Chereads / Ahava / Chapter 7 - CHAPTER 6

Chapter 7 - CHAPTER 6

"Lolo" tawag ko sa atensyon ng aking Lolo na nakatanaw sa bintana na kitang-kita ang malawak na dagat. Lagi na lang ginagawa ni Lolo Leon ito. Tumatanaw at malalim ang iniisip.

"....Salacia...." mahinang usal sa hangin ni Lolo.

Salacia? Who is she? He always murmur that name, Salacia.

"Lolo" muli kong tawag sa kaniya at doon lang niya ako nilingon. Marahan siyang kumilos dahil may tungkod na si Lolo. Kahit matanda si Lolo ay bakas pa rin ang pagiging magandang lalaki nito. Dahil nga sa katandaan ay puting-puti na ang buong buhok nito na noon ay brown. Kitang-kita rin ang mga linya nito sa noo. Kita rin ang mga laugh lines at wrinkles nito.

"Hijo!" magiliw na bati sa akin nito. "Mabuti at narito ka na." nakangiti akong nagmano sa kaniya.

"Halika samahan mo ako" pag-aya pa nito.

"Saan ho?" misteryosong ngumiti lamang ito at nanguna na sa paglalakad.

Nagtaka naman ako ng pagkalabas namin sa kwarto ay hindi kami dumiretso sa study room or sa office niya rito sa bahay bagkus ay lumabas kami sa rest house at tiyak kong balak puntahan ni Lolo ang dalampasigan kung kaya't sumunod pa rin ako kahit may pagtataka pa rin sa isip ko.

'Saan kaya patutungo ang Lolo?' sa isip-isip kong tanong.

Mula bata pa man ay close na close na kami ni Lolo. Siya ang numero unong sumuporta sa akin para magpatuloy sa pag-aaral ng scuba diving. Mula bata pa ay kasa-kasama ko siya sa tuwing pupunta siya rito para magbakasyon ngunit nang humadlang si Daddy sa kagustuhan niyang ako ang humalili sa kompanya ay naging abala ako roon kung kaya naman naging madalang na lamang ang pagpunta at pagsama ko kay Lolo rito sa isla. Pero dahil na rin sa bunso kong kapatid ay naging madali na kay Daddy na ipaubaya kay Lance.

"Lathan halika hijo" aya sa akin ni Lolo na samahan siyang pagmasdan ang kalmadong dagat.

"Matagal-tagal na rin nung nasa ganiyang edad mo ako. Hindi ko pa kilala ang Lola mo ng mga panahong iyon." panimula nito "May nobya ka na ba hijo? Eh may naging first love ka na ba?"

Umiling naman ako bilang sagot sa kaniyang tanong.

"Wala pa po Lolo. Alam ninyo namang ine-enjoy ko muna ang pagiging single. Bakit Lolo? What's with the question? I thought you're going to ask me some serious things then all of a sudden you became very curious with my love life?" I asked while looking at him with disbelief.

Tumawa naman ito ng malakas. "Oh hijo I'm just curious okay. I wanted to share my secret to you. Because I know that somehow you'll understand and hopefully believe me."

"About what?" I curiously asked the old man.

"Do you believe in Mermaids?" he asked with mysterious smile plaster on his face.

"C'mon Lolo that's nonsense! That's just for kids who loves fairytales!"

"Oh hijo you didn't answer my question. Again Lathan, do you believe in Mermaids?" this time he asked me with serious voice and serious face. Oh no! He's not kidding huh?

"I-ah..I don't know. But it's not even real Lolo. Sa tagal kong maging scuba diver ay ni minsan naman ay wala akong nakita sa ilalim ng dagat. Lolo naman ang tanda-tanda ninyo na para maniwala pa sa mga sirena. Kathang-isip lamang ho iyon Lolo."

Nakita ko na naman ang pagsilip ng misteryosong ngiti sa kaniyang labi.

"I met one hijo." ngiting sabi ni Lolo ngunit hindi ito umabot sa kaniyang mga mata. Puno ito ng lungkot kahit pa nakangiti ang labi nito. " Believe me they are not just pure imagination they're real...Before I met your grandmother, I met her first. My first love... Salacia."