Chereads / My ex-fiance / Chapter 1 - PROLOGUE

My ex-fiance

Cess_Samantha
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 113.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

Paano kong ang magiging Boss mo ay ang ex-fiance mo?

You'll grab the oppurtunity for your family or you'll ignore it for your own reasons ?

Diba kong iisipin mo napakaself ng dating kong ang sarili niya lamang ang iisipin niya.

Sabihin na nating matagal nang nangyari,  ngunit hindi nating maiiwasan na maalala ang nakaraan.

Nakaraang labis na nagdulot ng sobrang sakit sa puso mo.

Isang tao lamang ang minahal mo,  pero sobrang dinurog naman ang puso mo.

Pero paano naman kailangan mong maipagamot ang ama mo sa sakit niya , kailangan mo ng pambili ng mga gamot.

Gulong-gulo  nagtatalo ang puso't isip kong tatanggapin ba ang trabaho.

Dahil sa kompanyang iyong pinag aaplyan ay siya pala ang nag mamay-ari.

Paano ka makikisama sa isang tao na naging parte ng buhay at pagkatao mo?

Ano ang gagawin mo sa pagtanggap mo sa trabaho ay gagawin ka niyang sekretarya.

At ano ang gagawin mo na ang taong minahal mo ng sobra ay makakaharap mong muli,  sa maling pagkakataon, dahil ang totoo ay mahal mo parin siya.

" Ang pag-ibig ay hindi dapat pinaglalaruan dahil mahirap ayusin kapag nasira. Pagkatapos nyong magpaalam sa isa't isa. Ano ba talaga ang dapat pairalin para maka move-on ng mabilis!?? Kung mahal mo talaga siya ibigay mo ang nagpapasaya sa kanya at ang gusto niya . Suriin natin ang ating sarili . Baka naman naging makasarili na tayo, at ang gusto lang natin ang masusunod . May pagmamahal na ang gusto lang natin ay atin siya at hindi mo alam kung masaya paba siya or hindi . Magiging masaya kaba kung malalaman mo na hindi na masaya sayo ang taong mahal mo !?? Paano kung sa ibang tao niya makikita ang kasiyahan niya at hindi sayo ? Paano mo maipapakita sa taong mahal mo na masaya ka para sa kanya kahit wala na siya sa tabi mo?"

Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko but only one was the answer.

" I'm not worth for loving " ..

--CHAPTER ONE---

One year ago..

"Hon !matutuloy ba tayo sa pupuntahan natin?"

"Hon! sorry may kailangan kasi akong tapusin dito sa kompanya ni daddy .

Ganoon ba hon! Sige mag lilibot nalang ako sa mall, sayang naman kasi at nakabihis na ako .

Sige hon , ingat ka txt mo ako kapag nakrating kana sa mall .

Sige hon, I love you .

Mabigat ang pakiramdam ni Nicole ng lisanin niya ang bahay nila. Bagsak ang mga balikat nito. Hindi niya mawari kong bakit, basta ang alam niya lamang ay walang problema sa kanya kong mtutuloy sila o hindi.

"Ano ba itong nararamdaman ko at bakit kinakabahan ako na ewan?" natanong nito sa kanyang sarili.

Sa halip na pansinin ay binalewala niya nalang ito .

Ilang minuto lamang ay nakarating na sa mall si Nicole.

Ngunit ganoon parin ang pakiramdam niya . Mabigat, ngunit wala naman siyang dalang mabigat na bagay.

Isinantabi niya na lamang iyon. Sa halip ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinixt ang fiance niya ..

"Hon, nakarating na ako sa mall, ingat dyan sa trabaho h'wag masyadong magpapagod at magpupuyat . I love you so much .

SEND ..

Ilang oras na rin siyang naglilibot sa mall at ilang oras narin ang lumipas.,  ngunit hindi nag reply ang fiance niya .Umaasang baka sakaling pupunta parin. Ngunit bigo ito dahil walang Andy na dumating,  kaya naisipan na niyang umuwi .

Habang naglalakad siya papuntang sakayan napadaan siya sa isang park .

Hinayaan niya nalang ang paa niya na papasok sa park at maglilibot libot bago umuwi fresh air na rin .

Habang naglalakad si Nicole ay may nakita siyang nagkokompulang mga tao, na parang kinikilig at naghihiyawan .

Kahit ayaw niyang pansinin doon parin siya dinala ng paa niya .

Nakita niya ang isang lalaki na nakatalikod at may hawak na gitara at ng sisimula na mag kuskus .

Sa harap ng lalaki may napakagandang dalaga na umiiyak hindi dahil sa nasaktan kundi dahil sa saya ,habang ang lalaki ay magsisimula ng kumanta .

Hindi na napansin ng dalaga ang boses ng lalaki dahil ang nasa isip niya ngayon ay ang fiance niya kasi magkatulad sila ng babae na nakikita niya ngayon.

Nasayo na ang lahat

minamahal kitang

pagkat, nasayo na

ang lahat pati ang

puso ko ...

Nasayo na ang

lahat minamahal

kitang tapat , nasayo

na ang lahat pati ang

puso ko ...

Habang iniimagine niya ang mga masasayang araw nila ng fiance niya ay napapangiti siya ..

Natigil lamang ang kayang pag day dreaming nang marinig niyang magsalita ang babae ..

Paano na siya ?"

Alam mo namang simula pa noon ikaw na ang mahal ko hanggang ngayon, at alam mo rin na pinakikisamahan ko lang rin siya dahil yon ang gusto mo .Ngunit hon, hindi natuturuan ang puso .

Nawala ang ngiti niya sa labi ng marinig ang sinabi ng lalaki at sa boses nito.

Napapatitig siya sa mga tao na nagkukumpulan na malapit sa kanya .

Lumapit na siya at pinakinggan pa ang mga sasabihin ng lalaki .

Ng makalapit na siya , gusto niyang sambunutan ang babae sa nakikita niya ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili, parang gusto na niyang bumigay sa mga nakikita at naririnig niya, hindi na niya kinaya kaya sabay ng mga salita ng lalaki ang nag uunahang luha na bumabagsak .

Ang fiance niya nakaluhod at ng popropose sa isang napakagandang babae na nasa harapan niya ngayon .

Kasabay ng luha at pagkawasak ng puso niya ang salitang .

Miss. Andrea Samonte soon to be MRS. Falcon will you marry me ?