Chereads / My ex-fiance / Chapter 29 - EPILOGUE

Chapter 29 - EPILOGUE

1 month later.

Ito na yun ito na talaga.. Yung feeling na pinaghalo ang excitement at kaba.

Nasa hotel ako ngayon inaayusan. Yeah this is it. Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Pinakahihintay ng lahat.

My --- Our wedding.

Maam!! excuse me, Yung mama niyo po nasa labas.. " wika nang nag aayos sa akin.

"Sige papasukin mo na! "sagot ko rito.

Nakita ko nanang pumasok si mama sa loob ng kwarto ko.

"Hi anak! You look gorgeous. Naalala mo pa noong bata ka pa? And ngayon, ikakasal kana anak? Ang bilis talaga ng oras. Anak sorry kong nagkulang ako sayo bilang ina mo!" a tear fell from mama's eyes.

"Ma! Wag kana mag sorry. Wala ka pong kasalanan kong hindi dahil sa inyo ni papa wala ako sa mundong ito at hindi ko makikilala ang magiging asawa ko. Tsaka ma wag ka ng umiyak. Kasal ko ngayon ohh. Dapat masaya tayong lahat diba!"

"Yeahh! Sorry anak emosyonal lang si mama. Ganito lang siguro ang magulang kapag ikakasal na ang anak nila. Kinakabahan kaba?" sabay hawak sa kamay ng dalaga.

" sobra ma! "

"Relax! Diba nga sabi mo dapat masaya tayo dahil kasal mo ngayon! "sabi ni mama at ngumiti.  Ningitian ko lang din si mama.

"Maiwan muna kita anak huh. Pupuntahan ko muna si papa mo at ang kapatid mo. Okey!" I smiled to my mom.

Sobrang kinakabahan talaga ako ngayon. It's been 1 month ng mag propose si Andy sa akin. Ang bilis ng panahon, and this is it  our wedding day. Nagtataka siguro kayo anu? Kasi bago pa ng propose si Andy nakahanda na lahat. Marami talagang nagagawa ang pera. Ang gusto ko ay beach wedding pero ngayon Church wedding ang gusto ko katulad ng kina mama at papa. Pero sabi ko sa kanya kahit saan tayo ikasal basta ikaw ang groom ko.

Pero here we go kinakabahan talaga ako hindi ako makapaniwala na ito na talaga. This is it. Buti lahat ng napili ni Andy ay ayos na ayos.

Yung gown ko naman , off shoulder yung design tapos my embroidery sa may part ng dibdib at paballoon ang style pagdating sa baba. Yung veil ko hanggang baba ng floor ang haba diba yung sa may likuran.. hehe tapos may design na bulaklak na inilagay sa buhok ko at gloves na suot.

Pumasok ulit si mama.

"Anak its time. Pupunta na tayo ng simbahan! " bungad agad ni mama sa akin ng pumasok siya.

Tumango lang ako kay mama at kinuha nya ang kamay ko.

Bumaba na kami ng hagdan, habang hawak ni mama ang kamay ko.

Napansin ko namang halos nakaringin sa amin ang mga aplekante ng hotel na kung nasaan kami.

"Wow! Ma'm ang ganda n'yo naman po! " sabi ng isang babaeng nakasalubong namin.

Halos nasasalubong namin nag sasabi ng Best Wishes.

Lumabas na kami ng hotel, dahil nag hihintay ang kotse na maghahatid sa amin sa simbahan.

Malapit lang ang hotel sa simbahan mga ten minutes lang ang biyahe.

Malakas na kaba ang aking nararamdam, habang papalapit kami sa simbahan. Hindi ko mapigilan ang kaba at excitement na nararamdaman ko.  Kaya biglang hinawakan ni mama ang kamay ko.

Ningitian ko namang si mama.

---

Napabuga  ng malalim na hininga si Nicole ng marating nila ang simbahan.

This is it..

Ilang minuto pa ako ng stay sa sasakyan.. Pinaghalo halong kaba ang nararamdaman ni Nicole.

"Maam'its time! " sabi ng organizer kaya lumabas na ng kotse ang dalaga at hawak hawak ang bulaklak nito.

Nang maka harap na siya sa may pintuan ng simbahan. Gusto nang tumulo ang mga luha niya nasa magkabilaang gilid ang kanyang mga magulang.

Nag play na ang music.

Narinig ni Nicole si Andy mismo ang kumanta ng kanta habang nglalakad siya.

Hindi na niya mapigilan ang mga luhang nagbabadya. Hinayaan niyang  tumulo ito.

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw

Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso.

Ikaw ang pinangarap-ngarap ko

Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso.

Naglalakad lang si Nicole kasama ang parents niya, Habang nakatitig sa mga mata ng binata, Hindi maipagkakailang naiiyak na rin si Andy.

Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay ng kay tagal

Ngunit ngayo'y nandito na

ikaw,ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.

Habang kumakanta ang binata, nagpupunas ng luha ang dalaga. Sa dinami rami ng kanilang pinagdaanan sa simbahan rin pala ang kanilang kahahantungan. Si Andy rin pala sa huli. Sa lahat ng trials lungkot at pighati hindi niya man kasama noon ang binata ngpapasalamat parin siya at ito ang mkakasama niya habang buhay.

Humihinto ang bawat oras ng tagpo

Ang pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking puso

Pagkat nasagot na ang tanong nag-aalala noon kung may nagmamahal sakin ng tunay.

Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay ng kay tagal

Ngunit ngayo'y nandito na

Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko

Ligay't pag-ibig ko'y ikaw

Palapit na ako ng palapit sa kanya  kaya kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha niya na ngmumula sa mga mata niya.. Makikita sa mga mata niya ang iba't ibang emosyon.. Nangingibabaw ang kasiyahan dito..

At hindi pa'ko umibig ng ganito

At nasa isip makasama ka habang buhay..

Hindi pa natapos ang kanta ibinigay na niya kay Dave ang microphone.

Narating na ni Nicole kng nasaan si Andy. Niyakap muna siya ng kanyang mga magulang bago ibinigay kay Andy.

Kinamayan naman muna ni Andy ang ama ng dalaga at niyakap ang ina nito saka kinuha ng binata ang kamay ni Nicole at iginaya na ito patungong sa harapan.

Halo-halong emosyon ang mga nararamdaman ng dalawang mag irog ngunit nangingibabaw ang lubos nankasiyahan rito.

Nagsimula ng magsalita ang pari. Hanggang sa dumating ang time ng magpapalitan na sila ng Vow. Nauna si Nicole..

"Andy Falcon, you are my love and my forever soulmate.We've been through a lot. But now , here we are.. Standing in front of our family,friends, relative.. Saying our vows. I dont see something special in you.But i fell in love deep deep in love with you. I dont know when,how or where. I just know I did. I will love you til my last breath. I promise to cherish every moment I have with you. Your my strenght . Your my love. Your my everything. I love you forever. Thank you for everything. Even death can't stop me from loving you. I will always be here no matter what. Take this ring as a sign of my love. Whatever life brings, i will love you and care for you . I love u forever.. sinuot ni nicole ng singsing, habang nagpupunas ng luha sa mga mata nito..

Kinuha ni Andy ang singsing at nagsimula ng magsalita..

"The first time I saw you at the stage dancing that was the day that I can't get you out of my head. That's when I said I need to know who you are. The time i already knew who you are, that's the time i wanted to be with you forever. That's the time I wanted to protecting you, That was the time also i kept asking my self why..? But as time goes by, i fell inlove with you. Even I give you a lot of toubles, you are still at my side.. Even I hurt you that much you still love me.. I was destined to protect you because you are my life, my first love. I give you this ring as a sign of my love for you forever.I promise you, My heart will be your shelter and my arm will be your home. I love you forever even if it don't exist. I love u more than you know.. "sinuot na ni Andy ang singsing..Si nicole naman maluha luha na sa vow ng binata..

Humarap na sila sa altar at nag salita ang pari..

And now I pronounce you as husband and wife.. You may now kiss the bride..

Tinanggal ni Andy ang Veil ni Nicole at nakita niya ang lumuluhang bride. Pinunasan ito ni Andy at ngumiti. Ngumiti rin ang dalaga, pinag isa nila ang kanilang mga labi.

----

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

*Apat na buwan ang Lumipas*

Ahhh.

Ahhh.

Ahhh.

Namimilipit na si Nicole sa sakit na nararamdaman nito. Niyuyog niya ang bintang si Andy upang magising lamang ito.

"A-andy gising m-manganganak na ako! " hampas ang mukha ng binata dahil hirap gisingin ito.

Mukhang naalimpungatan pa ang binata,  dahil hindi alam ang gagawin nito.

Nang makita niyang nahihirapan na si Nicole, bumaba ito ng hagdan nang walang damit. Bitbit nito ang susi ng kotse at diretso sa garahe nito.

Sigae ng sigaw si Nicole, dahil iniwan siya nito ng kanyang asawa.

Bumalik muli si Andy, ngunit hindi na alam ang gagawin nito. Binuhat niya sa Nicole, ngunit habang buhat niya ito ay sinusuntok siya nito.

"Walang hiya ka,  ako manganganak pero ikaw nauna sa kotse iniwan mo ako! " sigaw ni Nicole sa asawa niya

"Sorry naman My! Nataranta lang!" sagot naman nito.

"Bilisan mo na hindi ko na kaya,  manganganak na ako! " wika ni Nicole.

Kaya binilisan ni Andy ang pagpunta sa kotse at nilagyan ng seatbelt si Nicole.

Hindi alam ng mag-asawa ano ang nangyari dahil ang bilis nioang nakarating sa hospital.

Sinalubong agad sila ng mga nurses at isang doctor.

Inasikaso agad nila si Nicole at dinala sa ER.

Umuwi pa galing L.A ang ama at ina ni Andy  at si Dianne at Dave galing N.Y sa pagbabakasyon.. Andun din si Sam kasama ang kanyang Nobyo. At ang pamilya ni nicole ay andun din..

Lahat ng nandito ay sinusuportan si Nicole sa panganganak..

"Walang hiyang Andy ka, sa sobrang kalibugan mo, nagiging kambal ang anak natin, nahihirapan akong umere.. Ahhhhhh... " sabay sigaw ng kanyang asawa na si nicole.

Nasa labas lamang ang buong pamilya habng hinihntay nilang matapos ang panganganak ng dalaga..

Pero si Andy kasama ni nicole sa loob..

"Walang hiya ka talaga" nasabunot ni nicole ang buhok ni Andy habng umere at dada ng dada"sa susunod puputulan na kita ng ano mo" nahihiya na si andy dahil ang ingay ng kanyang asawa..

Hinayaan niya lamang kng ano man ang gagawin sa kanya ng asawa niya.. Hanggang naidilever ni nicole ang dalawang malulusog at mga cute na bata..

Isang babae at isang lalaki.

"Congratulation ma'm and sir twins ang anak ni'yo.

Lumabas si Andy ng delivery room na magulo ang buhok at gusot gusot ang damit. Tinawanan lang siya ng kanyang pamilya.

Normal delivery si Nicole, nakaya niya naman kaya hindi na siya na CS.

Nakatulog si Nicole ng matapos manganak at hinatid na sa knyang sariling room.

----

Mga ilang oras din na pagkakatulog nagising si Nicole dahil sa ingay ng tao sa paligid.

Naimulat niya ang kanyang mga mata at kitang kita ang mga ngiti at saya ng mga taong nakapaligid sa knya. Hawak hawak ang kanilang mga anak.

Nagtatalo kong sino ang kamukha.

Nakita niya ang kanya asawa na nakaupo sa gilid niya at nakangiti habang naka tingin sa knya.

"My! Salamat sa twins na ibingay mo sa akin. Salamat! I love you so much! "

"I love you so much din dy! "

Hinalikan ni Andy si Nicole sa Labi.

THE END....