sana nila maririnig ng malinaw sa mahabang pagdi-discuss si Morena pero hindi natuloy.

Natitiyak ni Julia na pangit ang boses ni Morena dahil kasabay sya nitong nag-transfer sa RKIU this year. They're elementary batchmates yong panahong madalas nyang marinig ang para sakanya ay pangit na boses ni Morena. At yong panahong Nagpapatunay na creepy boring at nerdy si Morena. Nadagdagan lang nito ng "mite" sa huli dahil bigla nalang nyang nalaman na hindi ito nakikipagusap at hindi sya nagsasalita kung magsasalita man ay hindi malinaw..

Pero alam nyang nagsasalita ito hindi lang nya alam Kung bakit hindi ito nakikipagusap at nagsasalita.

Paano nya maisasakatuparan ang Gusto nyang mangyare? Gusto nyang ipahiya si Morena gaya ng nakagawian nya noon, anong gagawin nya? Wala na ba?

Hindi! Hindi maaare! Ilalantad ko ang baho mo Morena, makikita mo! Arghhhh!!!

Afternoon that day at 5pm eh Uwian na ni Ram ng maalalang nasa bulsa nya ang car keys ni Rico na napilitang binigay nito sakanya kanina ng hindi nito tinanggap ang inutos nyang palitan ang Guard at linisin ang dumi sa May I.D reader.

Napatingin sya sa paligid, marami ng nagkalat na students pero karamihan sakanila ay lalake.

Nahagilap nya ang red Audi ni Rico na sunod din nyang nilapitan at sinakyan na ikinasimulang pagkatinginan ng mga lalakeng students doon sakanya.

"pare kilala nyo ba yan?"

"hindi eh, bagong mukha?"

"oo nga baguhan yata yan"

Iilan lang yan sa mga comments ng mga students na lalake don ng makita syang sumakay sa Red Audi.

Sinimulan ng paandarin ni Ram ang sasakyan, marunong syang magmaneho saka mas higit pa sa ganitong sasakyan ang kaya nyang i-drive. Nagca-car racing din Kasi sya sa America nong don pa sya nagaaral highschool-third year at ngayon ay fourth year na sya Kung saan pinalipat sya ng Dad nya sa Pilipinas para mag-Fourth year Engineering at Business Ad.

Yeah two course, ganyan sya kasipag at well katalino. Pero hindi naman mako-consume ang buong week o araw nya eh sa mga subjects dahil anim nalang ang subjects na kaylangan nyang i-take. Tatlo sa Engineering at tatlo rin sa Business ad dahil nakapag-advance na sya sa america. You know mas advance ang ibang bansa kesa dito sa pinas. And well I admit it as a Filipino citizen.

So ayon nga nag-decide ng umalis si Ram sa University sakay ng Audi Ni Rico. Pagod narin kasi sya sa 6 hours nya sa university this day mula kaninang umaga. Monday ngayon at 6 hours sya 12-1 & 2-5. Alright Tama ba? Just correct me, basta yan alam ko sa schedule nya hahaha!!

Maaga lang sya kaninang pumasok dahil plano nyang iwan ang pinsan nyang hapon pa ang pasok.

Naiwang nakatulala ang mga lalakeng students don ng tuluyan ng makaalis ang Audi na lulan si Ram ng biglang batukan sila ng mga girlfriends nila na kadarating lang.

"hey bakit kayo tulala jan? May babae nanaman kayong tinitignan no?!" pareparehas silang nagalit sa mga boyfriend nila na ikina-Alerto nila at "babe no, we're just... Nagulat lang kami na ganon mag-drive yong bagong Student ngayon ngayon lang" reasons nila in unison na nakapagtigil agad sa mga girlfriends nila.

"ha? New student? Sino?" ineteresadong tanong ng mga girlfriends nila.

-_-

"hayst hayan nanaman kayo, let's go now napakapanget nong New student wag na wag nyo syang titignan sa mukha baka mandiri kayo" sabi ng mga boyfriends nila In majority.

Na ikinatango ng mga ito, alam naman kasi nilang magaling kumilatis ng mukha ang mga boyfriends nila kaya nawalan na sila ng gana ng malaman nilang pangit Yong New student.

Hayy yong ibang babae nga naman ta

tsk tsk! Huwag nyo lahatin ha? Haha! May natitira pang hindi mga ganyan tsk!

Ilang beses ding tumawag si Rico habang nagda-drive si Ram sa highway ng mag-decide narin syang sagutin ang tawag nito sabay sabing "I'm on my way at the Richo Hotel, I'm not going home" sabay hung up din agad.

Hindi sya uuwi sa Mansion nila, ayaw nya roon saka hindi parin nya maalis yong inis nya sa Dad nyang pagpapadala sakanya sa bansang ito na ni kelan di nya ginustong mapuntahan.

At Hotel Richo...

Ding dong ding dong! Walang kabuhay buhay na tumayo mula sa bed nya si Morena ng may kumakatok. Agad nyang pinagbuksan ang nagdo-door bell ng makumpermang ang bff nyang si Dawn iyon kasama sina Denn at Kim dala dala si Duchess iyong breeded na aso nila sa may monitor malapit sa modernong pinto.

"anong nangyare sa pisngi mo Morena?" agad na tanong ni Kim ng mapansin ang nagamot ng sugat ni Morena sa pisngi.

Sunod naman na nagtanong din si Dawn "bro ayos ka lang?" at ang huli ay ang pangaasar ni Denn ng "ay mas lalong pumanget haha, joke lang"

Sa halip na sagutin sila ay inimbitahan muna nyang pumasok ang mga ito sa kanyang Apartment.

Pumasok silang lahat at naupo sa May sala, ito ang pangalawang pagkakataong pagpunta nila sa apartment nya. At ito nalang uli ang pagkikita nilang apat dahil malalayo ang tinitirhan nila.

Sila Denn at Kim ay nasa Silver City nag-aaral sa RKIU sa North Silver City Campus mas malapit sa Bahay ng Families nila at si Dawn naman ay nasa Silver City rin nagte-training bago magpunta ng ibang bansa para magtrabaho.

Once in a blue moon nalang sila magkakasama.

"Miss ka ni Duchess" sabi nila ng lapitan sya nong aso. Binuhat naman nya ito at niyakap.

"hmm Miss ko din sya..." sabi nya saka binaba na uli ito mabigat na kasi sya eh.

"buti pinapasok kayo with Duchess dito sa Hotel" pang kukunware nya kahit alam naman nyang sinabihan nya ang staffs sa hotel na hayaan silang makapasok kasama ang aso.

"well sinabi lang namin ang password at pinapasok na kami hehe" sagot ni Dawn.

"haha! Ako kc ang batas haha" pagbibiro Naman ni Morena pabalik "by the way ano Gusto nyong lutuin Ko?" tanong nya, in the passed years nong magkakalapit pa kasi Sila ay lagi syang nagluluto para sakanila at gustong Gusto nya iyong gawin.

Umiling Sila Denn at Kim saka "aalis din kami agad Morena, kinamusta ka lang namin may aasikasuhin kasi kami ni Kim dito sa Gold City bago bumalik sa Silver City" sabi ni Denn.

"pero si Dawn maiiwan muna dito habang May inaasikaso kami dito ni Denn" sabi naman ni Kim.

Nag-apir naman ang dalawang mag-bff, so it's bff time!

Di rin nagtagal ay nagpaalam na ang magkasintahang sina Denn at Kim.

Ng makarating Sila sa Lobby ng Hotel ay biglang nakasalubong ni Denn ang familiar na tao na nakumpirma rin nyang tama nga sya't ito ang kakilala nya na si "Ram? Ram!" at nakipag-manly hug sya rito.

"Denn, it's been a long time" sagot naman ni Ram na nakangiti rin.

"Well yeah been a long time but why are you here in my home country?" tanong ni Denn. Kilala kasi nya si Ram at nagkakilala sila sa New Zealand the last at nakalaro nya ito sa car race. Naging magkaybigan din sila.

"hmm I'm here to invade your home country" pagbibiro naman ni Ram. "haha Just joking, the truth was my Dad sent me here and I'm currently continuing my last year in college, I almost forgot that it's your country" sagot nya. Don lang nya naalalang taga pinas Pala si Denn na nakilala nya sa New Zealand 2 years ago.

"haha you're so funny by the way this is Kim my Girlfriend" pagpapakilala ni Denn Kay Kim.

"oh what a beautiful girlfriend of yours, hmm by the way I'm curious, are you living at this hotel as well?" sa wakas natanong narin nya.

"ah here at Richo Hotel? No we'd just visited our friend the one's living here" sagot naman ni Denn.

"Ahh I see, by the way I know you guys are going somewhere? So I'm gonna have my room for the mean time, I gotta go then" sabi nya sabay paalam.

Tumango lang ang dalawa.

Matapos naman nyang makuha ang room's card nya ay nagmadali na syang pumunta ng private elevator para makapunta na sa room nya't makapagpahinga na.

Nagpaalam naman non si Morena na lalabas saglit.

Oo nga Pala ang Richo Hotel ay ang pinaka-Luxurious hotel sa buong Gold City kaya ito ang napiling puntahan ni Ram para mag-stay Just one night at Kung magugustuhan nya ang Hotel ay dito narin sya lilipat, ayaw kasi talaga nya sa mansion nandoon kc si Mr. Marcus-his father.

After 3 minutes ay malapit narin sya sa floor ng isa sa luxurious room ng hotel na room #102 kung saan card ang pinagbubukas ng door.

Dalawang room lang ang meron sa floor na iyon kaya alam nyang walang maraming tao plus para sakanya sure syang wala talagang tao doon dahil alam nyang walang ibang makaka-afford ng room doon kundi sya lang.

Who can deny? He's Ram Wang Klinton! Do you ever know him? Hindi pa?

Well I'm just the most...

Natigilan sya sa pagiisip ng biglang pagbukas ng elevator sa floor ay may babaeng nakatayo at mukhang nagaabang sa harap ng elevator na mukhang multong nerdy na may medyo kalakihang sugat sa kaliwang pisngi?

Nangilabot bigla si Ram ng biglang hindi rin nagtagal ay bigla nyang naisip na...

Wait, she looks familiar...

At bigla syang napatingin sa mata nito at malinaw na nakita ang ebidensya inspite of her eyeglasses na dahilan upang maalala ang nangyare sa bus.

Nagising sya ng biglang may nahulog sa kanyang lap, binuksang nya agad ang mga mata nya at laking gulat nalang nya ng makita ang babaeng nakaupo na sa kanyang Lap ng walang paalam.

Itutulak na sana nya ito ng biglang mapako ang paningin nya sa mata nitong blue shaded brown eyes! Na kanyang ikinatigil. At naalala ang isang bagay...

Those eyes are the same as hers...

May naalala syang tao, pero yong taong yon eh matagal na nyang hindi nakikita kaya matagal naring burado ang itsura nito sa isipan nya pero ang mata nito ang nanatiling malinaw sa isipan nya na kapareha din ng nakikita nya ngayon sa babaeng estrangherong ito.

Nang biglang...

"Tapos ka na Bang maramdaman ang private elevator ng hotel?" nabalik sya sa realidad ng marinig nya ang matigas na boses ng babaeng nasa harapan nya ngayon.

Again, di nya naintindihan pero alam nya yong private elevator at hotel, Hindi naman sya bobo sadyang hindi lang nya sinali sa lengwahe nya ang tagalog.

Hindi rin nagtagal ay gumalaw na sya paalis sa elevator sabay sadyang binangga ng malakas ang braso nito dahilan resulta para mapasalampak sa sahig ang babaeng nakakainis para sakanya.

"what the---" magmumura na Sana si Morena ng maramdamang tumigil ito sa paglakad pero Hindi ito nagsalita.

Kaya di rin nagtagal ay walang alinlangan narin nyang tuluyang minura ang lalakeng sinadyang Banggain sya ng di nya alam ang dahilan...

"Damn you stupid Idiot!"