Chereads / My Heart Remembers / Chapter 4 - MHR | Chapter 2

Chapter 4 - MHR | Chapter 2

"Luna!!!"

Napalingon si Luna nang marinig ang pagtawag na iyon mula sa kaniyang likuran. It was Dani, her gay classmate. Kaba-baba lang nito sa sasakyang naghatid dito sa school at mabilis na humabol sa kaniya.

Dani is short for 'Danilo'. He's one of the richest students in CSC and has become one of her friends. Mabait ito at palakaibigan. Isa ito sa mga unang kumausap sa kanya noong unang araw niya sa school.

Oh, that damn day. Muli na naman niyang naalala. Nahirapan siyang hanapin ang classroom nila noong araw na iyon kaya halos patapos na ang klase nang pumasok siya. Everybody was shocked when they saw her. She was wet from her head to the tip of her school shoes. Ang iba sa mga ka-klase niya'y pinagtawanan siya dahil nagmukha siyang basang-sisiw subalit ang iba ay naki-simpatya.

Unang araw pa lang at napahiya na siya. Pero dahil hindi niya gustong ma-markahang absent sa unang araw ng pasok ay pinilit pa rin niyang umabot. Sa harap ng lahat ay nagpaliwanag siya kung ano ang nangyari sa kaniya. Naintindihan iyon ng guro nila at sinabihan siyang magpatuyo muna ng sarili sa locker room kung saan mayroong hair blower at dryer, which was really convenient.

"You're early today," ani Dani nang makalapit sa kaniya. He wore men's uniform but he looked so feminine due to the heavy make up on his face. He could have been a handsome man if only he wasn't born to have a woman's soul. The way he talked and the way he swayed his hands reminded her of the Queen's vocalist Freddie Mercury.

"Naalala kong ngayong araw ang registration for the school club, kaya kailangang maaga ako," sagot niya rito.

"What club are you choosing?" anito.

"I'm going with the Sports Club. And you?"

"Probably the Drama Club," anito saka inilabas ang compact mirror mula sa bulsa ng suot na uniform at nanalamin doon. Mula sa salamin ay nakita nito ang mga naglalakad na estudyante sa likuran nila. "Oh, there's Kaki!"

Huminto sila sa paglalakad upang antayin ang isa pa nilang kaibigan, si Kaki.

Isa rin si Kaki sa mga unang kumausap sa kaniya sa unang araw ng pasok. She occupied the seat next to her at ito ang sumama sa kaniya noon patungo sa locker room para tulungan siyang magpatuyo ng damit at katawan. Kaki's real name is Karina Quintana, but she preferred to be called Kaki dahil iyon daw ang palayaw nito. She's the classic example of Miss Prim and Proper, laging composed at maingat sa mga salita. May suot itong salamin na may makapal na frame at ang buhok ay laging naka-messy bun. Dani calls her the Pretty Betty La Fea.

"Gah! I slept in!" bulalas ni Kaki nang makalapit sa kanila. Ang itsura nito'y tila bagong gising pa.

Ngumiti siya rito, "Looks like you didn't get enough of sleep last night?"

Ma-drama itong bumuntong hininga, "I was watching a documentary film about Ted Bundy last night, it was so intruiging na hindi ko na namalayan ang oras. I woke up late kaya hindi ko na nagawang maligo."

Pinagtawanan ito ni Dani at tinukso. Kaki is fond of watching serial killer documentaries, dahilan upang weirdo ang tingin ng iba nilang mga ka-klase rito.

It has been a month since the school started and she was thankful that she met her new friends. The three of them have become really good friends. Hindi niya alam kung bakit sila nag-click na tatlo, it just happened.

Galing sila sa magkakaibang middle schools at may iba't ibang rason kung bakit napili ang CSC para doon mag-aral ng highschool at college.

Kaki's reason was simple. Nagtapos ito sa isang public school bilang top honour student at napili ang CSC dahil sa scholarship na inaalok ng school. She applied for it and passed, obtaining a scholarship until college.

Kaki is hardworking, dedicated and smart, probably smarter than her. Ang pinagkaiba lang nila ng kaibigan ay hindi ito mahilig sa sports o sa kahit na akong school activities.

As for Dani. He studied in an exclusive school for boys from nursery until middle school, at ayon dito ay doon nito napagtantong pusong-babae ito dahil sa dami ng lalaking nakapaligid dito noon. He's the only son at hindi raw naging madali ang pag-amin nito ng kasarian sa mga magulang. Dani said that at first, his father was really mad. Pero kalaunan ay tinanggap nito iyon dahil bali-baliktarin man daw nito ang mundo ay anak pa rin naman daw ito ng mga magulang.

At ang rason ni Dani kung bakit nito napili ang CSC ay dahil sa ultimate crush nito na isang graduating college student sa school nila, si Ryu Donovan. She hasn't seen him, pero sigurado siyang isa ito sa pinaka-poging lalaki sa school kung ang pagbabasehan ay ang determinasyon ni Dani na mapalapit dito. Dani wanted to be close to him kaya kinumbinsi nito ang mga magulang na doon ito pa-pag-aralin sa CSC.

"What's your plan for the weekend?" narinig niyang tanong ni Dani na pumukaw sa malalim niyang iniisip.

"The usual," sagot niya. "Umuwi sa mga magulang kong hindi mapakali kapag hindi ako nakakatawag sa gabi."

Nag-kunwang umiyak si Dani, "I'm so jealous of you! Buti ka pa at sa edad na disi-siete ay independent na. Your parents have allowed you to live on your own, how lucky can you get?"

Natawa siya roon, "My parents are still providing for me, hindi independence ang tawag doon, Dani. They still pay for my apartment, my food, my clothes. I'm just living away from home but that doesn't mean I'm independent."

Nagkibit ito ng balikat, "That's how it is for me."

Si Kaki na inayos ang salamin ay sinuri siya ng tingin, "Pero hindi ka ba nahihirapan na nasa malayo ang mga magulang mo at mag-isa ka lang dito? I mean, your family is more than two hours away from here."

"I was struggling at first but I got used to it. Gumagaling na ako sa pag-prito ng itlog at hotdog, at hindi na rin lata ang pagkakaluto ko ng instant noodles," biro niya sa mga ito na ikinatawa ng dalawa.

Malapit na nilang marating ang classroom nila nang matigilan siya. Sa harap ng pinto ay naroon at nakatayo si Stefan Burgos kasama ang isa pa nilang ka-klase at nag-uusap.

Biglang tumahip ng malakas ang dibdib niya.

Stefan Burgos. Five foot, ten inches tall with a body of a football player. He's a total hunk at karamihan sa mga babaeng nasa highschool ay may gusto rito. Tahimik lang si Stefan at nakaupo sa likurang bahagi ng classroom nila. Kadalasan ay tulog ito kapag nagle-lecture ang guro nila pero nakakapagtakang sa kabila noon ay lagi itong may sagot sa mga exams. She was attracted to him at first sight, and she wished he would notice her someday. Pero sa dami ng mga babaeng nagkakagusto rito ay tila wala itong interes isa man sa mga iyon. Bilang lang din ang mga kinakausap nito sa klase nila. He is very mysterious at iyon ang nagustuhan niya rito.

She's developed feelings for Stefan Burgos and she didn't hide it from her friends. Alam ng dalawa ang malaking pagkakagusto niya rito kaya madalas siyang tinutukso ng mga ito.

"Good morning," bati ng ka-klase nila sa kanila na kasalukuyang kausap ni Stefan.

Binati rin ito nina Dani at Kaki subalit siya ay nanatiling nakatitig kay Stefan who just gave them a quick look bago naunang pumasok sa room.

"Stefan is cute but he's a snob!" bulong sa kaniya ni Dani bago pumasok.

Umikot lang ang mga mata niya at hindi na sumagot sa kaibigan.

*****