Minulat ni King ang kanyang mga mata at bakas sa kanyang mukha ang pag tataka dahil sa kanyang panaginip, tinitigan niya ang kanyang pulseras ng matagal ngunit walang nangyari at si King ay napabuntong hininga nalamang.
Ano kaya ang mangyayari pag pupulong namin? Tumayo si King at nag handa na para sa pag pupulong na magaganap. Ng saktong nakagayak na si King ay biglang may kumatok sa kanyang piuntuan. King, ako to si Anthony, handa ka na ba?
Binuksan ni King ang pinto at lumabas na ng kwarto. Tanghali ka nang nakapag gayak panunukso ni Jules. Kailangan ay agahan natin sa pag pupulong tanda nalamang din ng pag bibigay galang natin sa hari sambit ni Jules. Tara na at pumunta na tayo sa pag pupulungan, ma otoridad na aya ni Anthony.
Pag bukas ng pinto ay nagulat sila dahil maraming tao ang kanilang nakita at may musika na bumungad sa kanila, Maligayang pag dating mga bayani, tumuloy kayo at ating pag usapan ang magiging mga kasama niyo sa inyong pakikipag laban at mahahalagang bagay.
Una, kailangan niyo lumakas, sa pag kakalam ko ay may nakikita kayong kakaibang letra sa inyong paningin, Oo nga no? Sambit ni Anthony. Akala ko ay may problema lang ang aking paningin. Subukan niyong mag concentrate sa letra at may lalabas na kakaibang mga bagay.
Aba, parang laro to ah, sambit ni Jules, mukhang masisiyahan ako neto. Wala ka na bang ibang alam kung hindi laro? Sabi ni Ron. Pero muka ngang isang menu to ng isang online game. Ehem, singit ng hari. Kung makikita nyo ay may nakalagay na "Apprentice".
Ayon sa aming pag kakaalam mayroong 6 na antas ang inyong kapangyarihan, Apprentice, Adept, Knight, Lord Knight, Slayer at Hero kung saan ang Hero ang pinakamataas na status na pwede niyong maabot.
Mahal na hari, singit ni Anthony, paano namin mapapataas ang aming stado ng mabilisan? Sa pag kakaalam ko ay sinabi niyo na nalalapit na ang armageddon.
Ibig sabihin ay kailangan namin mag palakas ang aming sarili ng maayos at mabilis. May punto ka sambit ng hari. Mapapataas nyo ang inyong stado sa pamamagitan ng pag patay ng mga halimaw, pag kuha ng mga quest sa guild at pag tulong sa mga tao.
Nakaka excite tlaga! Sabik na sambit ni jules, parang online game lang tlga at kailangan lang natin mag grind para mapalakas ang ating mga sarili! Madali lang ito. Kung tutuusin, parang nakukuha ko na ang tema kung paano mag palakas ng mabilis at maayos, sambit ni Ron. Oo nga, may karanasan din ako magpalakas ng character sa aking nalarong online game dati, pag mamayabang na sambit ni King.
Sa madaling salita, singit ng hari, kailangan nyong lumakas agad at pra makatulong sa inyong pag papalakas ay bibigyan ko kayo ng mga kasama para madali kayong makapag adjust. Lahat ng nandto sa loob ng silid na ito ay mga batikan at malalakas na mandirigma at salamangkero. Subalit lima lamang ang pwede niyo isama, nakaka excite naman to, sambit ni Jules, sana may chicks na sumama sakin hahaha. Babaero!, sambit ni Ron. Hindi rin mapag kaila sa mukha ni King ang pag ka sabik dahil kakaiba itong araw na ito sa normal na araw na kanyang nararanasan. Humanda ang lahat ng mandirigma at salamangkero at luminya kayo sa likod ng mga gusto nyong makasamang bayani!
Nag uunahan ang mga batikang mandirigma at salamangkero hanggang sa natapos na silang mamili. Laking gulat ni King ng walang pumila sakanya. Mahal na hari, anong ibig sabihin nito? Bat walang pumila sakin? Naiiritang tanong ni King. Malamang ay ayaw nila sa walang armas na bayani. Hindi naman ata patas yun mahal na hari, hoy Jules, Anthony, Ron bigyan nyo naman ako ng isa sa inyong mga kasama. Uhh gustuhin man namin King kaso ayaw nila pumayag. Naiirita man ay nag buntong hininga nalamang si King at sinabing, sige ako nalang hahanap ng makakasama ko. Kung ganoon ay tapos na ang pag titipon na ito pataasin nyo na ang inyong mga stado. Heto ang tig iisandaang pirasong ginto para kayo ay bumili ng inyong mga pangangailangan. Sambit ng hari.
Natuwa sina Anthony, Jules at Ron sa kanilang natanggap at muling nairita si King at nag tanong, mahal na hari? Nasaan po kaya ang akin? Hmm oo nga pala bigyan itong bayaning ito ng apatnapung pirasong ginto, malamig na utos ng hari. Teka muna mahal na hari, bakit sa kanilang tatlo ay tig iisandaan pero sakin ayapatnapung ginto lang? Pagpapasensyang tanong ni King. Mag pasalamat ka nalamang at binigyan pa kita kaht wala kang armas. sambit ng hari. Pikon na tumalikod si king at lumabas na ng silid.
Hay, buntong hininga ni King. Pambihira, ano ba naman kasi tong pulseras na to, paano ako makakalaban nito kung pulseras lang gamit ko.
Habang nag lalakad si King ay may tumawag sakanyang isang babae na mahaba ang buhok. Ikaw si King tama ba? Sambit ng babae. Oo ako nga, may kailangan ka? Hindi kasi ako umabot sa pag titipon, kung hindi mo naitatanong ay magaling ako humawak ng espada at mahika at gusto ko sana sumama sa grupo mo, ako nga pala si Elaine. Pag papakilala ng babae.
Ikinagagalak kita makilala Elaine. Kaso wala akong grupo, walang gustong sumama sa isang bayani na walang armas at mahika, ang tanging hawak ko lang ay isang walang silbing pulseras. Hmm, parang pamilyar ang pulseras na yan. Pwede ko bang isukat? Tanong ni Elaine. Huh? O sige, ng tangkang aalisin ni King ang pulseras ay biglang kumislap ang pulseras.
Aray! Sambit ni King. Tama ang hinala ko, ang pulseras na yan ay isang armas din ng mga bayani, kailangan mo lang ito matutunan gamitin. Ayon sa mga sabi sabi, hindi magagamit ng mga normal na tao ang armas ng mga bayani kaya isang patunay yan na may armas ka, Sambit ni Elaine. Hmm. Pero sigurado ka? Gusto mo sumama sakin kaht tayong dalawa lang? Oo naman! Kaya lang ala pa akong maayos na sandata dahil sa nangyaring laban dito noong nakaraang buwan, sambit ni Elaine. Walang problema, dahil napili mong sumama sa akin ay sagot ko muna ang iyong kagamitan. Pag mamalaking alok ni king. Talga? Maraming salamat mahal na bayani! Natutuwang sambit ni Elaine. King nalang, wag na mahal na bayani ang awkward.
Pumunta sila King at Elaine sa bayan at pumasok sa bilihan ng armas at kalasag. Magandang umaga pasok kayo sa shop ko! Lumapit sila king at Elaine sa shop owner.
Ano ang aking maitutulong ko sa inyo? Ako nga pala si Bryan, ang pinaka magaling na blacksmith dito sa kaharian hahaha! Pag mamalaking sambit ni Bryan. Ako nga pala si King at ang kasama ko ay si Elaine. Humahanap kami ng kalasag at espada..., hindi pa man tapos mag salita si King ay nakakuha na ng kalasag at espada si Elaine at pinatong sa counter.
Magkano po lahat? Tanong ni Elaine. Uhhh kung kukunin mo lahat ay dalawampung pirasong ginto lahat. Juicekopo! Kalahati ng budget ko ang mauubos para sa kanya palang, Sambit ni King sa kanyang isipan.
Uhh hehehe wala nabang tawad? Pasensya na bata yan tlga ang halaga ng mga gamit na yan, mataas na kalidad at hinding hindi ka bibiguin ng mga gamit n yan. Sge para sa iyo bibigyan kita ng isang libreng spada o kaht anong armas ang gusto mo King. Inabutan ni Bryan si King ng isang magandang klase ng espada ngunit ng hahawakan ni King ang espada ay biglang kumislap ulit ang pulseras na tila ba pinipigilan itong hawakan ang spada.
A-anong nangyari King? Tanong ni Bryan. Tingn ko ay hindi ako pupwedeng gumamit ng ibang sandata bukod sa aking armas. Kwento ni King. Armas? Ang ibig mo bang sabihin ay armas ng mga bayani? Isa kang bayani? Oo sagot ni King. Kung ganoon ay hindi ka nga makakagamit ng ibang armas malibang sa iyong pulseras. Ngunit paano kaya nasabing isang armas yan, kaht mahika ay wala akong nararamdaman? Tanong ni Bryan. Yoon nga din ang pinoproblema ko. Sagot ni King.
Elaine, pwede bang humanap ka nlng ng ibang mas mura ng konti? Apatnapung pirasong ginto lang ang budget ko. Sambit ni King. King, alam mo naman na hindi mo ma poprotektahan ang sarili mo ngayon dahil wala ka pang magagamit na armas, so kailangan ko ng mataas na kalidad na armas para ma protektahan kita. Sambit ni Elaine. Hay sige na nga, buntong hininga ni King.
Pumunta sila King at Elaine sa labas ng kaharian upang mag ensayo at magpalakas, isang Slime, agresibong sabi ni Elaine. Slime? As in ung bilog na mahinang klase ng halimaw? Oo, pero kung ako sayo ay hindi ko mamaliitin ang slime, pag naramdaman nilang nasa panganib sila ay bigla silang mggng kulay pula at nangangagat.
Biglang sugod si Elaine at pinatay ang slime ng isang wasiwas. Napansin ni king na may lumabas na numero sa kanyang paningin. ayos pala, mag kaka experience pa rin pala ako kahit hindi ako ang nakapatay ng halimaw. Hmm? Ano ito? Tanong ni king. Ahh, normal na nalalag yan pag ang slime ay napapatay. Sagot ni Elaine.
Napansing ni King na umiilaw ang kanyang pulseras habang hawak ang nilaglag ng slime. Inilapit ni king ang kanyang hawak at hinigop ito ng pulseras.wow. Nag karoon ako ng 3 skills, hmm herb making, status herb making at enhanced herb making. Malaking tulong ito mapag aralan nga mamaya. Napansin din ni King sila Anthony, Ron at Jules na nag eensayo ngunit sila ay maabilidad na nakakapatay ng maraming slime.
Tsk, kung sana ay may armas lang ako, sambit ni King. Hooooy! Tawag ni Jules. Kiiiiing!! hahaha kamusta, pakiramdam ko ay lumalakas na ako, pag yayabang ni Jules. Aba, sino itong magandang binibini na kasama mo? Tanong ni Jules. Ako nga pala si Elaine, Ikinagagalak kitang makilala mahal na bayani, pag papakilala ni Elaine. Hahaha! Wag na mahal na bayani, Jules nalang. Mauna na kami King, good luck sa pag papalakas mo!. Tara na Elaine gumagabi na din, humanap na tayo ng matutulugan, aya ni King.
Pumasok sila King at Elaine sa isang magandang pahingahan at kumain. Namomroblema si King sa kanilang budget dahil labing limang ginto nalamang ang natitira sa kanila. Ang lakas gumastos ng babaeng ito, isip ni King. King, gusto mo ng alak? Masarap ito. Salamat pero hindi ako umiinom. Sige na King samahan mo naman ako, sabay ipit sa kniyang dibdib na tila ba nang aakit. Nahihiya man si King ay pinanindigan niyang hindi sya iinom. Pasenya na Elaine, mahina ako sa alak, mag papahinga ako at medyo hindi pa ko sanay sa ganitong routine, paalam ni King. Sge King, bukas ulit. Sayang naman. Bulong ni Elaine.
Ng makapasok si King sa kwarto ay nag ipit si king ng isang ginto sa kanyan gloves. Humiga si King at tinignan ang pulseras. Ano ba espesyal sayo? Paano kita mgagamit para maprotektahan ko sarili ko? At unti unting napikit si King.
"King... King... King... alalahanin mo... ang pangalan ko." Huh? Sino ka ba? Tanong ni King.
"alalahanin mo ang nangyari sa iyon mundo" at biglang lumiwanag ang pulseras at biglang nagising si King.
Isa nanamang panaginip? Tinignan ni King ang pulseras at tinanong, Sino ka ba?. Pag katapos ay naghilamos at nag bihis na si King. Ng binuksan ni King ang kanyang drawer ay nataranta sya dahil wala na ang kanyang mga ginto.
Nag halungkat ng naghalungkat si King ngunit wala na talaga ang kanyang ginto. Kumatok si King sa kwarto ni Elaine at pumasok ngunit wala na si Elaine sa kwarto. Tumingin si King sa bintana at nakitang may mga gwardya ng palasyo ang pumupunta sa pahingahan. Ng makita ni King ang isa sa mga gwardya ay nag sumbong sya na nawawala ang kanyang gitno ngunit tinapatan si King ng sandata at sinabihang sumama sa palasyo. Ha?! Sambit ni King.
Sumama si King sa palasyo at nakita si Elaine katabi ni Jules. Elaine! Kanina pa kita hinahanap, may nanloob sa kwarto ko at kinuha ang mga ginto ko, sumbong ni King. Tumahimik kang maniyakis ka! Sigaw ni Jules. Anong karapatan mong pag samantalahan si Elaine habang siya ay natutulog! Ano?! Anong ibig sabihin nito Elaine! Wag nga tayo mag biruan! Umiling lamang si Elaine ngumiti at nag tago sa likod ni Jules.
Huh?! Nanlumo si King. Wala kayong ebidensya! Bigyan nyo ko ng ebidensya ng binibintang nyo sa akin! Tumigil ka sigaw ni Jules, sa tingin mo ba ay mag sisinungaling ang anak ng Hari!?. Nagulat si King. Hindi namin inaasahan na ganyan ka King, sambit ni Anthony, gabang si Ron ay napailing nalang.
Nagalit si King, sge kung talgang pinaniniwalaan nyong ginawa ko yang binibintang nyo sakin ay ibalik nyo na ako sa aking mundo! Hindi ko naman ginusto dito! Bilis na ibalik nyo na ko! Sigaw ni King. Hindi namin maaring gawin yan hanggang hindi natatapos ang armageddon.
Lalong nabwisit si King at sinabing, Sige kung ayaw nyo ko pabalikin ay hindi ko kayo tutulungan sa mga dadating na laban, lalaban akong mag isa ng walang tulong sa inyo! Hindi ko kayo kailangan! Wala kang galang King, sigaw ni Anthony! Wala kang pakielam! Tutal pinagbintangan nyo ako ay paninindigan ko na! Oo sige lumayas ka at huwag na huwag ka ng mag papakita pa uli sa akin.
At umalis na nga si King sa palasyo at ng papaalis na si King sa Kaharian Tinawag ni Bryan si King at itinulak sa pader, Hindi ako makapaniwalang ginawa mo yoon kay Elaine akala ko pa naman isa kang maginoong lalaki. HINDI KO NGA YOON GINAWA! Sabay tingn ng nanlilisik kay Bryan, nagulat si Bryan at nakumbinsi sya na inosente nga si King. Binigyan ni Bryan ng isang hood si King. Heto tanggapin mo ito, kailangan mo yan at mabilis kumalat ang balita sa buong lugar. Tinanggap ni King ang hood, balang araw ay babayaran kita Bryan, sambit ni King at tuluyan ng umalis ng kaharian si King na may galit sa kanyang mga mata.
End of Episode 2
Salamat po sa mga nagbasa, sana ay nagustuhan nyo ang pangalawang episode :)