King's Point of View
Hindi ko naman ginusto mapunta dito sa lugar na to, ska pucha, hindi ko inasahan na I pe-frame ako ni Elaine, ano bang ginawa ko sa kanila at galit na galit sila sakin ng hari? Akala ko naman magiging kakaiba ang aking karanasan dito ngunit mas masahol papala mangyayari sakin dito kaysa sa mundo ko. Nakakabwisit tlaga!!!
Biglang bumuhos ang ulan habang nag lalakad si King kaya nag patila siya sa isang malaking puno tinignan niya ang kanyang pulseras at kinalikot kung ano ang pwede niyang gawin para makaraos sa araw araw.
Hmm.. sa pag kaka tanda ko ay pwede akong makagawa ng mga gamot at malamang pwede ko itong Ibenta sa kaharian buti nalang ay marami akong naitabi na drop ng mga slime para makagawa ng gamot, tutal may hood naman ako at pinanindigan ko naman na ang aking pagiging masama, depende nalang din sa pakikitungo nila sa akin. isip ni King.
Madaling araw na nang makatulog si King sa kakagawa ng maraming gamot. Kinaumagahan ay maingat na pumasok si King sa kaharian upang ibenta ang gamot sa isang shop ng doctor. Pumasok si King sa shop at nakilala sya ng doctor. Hindi bat ikaw si King, ang nag tangkang mag samantala kay Elaine? Tanong ng doctor.
Hah! Oo ako nga! May problema ka? Sagot ni King. Wala akong pakielam sa ginawa mo o iniisip nila sayo at wala rin akong tiwala sayo, pero kung nandto ka para sa mga dala mong gamot na yan ay ma eentertain kita, isa akong doctor at alam ko sa isang tingn palang ang kalidad ng mga gamot na hawak mo, Malamig na salita ng doctor.
Inilapag ni King ang mga gamot na kanyang giawa at namangha ang doctor sa taas ng kalidad ng pinakasimpleng gamot na makikita mo sa kaharian. Hmm magandang kalidad ang gamot na ito. Kung ibebenta mo ito lahat ay bibigyan kita ng limang pilak. Ibinigay ni King ang mga gamot at kinuha ang limang pilak at habang palabas si King ay tinawag siya ng doctor, King, kung mabibigyan mo pa ako ng mas mataas na kalidad na mga gamot ay mabibigyan kita ng mga gamit na baka kalanganin mo o kaya'y babayaran ko ang iyong mga gamot.
At bakit naman kita pag kakatiwalaan? Tanong ni King. Dahil binili ko ang iyong gamot at pinag katiwalaan kita. Nangiti si King ng pilit at sinabing, sige titignan ko.
Pag kalabas ni King ay pumunta sya sa shop ni Bryan at palihim na binaba ang isang pilak bilang bayad ni King kay Bryan sa hood. Nakita ni bryan ang pilak ngunit hindi na niya inabutan ang nag lagay pero alam niyang si King ang nag bigay.
Ilang araw din ang lumipas, at nakaipon si king ng limang ginto sa pag bebenta niya ng gamot sa doctor. Sapat na siguro muna ito para sa aking magiging budget, sapat na siguro ito sa mga pang kain kain ko. Kailangan ko na tlaga maka gawa ng paraan para mapalakas ang aking sarili at hindi puro gawa ng gamot ang inaatupag ko. Habang nag lalakad si King sa eskenita ng kaharian, nakarinig sya ng tawanan ng dalawang lalaki at sinisipa ang isang batang babae.
"yan bagay sayo yan, eto pa," salita ng dalawang lalaki. Walang magawa ang babae kung di ang maiyak nalamang sa sakit. "mag tanda ka sa nanakawan mong tindahan ha!" at umalis na ang dalawang lalaki. Nung una ay walang pakielam si King, subalit hindi pa rin nagawang tiisin ni King ang batang walang malay at tinulungan niya ito.
Oi bata buhay ka pa ba? Tanong ni King. Nilabas ni King ang kanyang gamot at pinainom sa bata, nang mainom ng bata ang gamot ay nakaramadam ito ng konting ginhawa. Napansin ni King na may gustong sabihin ang bata. Ano yon? May sasabihin ka? Tanong ni King. M-m-maraming salamat po, pasensya na din po sa abala. Nang susubukang tumayo ng bata ay bigla itong nawalan ng malay. Hoy, hoy, gumising ka. Sigaw ni King.
Dinala ni King ang bata sa doctor. Kamusta siya doc? Tanong ni King. "Fred" sabi ng doctor, a-ano yon doc? Tanong ni King. Fred ang pangalan ko. Sabi ng doctor. Nagulat si king at napatango nalamang. Itong batang ito ay isang demi-human, isang dahilan kung bakit siya inaapi, paliwanag ng doctor.
Demi-human? Ah ganoon din pala ang tawag nila sa mga kalahating tao. Kung titignan mo nga ay mayroon siyang tenga at buntot ng tigre. Pero kung titigan ay napaka amo ng kanyang muka. Isip ni King. Kamusta sya fred? Wala na ba sa panganib ang buhay niya? Tanong ni King. Tatlong buto sa tagliran ang nabali, malalim na sugat at mataas na lagnat ang naranasan niya, pero salamat sa mga gamot mo, dalawang araw lang ang kailangan niyang pahinga para mag karoon sya ulit ng buong lakas.
Ang swerte mo King, ang demis o demi-human ay tumatanaw ng utang na loob at kung sakali ay pwede silang maging tapat sayo. Depende sa sitwasyon ay sila ang pinaka pwede mong pagkatiwalaan lalo nat iniligtas mo ang kanilang buhay.
Hmm. Ito lamang ang maitutulong ko sakanya at malamang ay hinahanap na din siya ng kaniyang mga magulang kaya ibabalik ko siya sa kanyang mga magulang. Sabi ni King. Hmm kung ibabalik mo sya sa kanyang mga magulang ay mukang mag kakasama pa kayo ng matagal dahil karamihan ng demi ay mga manlalakbay, at dahil nakita mong binubugbog ang demi na ito ay malaman isa syang slave, kung saan ginagawa ng amo nila ang kahit anong naisin nila sa kanilang slave. Sagot ni Fred. Kahit papaano ay wala na siya sa puder ng kanyang amo at hindi ko rin siya ibabalik lalo na kung ganoon ang kanyang pakikitungo sa bata. Sagot ni King. Sigurado ka king? Dahil isang madugong labanan ang mangyayari kung hindi mo ibabalik ang slave sa amo niya, tanong ni Fred. Walang ibabalik kung hindi kami makikita ng amo niya. Sagot ni King.
Salamat Fred. Heto ang isang pilak, sambit ni King. Huwag na, malaki rin ang naitulong mo sakin sa mga gamot na bingay mo sakin, marami akong natulungan na mga kababayan ko dahil sa mga nakaraang pag sugod ng mga halimaw sa aming bayan, sagot ni Fred. Kung ganon ay salamat at mabuti naman nakatulong ako sayo, sambit ni King. Kung gusto mo ay dito ka na muna tumigil hanggat hindi nagigising ang bata, malaki ang bahay at mag isa na lamang ako sa buhay, alok ni Fred.
Pumayag si King at nag pahinga na din sa ito sa kama. Makalipas ang dalawang araw, nagising ang bata at nagulat siya na nasa malambot siyang kama at nakitang niyang naka dukdok si king sa kama na kanyang hinihigaan.
Napaisip ang demi, at naalala niyang buhat buhat siya ni King papunta sa doctor bago ito tuluyang mawalan ng malay. Natuwa ang demi at sinubukan himasin ang buhok ni King ngunit unti unti ng nagigising si King kaya hindi na niya it naituloy pa.
Hmm, oh gising ka na pala, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa iyo? Tanong ni King. M-maraming salamat po, magaan na po ang aking pakiramdam. Sagot ng Demi. Mabuti naman uhh... "Trish" bulong ng demi. A-ano yon? Tanong ni King. Trish, ang pangalan ko po ay Trish. Ahh. Sge ako naman si King. Napangiti ang demi. Nasaan ang iyong mga magulang trish? Bat ka sinasaktan ng mga lalaki na iyon? Tanong ni King.
Lumungkot ang mukha ni Trish pero sinagot niya ang tanong ni King. Nahiwalay ako sa aking mga magulang habang nag lalakbay kami dahil sa isang napakalakas na ipo ipo ng sumalubong samin. Ang huling natatandaan ko nalamang ay isa na akong slave o alila. Sinaktan ako ng mga lalaki na iyon dahil sa aking pag nanakaw ng mansanas dahil sa aking gutom, kwento ni Trish. Sumama ang mga mata ni King at sinabi sa sariling, walang pinag kaiba sa mga tao sa kastilyo ng hari. Uhh King? May problema ba? Tanong ni Trish. Ay pasensya na wala naman.
Aba, mukang gising na ang bata ah, masiglang pasok ni Fred. Kamusta ka na? Okay ka na ba ha? Heto ang kendi dahil magaling ka na. Pag uuto ni Fred. Masayang tinanggap naman ni trish ang kendi at nag wawasiwas ang kanyang buntot. So, anong balak mo King? Tanong ni Fred. Siguro ay isasama ko muna siya sa paglilibot sa ibang bayan para makapag benta ng gamot. Kung sasama sya sa akin ay Aalis kami bukas, sambit ni King. Sge magandang punto yan at palubog na din ang araw.
Bago matulog si King ay kinausap niya si Trish. Trish, aalis ako bukas, iiwan muna kita dito. Ayaw, sagot ni Trish. Ha? Bakit? Mahaba haba ang lalakbayin ko, mapapagod ka, sagot ni King. Sanay ako sa pag lalakbay, at nabalitaan ko kay Fred ay wala kang paraan para depensahan ang sarili mo, kung hindi mo naitatanong ay naturuan ako ng aking ama na gumamit ng armas kaya isama mo na ako, kampante at pag pupumilit na sagot ni Trish.
Hay, sige na sige sumama ka na, matulog ka na at maaga pa tayo bukas. Sagot ni King. Tuwang tuwa at nag pasalamat si Trish.
Kinabukasan, bago umalis sina King at Trish, kinausap ni Fred si King. Alagaan mong mabuti si Trish, mabilis mag mature ang mga demis kapag madalas sila sa labanan. Payo ni Fred. Sge Fred maraming salamat sa payo. Hanggang sa muli Fred. Paalam ni King. Hanggang sa muli sagot ni Fred.
Hmm ayon dito sa mapa, ang pinakamalapit na mapupuntahan nating bayan ay ang bayan ng Imil. Tingin mo mga ilang oras natin ito lalakarin? Tanong ni King. Hmmm siguro mga isang araw kalmadong sagot ni Trish. Haay juicekopo, buntong hininga ni King.
Biglang may tumamang palaso sa harapan nila King at Trish, at ng tignan nila ay may mga tumatawang mga Goblin. Nako lagot, goblin, kung may armas man lang sana ako ay kaht papaano ay makakalaban ako ng maayos kainis, akong bahala bglang singit ni Trish. At npakaliksing sumugod si trish at sinaksak ang dalawang goblin na tila ba walang kahirap hirap kay Trish. Nabigla si King sa pinakita ni Trish at habang tinitignan ni King si Trish ay hindi maikala sa mukha ni King ang pag kamangha sa sobrang galing na mga galaw ni Trish at bakas sa mukha ni Trish ang pag kaseryoso at kitang kita sa mata niya ang intention niyang pumatay para protektahan si King.
Bumuhos ang malakas na ulan at may tatlo pang kalaban si Trish ngunit mabilis napatay ni Trish ang tatlong goblin at bumalik na sya kay King. King, okay ka lang? Nasaktan ka ba? Inabot ni Trish ang kanyang kamay para makatayo si King. Uhh, oo ayos lang ako, maraming salamat sagot ni King. Ngumiti si Trish at sinabing, sabi ko sayo magaling ako e.
Subalit biglang nakarinig sina Trish at King ng isang malakas na ungol at nakita nila ang isang Ogre, bakas sa mukha ni Trish ang pag ka gulat ng makita ang Ogre. King, dyan ka lang akong bahala. Ano? Nahihibang ka na ba? Sige sabihin nating magaling ka pero ibang usapan ang Ogre! Tumakbo na tayo, natatarantang sabi ni King ngunit huli na ang lahat, sumugod n si Trish. Sinubukan lumaban Trish, noong una ay nakakaya pa ni Trish subalit nauubusan na si Trish ng hininga at biglang tinamaan na si Trish ng wasiwas ng ogre ng kanyang pamalo at tumilampon si Trish. Pinilit ni King na Sapuhin Si trish at sa katawan nga ni King tumama si Trish.
Nakita ni King na tumutulo ang dugo ni Trish at habang takot at walang magawa si King, naisip nalamang niya sa sarili. Napaka walang kwenta ko. Gaano ba ako idudukdok sa lupa ng mundong ito. Bakit ko ba nararanasan ito, sana hindi nalang ako lumabas ng bahay ng araw na iyon, sana ay hindi ko na nilibing ang aso, sana hindi ko nalang tinignan ang puno! Yun yon eh doon nag simula ang lahat! Lalo na noong nabasa ko ang... ng malapit ng tumama ang pamalo ng Ogre ay umilaw ang pulseras at narinig ni King ang pulseras "ang pangalan ko, isigaw mo ang pangalan ko!!!" ....
VECHEVORAL!!! malakas na sigaw ni King at biglang lumiwanag ng sobra ang pulseras at unti unti itong naging hugis palakol.
End of Episode 3.
sana po ay nagustuhan nyo :)