Napansin ni Joaquin ang isang magarang sasakyan na nakagarahe kasama ng ibang mga kotse ng kanyang mga magulang. Nagtataka siya kung may bisita ba na dumating o bagong sasakyan na naman ng kanyang mga magulang ang nakita. Ipinagkibit-balikat niya na lang ang mga katanungang iyon dahil malalaman din naman niya kapag nakapasok na siya sa loob ng kanilang mansyon.
Basang-basa ang kanyang damit dahil nakalimutan niyang magdala ng payong Pinagbuksan siya ng isang katulong ng pintuan. Kinuha naman ng isang guwardiya ang susi ng kanyang kotse para maayos itong i-garahe. Nakita niya ang mga magulang na nag-aabang sa kanyang pagdating sa sala kasama ng mga hindi pamilyar na tao na may magagarang damit.
"Anak, bakit basang-basa iyang damit mo? Hindi ka na naman nagdala ng payong. Aling Martha, kumuha ka nga ng isang tuwalya at sabihan si Aling Trinidad na magluto ng sopas para sa anak ko." agad naman na sumunod ang katulong.
"Maligo ka muna, Hijo. Baka magkasakit iyang anak mo Celia." sambit ng isang magandang ginang na si Diana.
"Bilisan mo, Joaquin. May ipapakilala pa kami mga importanteng tao sayo." utos ng kanyang ama.
"Opo, papa." bago siya umalis sandali niyang tiningnan ang mala-prinsesang binibini na kasama ng dalawang mag-asawang kasing-edad ng kanyang mga magulang.
Pagkatapos ng 10 minutos na paghihintay ay bumalik na si Joaquin sa may sala na bagong ligo. Nakita niya na nag-uusap ang mga matatanda habang tahimik naman ang dalaga. Napansin niya na may hawak-hawak itong isang litrato. Nagulat siya dahil ang tinitingnan ng dalaga ay ang kanyang mga baby pictures. Mabilis niyang kinuha ang photo album sa kamay nito. Nagulat naman ang dalaga sa biglaang pagkuha ng binata sa hawak-hawak niya kaninang photo album.
"Alam mo bang masama ang mangialam ng gamit ng iba?" namumula ang binata ngayon dahil naalala niyang halos lahat ng kanyang litrato noong bata pa siya ay nakahubad.
"Sorry. Binigay lang sa akin ng mam-"
"Joaquin, huwag mo ngang awayin si Neri." sabi ng kanyang papa.
"Pero Pa?!" Tiningnan niya ang kanyang papa at binalik ang tingin sa mukha ng dalaga. "Aaaiiish!!" napahilamos na lang siya sa mukha dahil sa hiya.
"Joaquin, ako ang nagbigay kay Neri ng photo album. Kaya wag mo siyang awayin." nakangiting pilya ang kanyang ina.
"Ma, diba pinasunog ko na ito sa isang katulong? Bakit nandito pa ito??" naiinis na tanong ni Joaquin sa kanyang ina.
"Hahahaha magic!!" tuwang-tuwang pang-iinis ni Celia. Natatawa naman sila Diana, Raphael at Neri sa mga nangyayari. Napahawak na lang si Sandrino sa kanyang noo. Sumasakit ang kanyang ulo sa mga kalokohan ng kanyang asawa.
Naiinis na nagwalk out si Joaquin. Pumunta siya sa may kusina. At nakita niya ang katulong na inutusan niya noon na sunugin ang photo album na pinagpapawisan at kinakabahan. Mabilis niyang pinuntahan ang katulong.
"Diba ikaw yung inutusan ko? Bakit nandito pa ito? Simpleng utos hindi mo magawa. Wala kang sweldo sa buwang ito. Kapag hindi mo na naman sinunod ang ipinag-uutos ko, maghanap ka na ng ibang trabaho." inabot niya ang kanyang photo album sa harap nito. Agad naman itong kinuha sa takot na mapagalitan ulit. Pumunta si Joaquin sa harap ng refrigerator at kumuha ng malamig na tubig.
Hindi alam ni Joaquin na kausap ng kanyang ina ang katulong.
"Huwag kang mag-alala, Ne-Ano nga pangalan mo?" tanong ni Celia sa katulong.
"Lenny po." sagot ng katulong habang nakayuko.
"Huwag kang mag-alala, Lenny. Ako bahala sa anak ko. Hindi ka mapapaalis. Akin na iyang photo album. Sayang naman yung mga memories kung susunugin. Dadagdagan ko yung sweldo mo. Dodoblehin ko." Nakangiti na sabi ni Celia sa katulong. Agad na inabot naman ng katulong ang photo album kay Celia dahil kinakailangan niya ngayon ng pera pampagamot sa kapatid niyang may sakit.
"Good!! Thank you, Lenny." patalon-talon na naglalakad naman si Celia dahil sa tuwa na mabawi ang photo album ng anak. Itinago niya ito sa isang vault at bumalik na siya papunta sa mga bisita sa sala.