Malakas ang ulan at ang tanging naririnig lamang ay ang mga sigaw ng goblin.
Laking gulat ni King ng lumiwanag ng sobra ang kanyang pulseras at ng itoy naging palakol. Palakol na tingining malaki at mabigat pero walang hirap niya itong hawak ng isang kamay lamang. Ve-vechevoral? Ito ba ang pangalan mo? Tanong ni King sa kanyang isip. Bglang sumigaw ang Ogre at muling hinampas ang kanyang pamalo, ngunit sa lapad ng Vechevoral ay tila walang epekto ang hampas ng malaking Ogre.
Mag tigil ka na kakahampas, sinaktan mo si Trish, at hindi maganda ang simula ko sa mundong ito, sayo ko ibubuhos lahat ng sama ng loob ko! Sigaw ni King. Sumigaw din ang ogre at nag tawag ng mga goblins. Unti unting may bumalot na pulang aura kay king at mabilis na sinugod ni King ang mga Goblin, iwinasiwas ni King ang Vechevoral na para ba itong isang patpat sa sobrang gaan, may pumana sa likuran ni King subalit sinangga ito ng pulan aura ni King at sinugod niya rin ang pumana sa kanya.
Nabigla ang Ogre sa lakas ni King. Oi, tawag ni King. Wag ka mag alala, bibilisan ko ang pag patay sayo. Napikon ang Ogre dahil tingn niya ay minamaliit siya ni King. Sumugod ang Ogre kay King ngunit noong malapit na ang Ogre ay biglang napunta na si King sa likura nito at nagka hiwa hiwa ang katawan ng Ogre.
Tumingin si King sa langit habang naliligo ito sa ulan, nangiti si King ng masama at tumawa, hahahahaha! Masyado akong minaliit ng mundong ito dahil sa naka pulseras lang ako! Ngayon alam ko na ang kapangyarihan ko! Hahaha! Napansin ni Trish na parang nag iiba ang pulang aura at nagiging itim ito kaya niyakap ni Trish si King ng mahigpit. King, Tama na, Tama na. Nagulat si King dahil niyakap siya ni Trish. Naluha si King at sinabing, salamat Trish, okay na ko.
Bumalik na muli sa pagiging pulseras ang Vechevoral ngunit nagulat sina Trish at King ng mag labas ang pulseras ng bilog na ilaw at ng lumapag ito sa lupa ay naging sobrang amo na aso ito. Nagulat si King at nataranta. T-Teka! Ikaw ung aso! Ung asong na nilibing ko at nag dala sa akin dito! Wag kang lalapit trish, mapanganib ang aso na yan, Vechevoral! Sigaw ni King, ngunit walang nangyari, tumawa ang aso, hahahaha! Anyare bata? Hindi ba nag iba ng anyo? Pang aasar ng aso. B-bakit hindi naging armas? Tanong ni King sa isip. Sumagot ang ang aso na para bang nabasa niya ang isip ni King. Natural hindi mag babagong anyo yan, andito ako eh, sa lahat ng armas ang nasa iyo lang ang may sagradong espirito, pag mamalaki ng aso.
Sagrado? San banda? Matapos mo ko takutin at dalhin dito sa mundong ito sasabihin mo sagrado ka? Pabulyaw na sagot ni King. Wag mo naman siyang sigawan King, ang cute cute niya oh, natutuwang sambit ni Trish.
Hoy! Una sa lahat, bakit mo ko dinala dito sa mundong to? Bakit mo sinabing kailangan mo ko para iligtas ang farore? Hindi mo ba alam ang pinag daanan ko dito? Ha?! Galit ni tnaong ni King.
Una, hindi HOY ang pangalan ko, ang pangalan ko ay OULIXES. Pangalawa, ikaw ang nakakita sa akin kaya napadali ang aking pag hahanap, pangatlo, nasasayo ang katangian na hinahanap ko.
Kailangan kita upang mapigilan ang armageddon ngayon dahil mas malalakas na halimaw ang dadating at hindi kakayaning ng mga pipitsuging armas ng tatlong bayani ang nalalapit na sakuna.
Hay, ano pang magagawa ko, ke umayaw o hindi, hindi naman na ko makakaalis dito, atsaka, gusto kong baiwan ang hari sa mga ginawa niya sa akin, masamang ngisi ni King.
(Yan, tama yan King, malubog ka sa galit para lumabas ang ating tunay na kapangyarihan. Ngisi ni Oulixes.)
Hinawakan ni Trish ang kamay ni King. King, alam kong hindi maganda ang pinag dadaanan mo, subalit kailangan mong kontrolin ang iyon emosyon at galit. Nagulat si King at napangiti nalaman ito sa mabait na mga salita ni Trish.
Hindi muna tayo tutuloy sa Imil. Kailangan natin mag pahinga muna sa kila fred. Sambit ni King.
Nang makabalik sila King kila Fred ay binigyan agad sila ng paunang lunas ni Fred. Ano ba nangyari sa inyo, kakaalis nyo lang puro kayo sugatan. Natawa lang sila King at Trish. Nadali kami ng mga Gobli at Ogre eh, kwento ni King. Ano?! G-Goblin at Ogre? Abay pambihira buti nakabalik pa kayo ng buhay? Paano niyo natalo ang mga halimaw na iyon? Tanong ni Fred. Kinuwento ni King ang mga nangyari at napa buntong hiniga nalamang si Fred. So ibig mong sabihin, ang asong iyan at pulseras ay ang iyong armas na nagiging isang malaking itak? Tanong ni Fred. Oo Fred, sago t ni King. Kung gayon ay mas makakampante na ako at parehas kayo ni Trish na kaya ng makipag laban sa kahit na anong sakuna. Fred, pahingi naman kendi, sabi ni Trish. Ay oo sige sige heto ang kendi. Masayang tinanggap ni Trish ang kendi at umakyat na ito ng kwarto.
Sige Fred, mag papahinga muna kami, medyo masakit pa ang aking katawan dahil sa mga nangyari. Siya nga pala, heto isang gamot, isa lang nagawa ko pero tingn ko magandang kalidad yan sambit ni King, at tuluyan na siyang umakyat sa kwarto. Kakaiba talaga ang batang iyon. Imbis na mawalan ng loob, ginagawa pa niya lakas ng loob ang mga nangyari sakanya dito sa kaharian, isip ni Fred.
Habang nakahiga si King, tinawag niya si Oulixes. Oi, Oulixes, tawag ni King. Anong problema mo? Sagot ni Oulixes. Maalala ko lang, anong sumpa ang sinasabi mo sakin nung una tayong nagkita, tanong ni King. Ahh yoon ba? Malalaman mo rin yan pag tagal tagal, sa ngayon, tulog pa ang sumpa, sagot ni Oulixes. Ang gusto kong malaman, mapapasama ba ako sa sumpa na yan? Tanong ni King. Dipende sa paggamit mo sa akin, yan lang ang masasabi ko sayo sa ngayon, Sagot ni Oulixes. Sige, matutulog na ko, sambit ni King.
Kinabukasan, maagang nagising si King dahil kay Oulixes. Hoy, King, King gising, gising ni Oulixes. Oh, bakit ba, aga aga pa ah. May nag mamasid sa atin. Ha? Nasan? Tanong ni King. Wag kang magpapakita, ayun sa may puno, sagot ni Oulixes. Hmmm anong pakay nang lalaki na yan? Nakita ni King na unti untingnag lalakad ang lalaki papalapit sa bahay at napag tanto ni King na kwarto iyon ni Trish.
Kwarto ni Trish! Dali dali tumakbo si King papunta sa kwarto ni Trish, habang tumatakbo si King ay narinig niya na may nabasag sa kwarto ni Trish. Binuksan ni King ang pinto at nakitang buhat buhat ng lalaking mapula ang mata at unti unting lumulubog sa sahig ng nakangiti. Hoy! Tumigil ka ibalik mo si Trish! Sigaw ni King. Sinubkan humabol ni King ngunit nakalubog na ang lalaki sa sahig at nasuntok nalamang ni King ang sahig sa sobrang inis.
Letse!!! sigaw ni King. Pano ko sya maililigtas? Nakakainis! Bwisit na sigaw ni King. A-anong nangyari? Tanong ni Fred. May nakapasok sa bahay, kinuha si Trish, hindi ko alam kung saan siya dinala, sagot ni King. Hmmm, un lalaki bang lumubog sa lupa ay mapula ang mata? Tanong ni Fred. Paano mo nalaman? Kilala mo ba? Saan ko sya matatagpuan?! Tanong ni King. Kung hindi ako nag kakamali ay alagad ito ng maharlikang si David.
David? Tanong ni King. Oo malamang ay slave ni David si Trish at nag tataka ito kung bakit hindi pa ito bumabalik kaya pinahanap niya ito sa mga alagad niya upang bawiin, sagot ni Fred. Saan ko siya matatagpuan? Inis na tnaong ni King.
Dito lang din King, malamang ay nakita mo na yoon, is ayong napakalaking bahay malapit sa kastilyo. Sagot ni Fred. Kung ganon ay pupuntahan ko na si Trish. Sandali King, pigil ni Fred. Handa ka ba sa mga pwedeng mangyari? Ayon sa aking pagkaka alam ay mahigpit na guwardiyado ang kaniyang mansyon at isa siya sa pinakamaimpluwensyang tao dito sa kaharian at talentadong salamangkero, banta ni Fred.
Kahit sino pa sya ay wala akong pakielam. Kung yoon ngang mga lalaki na nakita ko bago ko sya makilala ay sobra na ang pambubugbog sa kanya, pano pa ang amo niya.
Huwag mo akong maliitin tanda, singit ni Oulixes. Hindi lang halata pero halimaw ako hahaha, pag mamalaki ni Oulixes. Sige mag iingat nalamang kayo King. Oo Fred sige, mag iingat ka rin dito.
Sinuot ni King ang kanyang hood at sumanib na ulit si Oulixes sa pulseras. Inabot din dila King ng tatlumpung minuto bago makarating sa mansyon. Nag tago si King sa mapunong pwesto at nag iisip kung paano ang gagawin. Di ko inaakalang ganito karami ang bantay sa isang mansyon, bulong ni King sa sarili. Hoy King, tawag ni Oulixes. Wag ka magulo Oulixes nag iisip ako. Sagot ni King. Hoy King tawag muli ni Oulixes. Ano ba yon, wala akong oras makipag... natahimik si King ng nakita nya ang portal na ginawa ni Oulixes. Tara na bata pumasok tayo sa portal ko, nakangising sambit ni Oulixes. Pambihira, kaya mo pala yan bat hindi mo agad ginawa. Buntong hininga ni King. Eh hindi ka naman nag tatanong eh, kana ka ng kana e. pumasok na sila King sa portal at sinabing, Trish hintayin mo ako, ililigtas kita.
Trish Point of View
Naalimpungatan si Trish at uminom ng tubig. Pagkainom ng tubig ay malalim ang isip ni Trish. Nasaan na kaya sila Nanay at tatay? Halos mag isang buwan na rin simula ng masalubong namin ang buhawi. Sana ligtas kayo nanay, tatay. Naluluhang isip ni Trish. Ng biglang may nag takip ng panyo sa kanyang bibig at nabitawan niya ang baso at tuluyan itong malalag lag sa sahig at mabasag. Habang pumipiglas si Trish ay may binulong ang lalaki. Masyado kang makulit, pinsasakit mo ang ulo ng aming panginoon, matulog ka muna. At unti unting nawalan ng malay si Trish.
Pag gising ni Trish ay nasa mansyon na siya ni David at siya ay nakagapos ngunit nakaupo sa isang magandang upuan. Aba, magandang hapon aking Trish. Kamusta ka? Antagal mo naman nawala hindi mo ba alam na sobrang nag alala ako sayo ha? Bungad ni David. D-David? Asan ako? Bakit ako nakatali? Bakit may mga Goblin dito sa mansyon mo? Pakawalan mo ako, sabi ni Trish. Nalulungkot ako dahil nagawa mo akong takasan, hindi mo ba alam kung gaano ako na ulila dahil nilayasan mo ako? Sabay sampal kay Trish.
Maluha luhang tiniis ni Trish and sakit mula sa sampal ni David. Hahaha! Alam mo trish kapag ganyan ka ng ganyan at hindi ka susunod sa akin ay mapipilitan akong ibigay ka sa mga goblin na ito. Natingin si Trish sa mga goblin at nakaramdam siya ng takot dahil halatang sabik sa tao at nanlilisik ang mga mata nito. Pumayag ka nang maging kabiyak ko at ng malahian kita! Sabi ni David. Ayoko! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging sayo! Tutol ni Trish.
Nagalit si David at sinikmuraan si Trish. Yan ang bagay sayo. Ang swerte mo at inaalok ka ng isang mataas na ranggo na salamangkero tapos ay tatanggihan mo lang!? Napaka walang kwenta! Oo mas mabuti na nga lang na mamatay ka na! Galit na sigaw ni David. Nag upisang mag salita si David ng mahika at unti unting naging mabangis ang mga Goblin lumaki ang mga katawan at nawalan ng kontrol.
Hahaha! Yan ang mapapala ng mga Demi na walang kwenta at walang utang na loob! Aking mga Goblin kayo ng bahala sa Demi na yan, utos ni David. Tila ba mga nag sipag ungulan ang goblin na parang may pyesta at biglang sumugod ng walang awa kay Trish.
Si trish ay napapikit nalamang at binulong sa sarili... sobrang dami netong mga goblin, wala akong armas, patawad King, patawad hindi na kita masasamahan gusto pa sana kita protektahan dahil sa kabaitan na pinakita mo sa akin, patawad ng sobra, tuluyang tumulo ang luha ni Trish at nag sipag talon na ang Goblin papunta kay Trish.
Isang pamilyar na boses ang narinig Trish...
Vechevoral!!!....
End of Episode 4.
Sana po ay nagustuhan niyo! Sorry medyo late ang episode 4, medyo naging busy sa work :D
Follow and like naman dyan :)
Thanks :D <3