Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Sleeping Death

🇯🇵dralexuz
--
chs / week
--
NOT RATINGS
19.7k
Views
Synopsis
Her name is Hypneria and she's the girl with an extraordinary sleeping disorder. The girl who doesn't remember her childhood playmate, Lorenzo. Take a look at her story that is full of twist and turns.
VIEW MORE

Chapter 1 - Panimula

"Tagu-taguan tayo!!" masayang sambit ng isang bata.

"Chige-chige!! chinong taya? (Sige-sige!! Sinong taya?)" tanong naman ng isang anim na taon na batang bungi.

Nakatingin lang sa kanila si Hypneria sa may bintana. Gusto niyang sumali kaya lang baka hindi siya payagan ng kanyang ina. Napansin ng mga bata na may nagmamasid sa kanila.

"Ang ganda niya!!"

"Oo. Siya yata yung bagong lipat."

"Sasali ba iyan sa atin? Mukha namang anak mayaman."

"Batcha! Batcha! Chali ka cha amin. (Bata! Bata! Sali ka sa amin.)" pag-aaya ng bungi.

Nilibot naman ng tingin ng 5 taong batang babae ang paligid. 'Hindi naman yata ako papagalitan ni Ina kung makikipaglaro ako sa kanila ng isang oras. Sabi niya matatagalan pa naman yun sa pamimili ng ibang gamit sa kabilang bayan.' iyan ang nasa isip niya.

"Sige. Kaya lang di ako marunong." sabi ni Hypneria.

"Tuchuruan naman kitcha! (Tuturuan naman kita!)" sabi ng bungi. Agad naman na nagliwanag ang mga mata ni Hypneria sa narinig. Mabilis siyang pumunta sa labas ng kanilang bahay. Hindi naman maalis ng mga bata ang tingin sa tumatakbong magandang bata sa direksyon nila. Nagulat naman sila ng biglang madapa si Hypneria. Agad na tumulong ang batang lalaki na bungi.

"Batcha! Chulungan na kitcha!! (Bata! Tulungan na kita!!) " dahan-dahan niyang inalalayang tumayo si Hypneria.

"Salamat." pagpapasalamat niya at ngumiti sa batang bungi. Natulala naman ang batang lalaki dahil sa pagngiti sa kanya ng batang babae. Tila tumigil ang mga oras at ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Natakot naman siya sa kanyang naramdaman. Naisip niyang baka may sakit na siya sa puso.

"Bata... Bata! Oy!" tinapik-tapik ni Hypneria ang balikat ng batang lalaki.

"Ay.. Walyang anyuman! May machakit ba chayo? (Ay.. Walang anuman! May masakit ba sayo?)" tanong niya habang nakangiti kahit bungi sa batang babae.

"Ayos naman ako! Salamat ulit." Pumunta naman ang ibang bata sa lugar nila.

"Bata, ayos ka lang?"

"Nasugatan ka ba?"

"Tsk! Wala namang masakit sa kanya nakangiti na nga eh. Tara na maglaro tayo." masungit na sambit ng isang batang babae.

"Wag mo chilang panchinin! Chaya mo pa myaglalo? Acho pala chi Lolencho (Wag mo silang pansinin! Kaya mo pa maglaro? Ako pala si Lorenzo)." pagpapakilala ng bungi na bata na si Lorenzo. Bulol-bulol din kung magsalita ang batang Lorenzo pero hindi ito inintindi ni Neri. Nakaabot ang kanyang kanang kamay para makipagkamay sa magandang batang babae.

"Ako naman si Neri." inabot naman ni Hypneria ang kanyang isang kamay kay Lorenzo habang nakangiti.

------

Simula noon naging magkaibigan sila Lorenzo at Hypneria. Laging pumupunta araw-araw si Lorenzo sa harap ng bahay ni Neri. Hindi na siya sumasama sa mga kaibigan niyang makipaglaro dahil mas gugustuhin niya pang makita ang batang babae na nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Masaya silang nagkekwentuhan at naglalaro. Pero isang araw, nagulat na lang si Lorenzo na hindi na siya hinahabol ni Neri.

"Nyeri? Achan ka na? (Neri, Asan ka na?)" nag-aalala naman si Lorenzo habang hinahanap ang kanyang kalaro.

"Nyeri!! (Neri!!)"

"Nyeri!! (Neri!!)"

"Oy Nyeri!! (Oy Neri!!)"

"Nyeri, wag kyang manyakot!! (Neri, wag kang manakot!!")

Labis ang kanyang pagkagulat ng makita si Neri na nakahiga sa ilalim ng punong santol na walang malay.

"Nyeri!! (Neri!!)" naiiyak si Lorenzo dahil kahit anong tapik niya sa balikat ni Neri ay hindi ito nagigising.

"Nyeri nyaman eh!! Maglalalo pa tyayo!! (Neri naman eh!! Maglalaro pa tayo!!)" Pilit niyang pinupunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang mukha dahil ayaw niyang makita ng batang babae na umiiyak siya.

Kadadating lang ng mga magulang ni Neri na galing sa kabilang bayan ng oras na iyon. Napansin nila ang umiiyak na isang bata. Labis ang kanilang pagkagulat ng mapagtanto na ang nakahigang batang babae na hawak-hawak ng isang umiiyak na batang lalaki ay ang kanilang anak.

Agad nilang kinuha ang anak at dinala sa hospital. Samantalang, nakatulala namang nakatingin si Lorenzo sa direksyon kung saan huli silang nakita nito habang patuloy pa rin na tumutulo ang mga luha niya.

"Nyeri, hihintayin kitcha... (Neri, hihintayin kita...)"