Chereads / Sleeping Death / Chapter 4 - KABANATA I

Chapter 4 - KABANATA I

Sa isang hapag-kainan masayang naghahapunan ang pamilya ni Neri at ang pamilya Monteverdi.

"Neri, kamusta yung exam mo? Mahirap ba?" tanong ni Celia Monteverdi ang ina ni Joaquin.

"Ok lang naman po, Tita. Medyo mahirap pero na kaya ko naman pong masagutan." tipid na ngumiti si Neri.

"Ang swerte-swerte mo talaga sa anak mo, Diana. Sobrang ganda, sobrang bait at napakatalino!" papuri ni Celia. Tuwang-tuwa naman si Diana sa narinig.

"Ikaw nga din! Maswerte ka rin sa anak mong si Joaquin. Bukod sa matalino, mabait, masipag ay ubod ding gwapo!!" Bawi ng ina ni Neri na si Diana.

"Hahahaha! Bagay na bagay talaga ang mga anak natin!"

"Sinabi mo pa! Parang gusto ko na tuloy magka-apo!" sambit ni Diana.

"Ina.."pangtitigil ni Neri sa kanyang ina. Natawa naman si Celia sa reaksyon ng magandang dalaga. Napuno ng tawanan nila Diana at Celia ang hapagkainan habang seryosong nag-uusap tungkol sa negosyo ang mga ama nila Joaquin at Neri.

"Ang tagal naman dumating ng anak mo, Sandrino. Kanina pa kami naghihintay." biglang sambit ng ama ni Neri na si Don Raphael.

"Ano bang balita sa anak mo, Celia? Nakakahiya sa ating mga kaibigan at anak nila." bulong ni Sandrino sa asawa pero naririnig pa rin ng pamilya Montecarlos ang sinabi nito.

"Pagpasensyahan niyo na ang anak namin. Kinausap niya ako kanina na gagabihin siya dahil gagawa pa sila ng thesis ng mga kaklase niya. Pero baka malapit na ang batang iyon na dumating."

"Ok lang, Kumare. Ano ka ba! Hahahaa! Graduating na iyang anak mo! Kaya naiintindihan namin. At para din iyon sa kinabukasan ni Neri at Joaquin ang ginagawa niya."

"Tama! Tama! Tapos na kayong kumain? Tara na at may ipapakita ako sa inyo." nakahinga naman ng maluwag si Celia sa narinig. Agad na tumayo si Diana at inutusan niya si Neri na sumunod sa kanila ni Celia.

"Ano ba iyang ipapakita mo?" natutuwang tanong ni Diana. Pumunta sila sa may sala. Kinuha naman ni Celia ang mga nakatagong photo album ni Joaquin.

"Halika, Neri. Tingnan mo ang mga baby pictures ni Joaquin." Kinuha ni Celia ang kamay ng nahihiyang dalaga na si Neri.

"Wag ka ng mahiya, anak. Magiging asawa mo na si Joaquin kapag nakatapos ka na sa kolehiyo. Dalawang taon na lang malapit na ang inyong pag-iisang dib-" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil may bumusina na kotse sa labas.

"Senyora, dumating na po si Senyorito Joaquin." sabi ng isang katulong na lumapit kay Celia. Tumingin silang lahat sa direksyon ng malaking pintuan. Naghihintay sa pagdating ng ikalawang anak ng mga Monteverdi.