Chereads / Ahava / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

"Basta! Magtiwala na lamang kayo sa akin. Magugustuhan ninyo din naman ito"

Yan ang eksaktong sinabi sa amin ni Bohan. Na siyang pinagsisihan namin ngayon.

"Ano ba ito Bohan? Pinaglololoko mo lang ata kami!" reklamo ni Devo kay Bohan.

"Wala ka na ata sa katinuan Bohan. Dinamay mo pa kami sa iyong kabaliwan!" pagaalburoto ni Cala.

"Hindi ko alam na aaaabot tayo sa ganitong sitwasyon Bohan." inis kong sabi.

"Hindi na sana kami nagtiwala sa iyo Bohan" pigil na galit ni Faron.

Sari-sari naming reklamo kay Bohan.Inis na inis na kami samantalang si Bohan ay puro tawa lamang ang ginagawa. Dahil ang nangyari ay binulabog niya ang aming pagtulog para lamang gawan niya kami ng kalokohan. Ang paglalagay sa aming mga mukha ng kolorete at puluputan ng mga halaman ang ilan sa mga bahagi ng aming mga katawan.

"Anong nangyayari dito Ahava?" agad naman kaming napatingin sa kakapasok lang na si Hydra. "Bakit ganiyan ang inyong mga itsura?" takang tanong nito.

Nagsalita naman si Bohan at sinabing "Mahal na Prinsesa Hydra nais naming pumunta sa lugar ng mga tao kaya naman nag-isip ako ng paraan para makatulong kay Prinsesa Ahava ngunit hindi niya ito nagustuhan."

"Hahahahaha napakaganda ng iyong naisip Bohan!" galak na sabi ni Hydra at kaming apat nila Devo, Faron at Cala ay napasimangot sa aming narinig mula kay Hydra.

"Oh bakit kayo nakasimangot dyan. Hindi ba nga ay dapat pa kayong magalak sapagkat natulungan kayo ni Bohan." sabi naman sa amin ni Hydra. Lahat na lamang kami ay napabuntong-hininga.

--------------------

"Ano ba ang kailangan nating makuha Ahava?" malambing na tanong sa akin ni Cala.

"Ang kailangan nating makuha ay mga kakailanganin sa mga putaheng ihahanda sa pagdiriwang at nandito iyon, nilista ko."

"Ang dami naman nito. Bakit ikaw pa ang nautusan ng Reyna eh sobrang dami nito." reklamo ni Devo.

"Kung puro ka reklamo ay wala tayong masisimulan Devo" pag-saway ni Faron kay Devo.

"'Wag na kayong magtalo pa. Tayo'y magsimula na sa paghahanap. At isa pa ay hindi lang naman tayo ang maghahanap ng ganito. Marami pa akong inutusan na maghahanap ng sangkap ng sa gayon ay mapadali at mapabilis ang ating trabaho." sabi ko pa bago magsimulang lumangoy.

Tumigil na sila sa pagtatalo at sumunod sa aking paghahanap

Matagal din bago matapos ang aming paghahanap ng sangkap dahil nagkaroon pa kami ng maraming paghinto sa aming mga ginagawa dahil sa mga kalokohang naiisip ni Bohan at ang isa pa doon ay ang paulit-ulit na pagrereklamo ni Devo.

"Sa wakas Mahal na Prinsesa natapos rin tayo sa ating paghahanap. Sobrang nananakit na ang aking katawan sa pagod." dagdag na reklamo ni Devo.

"Paanong hindi ka mapapagod eh maliban sa paggalaw ng katawan mo ay sumasabay din ang iyong bibig sa kakatalak sa amin ng iyong reklamo!" prankang sabi ni Faron dito.

"Ha-ha-ha-ha-ha Faron hindi ka pa nasanay kay Devo alimango. Hayaan mo na lamang siya at 'wag ng bigyang pansin pa." tila ba naaaliw pang sabi ni Bohan kay Faron ng makita ang naiiritang itsura nito.

"Ang dami niyo pang sinasabi diyan. Tara na at papunta pa tayo malapit sa dalampasigan." ani ni Cala.