May naisip akong tao na pwedeng tinutukoy niya isang tao lang naman yung lapit ng lapit sakin kahit na pilit kong pinapaalis.
"Si Capt. ba?" tanong ko.
"Yes" mataray niyang sagot.
"Kung siya ang dahilan siya ang kausapin mo" sabi ko at umambang aalis ulit.
"Whore" huling sabi niya bago ako umallis sa classroom.
Napapaisip ako kung dapat ko ba talagang iwasan na siya parang mas gumugulo ang lahat.
"Hey" bati niya.
"Oh" sagot ko.
"Okay ka lang?" nagaalalang tanong niya.
"Tumigil ka na. Wag ka na lalapit sakin. Wag mo na akong kakausapin. Wag mo na ako papansinin. Tama na" sabi ko saka ko siya iwan na.
Nilakad ko na lang papuntang bahay dahil malapit lang naman ito at para makapagisip isip din ako. Naguguluhan na ako hindi ko na alam ang gagawin ko hindi ko alam kung ano ba dapat. I feel bad but at the same time alam kong tama lang naman ung ginawa ko.
"I deserve to be alone" bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Maaga akong nagising dahil sa gutom ko hindi ko kaya napagpasyahan ko na pumasok at sa school na lang ako kakain.
"Bakit ka nandito?" gulat kong sabi dahil nakita ko si Capt. nasa labas tapat ng pintuan ko.
"Kasi gusto kitang makita. Masakit" malungkot niyang sabi.
"Saan masakit?" nagaalalang lumapit ako sa kanya.
"Dito" sabay turo niya sa may bandang puso niya.
"Bakit? Ano bang nangyari? May gusto ka ba? Anong dapat gawin?" seyosong tanong ko sa kanya.
"Ikaw. Walang kang dapat gawin. Wag mo lang akong palayuin sayo. Please" pagmamakaawang sabi niya.
"Anong bang sinasabi mo?" nalilitong sabi ko.
Dahan dahan siyang naglakad na siya naman kinaatras ko.
"Hindi ko na kaya" malungkot niya sabi.
Patuloy siya sa paglakad hanggang sa hinila niya ako at yumakap siya sakin.
"Wag mo na akong layuan di ko kaya masakit" lalong humihigpit ang yakap niya.
"Bakit masakit?" nalilitong tanong ko pa din.
"Kasi…" nagaalangan niyang sabi mas lalo niyang hinigpitan pa ang pagyakap sakin.
"Ano?" naguguluhan kong tanong.
"Gusto kita hindi bilang kaibigan gusto kita bilang babae. Mahal na nga ata kita eh" pagamin niya.
Natulala ako sa kanya hindi ako makapaniwala. Sakin may magkakagusto hindi ako makapaniwala. Lalo na hindi ako naniniwala sa mga ganung bagay dahil na din sa nangyari sa buhay ko parang ang hirap paniwalaan na meron pang taong gugustuhin ako.
"Nagpapatawa ka ba?" tanong ko. Siya naman pagkalas niya sa yakap.
"Huh?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi mo ako dapat magustuhan" natatawa kong sabi.
"Gusto mo bang pagtawanan ka sa school dahil nagkagusto ka sa babaeng katulad ko. Ilang beses na muntik na rape tapos hindi lang yun ako ang dahilan kung bakit nagpakamatay ung mama ko dahil ni rape siya ng tatay ko. Ano sa tingin mo mangyayari satin? Pagtatawanan nila tayo. Madaming babae na nga kumausap sakin para layuan ka. Kaya wag ako hindi mo deserve ang katulad ko" hindi ko namamalayan umiiyak na pala ako.
"Wala akong pake sa iba. Ikaw ang mahalaga sakin hindi sila kaya please let me love you" sabi niya.
"Ayoko, Hindi ako papayag na lahat ng pinaghirapan mo ng dahil sakin—"
"Dahil mahal mo din ako" matapang niyang sabi.
"Hindi, Dahil kaibigan kita mahalaga ka sakin" sabi ko sabay iwas ng tingin ko.
"Kung ganun sabihin mo sakin ng diretso na hindi mo ako mahal. Tapos iiwasan na kita" sabi niya.
Mahal ko nga ba siya? Ayokong layuan niya ako kahit na gusto kong umiwas siya sakin siya lang ang tanong nagpakita sakin na ng malasakit. Dati pa tinutulungan na niya ako. Hindi ko alam naguguluhan pa ako sa mga bagay bagay pero ang alam ko ayokong lumayo siya sakin.
"Hindi kita mahal" pero hindi ako nakatingin sa kanya nakayuko ako.
"Tumingin ka sa mga mata ko saka mo ulit sabihin na hindi mo ako mahal" dahan dahan niyang inagat ang mukha ko.
Habang nakatingin ako sa mata niya hindi libog at pagnanasa ang nakikita ko kundi pagmamahal na kahit kailan hindi ko akalain na may magpaparamdam sakin. Kasi alam ko hindi ako nararapat na makaramdam ng ganun kasi hindi naman talaga.
"Hi-Hindi—" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinalikan na niya ako sa labi.
Hindi sabik. Hindi mapusok. Hindi uhaw. Kundi maingat at puno ng pagmamahal.
"Mahal kita" sabi niya pagkatapos niya akong halikan sa labi.
Umatras ako hindi ko alam ang gagawin pagkatapos niya akong halikan. Lungkot ang nakita ko sa mga mata ng makita niya akong umatras.
"Kahit na sinabi mong hindi mo ako mahal di ko makita dahil ramdam ko na mahal mo din ako. Kahit na hinalikan na kita ramdam ko pa din. Pero bakit hindi mo maamin na mahal mo din ako bakit pilit mong tinatanggi?" tanong niya sakin.
"Hindi kita mahal. Tanggapin mo na lang yun saka umalis ka na" sabi ko na lang.
"Paano ko tatanggapin? Na ung babaeng mahal ko sinasabing di ako mahal pero kitang kita naman na mahal niya din ako!" pasigaw niyang sabi.
"Bakit?! Bakit anong dahilan mo?!!" sigaw niya ulit.
"Kasi iiwan mo din ako tuwing nagpapakita ako ng emosyon kahit sa sinong tao sa bandang huli iiwan niyo din naman ako. Sarili ko lang ang kakampi ko sa mundong to. Wala akong ibang kakampi kung hindi sarili ko. Oo, Pwede kang mangako na hindi ako iiwan pero alam ko mangyayari pa din at iiwan mo pa din ako kasi ganun ang mundo walang permanente. Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao darating na iiwan mo din sila o pwede silang magsawa natulungan ka kasi ganun ang mundong to. Alam mo ang naranasan ko sa tingin mo hindi ako natatakot? Sobrang takot ako pero kailangan ko maging matatag kasi ako lang ang meron ako kung may mangyari sakin walang may pake kung mamatay man ako walang maghahanap sakin kaya kung pwede mas gusto kong walang taong malapit sakin kasi ayokong umasa na may tatanggap pa sakin. Kasi tanggap ko na walang gugustuhin na tanggapin ako sa buhay nila. Siguro nga mahal kita ng hindi ko na mamalayan kasi pinaramdam mo sakin may chance pang may tumanggap sakin sa pero ewan ko hindi ko kayang hayaan ung sarili kong magtiwala sa iyo dahil alam kong iiwan mo din naman ako oo ngayon nasa tabi kita pero darating di ung araw na iiwan mo ko kasi mapapagod ka sakin. Bakit ko pa hihintayin ang araw na yun kung ngayon pa lang pwede ko na iwasan ngayon pa lang" frustrated kong sabi.
"hindi mo man lang ba ako bibigyan ng chance. Hindi ako mangangako na hindi kita masasaktan at hindi kita iiwan pero mapapangako ko sayo na mamahalin naman kita ng buo. Kaya sana naman bigyan mo ko ng chance mapatunayan sayong mahal kita na totoo itong nararamdaman ko. di ko sasayangin ung chance na binigay mo sakin. Please give me a chance?" sabi niya saka lumapit sakin para yakapin ako.
"Mamahalin kita hanggang sa kaya ko. Di ako susuko kasi mahal kita" pahabol niya.
Sa buong buhay ko pakiramadam ko ngayon ko lang naramadaman na pwede pa talagang may taong mangailangan sakin pero bakit pakiramdam ko hindi pa din sapat na maging dahilan para hayaan ko ang sarili ko.
"ipatawarin mo ako pero hindi ko kaya" malungkot kong sabi sa kanya.
"pero mahal mo ko" naguguluhan niyang sabi.
"pwedeng oo mahal kita pero sa tingin mo ba totoong pagmamahal yang nararamdaman mo para sakin? hindi kaya dahil alam mo ang nangyayari sakin kaya mo ako gustong mahalin kasi alam mo na nakakaawa ako?" naiiyak kong sabi.
"hindi...hindi kita kinakaawaan totoo itong narararamdaman ko" pilit niyang pagpapaliwanag.
"naawa ka lang sakin. hindi mo talaga ako mahal" isa isang naglaglagan ang mga luha ko.
pinilit kong kumawala sa mga yakap niya pagkatapos ay tinulak ko siya.
"iwasan mo na ako. hindi makakabuti sayo ang mapalapit sakin. hindi mo deserve ang katulad ko" kitang kita ko ang bawat patak ng luha niya.
"umuwi ka na. baka nagaalala na ang mga magulang ko. mag-ingat ka" sabi ko pagkatapos kong isara ang pinto.
napasandal ako sa pintuan ko sobrang nanghihina ako alam kong yun ang dapat kong gawin yun ang tama ang walang kahit sino ang papasukin sa buhay ko. dahil gulo at paghihirap lang ang dulot ko sa kanila.