Nagsimula na kaming lumangoy. At dahil medyo may kalapitan lamang ito sa aming kinaroroonan ay agad din naman kaming nakarating rito. Agad naman kaming nagtago sa lagi kong pinagtataguan. Ito ay malalaking bato na makakatulong sa amin para makapagtago.
"Ahava tignan mo ang sasaya nila!" sabi ni Cala.
"Oo nga. Kaya gustong-gusto kong nagpupunta rito kasama kayo!" masaya kong sabi at lahat naman sila ay nagsitanguhan sa. sinabi ko.
Maganda naman talaga ang tanawin dito sa mundong ibabaw. Ayon kay Salacia ay masasama daw ang mga Tao. Dahil naranasan na ng mga ninuno namin at pati na rin si Ama at nadulas siya at nasabi niya pati siya ay naranasan. Ngunit wala naman akong matandaan tungkol doon.
Masyado daw mapanakit, mapanghusga, mapangahas, at masyadong mapagmalabis sa lahat ng bagay. Hindi ko naman alam kung bakit ganon na lamang ang pagkagalit niya sa mga tao dahil sa nakikita ko naman ay may mabuting puso sila. Hindi man lahat pero alam kong meron. Masyado lamang sigurong nabulag ang aking kapatid sa kaniyang galit dahil sa ginawa ng mga tao sa aming Ama o marahil ay may iba pa siyang dahilan. Kung ano man iyon ay hindi ko na papakialaman pa. Baka mas lalo lamang siyang magalit.
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Salacia magmula ng mamatay ang aming Ama. Kung dati ay parang katulad din siya ni Hydra. Mabiro at masayahin. Ganun ba ka-grabe ang ginawa ng mga tao kay Ama?
Hindi alam ang sagot dahil wala ako ng mga panahong iyon. Nagkaroon kami ng paglalakbay nila Hydra at Aysu. Kung kaya't hindi ko alam ang pinagmulan noon. Ang paulit-ulit na sabi ni Ina ay walang-awang pinaslang ng mga Tao ang aming Ama. Ganun pa man ay hindi ako nagtanim ng galit pagkagat ayokong may mabigat akong dinadala sa aking puso. Mapagpatawad ang Diyos kaya gusto kong ako rin ay maging ganon.
Nakakapagtaka nga ang nangyari kay Ama pagkat hindi naman siyang masama bagkus ay napakabuti pa nga. Pantay-pantay lahat sa kaniya. Ang gusto niya ay patas ang lahat. Mapagmahal siya at hindi mapagmalupit. At higit sa lahat ay may mabuting pusong isang Ama.
"Ahava" tawag sa akin ni Cala. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako natulala dahil sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Kanina ka pa namin tinatawag" sabi naman ni Bohan na bakas ang pagaalala sa kaniyang mukha.
"Ah may naalala lamang ako. Ano ba iyon?"
"Hindi namin kilala ang isang iyon Ahava? Matagal na ba siya dito? Bago lamang sa akin ang itsura niya." sabi ni Cala.
Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Mula rito ay kita ko ang bulto ng isang lalaki. Nakatalikod siya sa amin at kausap niya ang mga matatanda roon na lagi kong nakikita. Napakaganda pangangatawan nito. Siguro ay magandang lalaki ito. Dahan naman itong lumingon sa kaniyang kanan kaya nakita ko na matangos ang ilong niya, may makakapal na kilay at mapula-pula ang labi.
Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa tumanaw na ito sa karagatan at doon ko nga napatunayan na isa nga siyang magandang lalaki. Ano nga ba ang tawag doon ng mga tao? Hmm. Pogi? Gwapo? Handsome? Ah tama! Yun nga!
Pinagmasdan ko ang kilos niya. Bahagya itong tumatango sa matatandang kausap marahil ay bilang pagsang-ayon. Napaka-gwapo niya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya kaya lang ay may narinig akong tikhim sa magkabilang gilid ko.
"Ehem" sabay na sabi nila Devo, Faron, Bohan at Cala. Tiyak kong alam nila na kanina ko pa pinagmamasdan ang makisig na binata. Para ba akong batang nahuli nila na may ginawang masama dahil sa mga tingin na binibigay nila sa akin.
"Ah...Magging a-ako ay h-hindi s-siya kilala Cala." nauutal kong sabi. Ngunit hindi pa rin nila inaalis ang ganoong Uri ng pagtingin sa akin. "A-ano ba! B-bakit kayo g-ganyan makatingin sa a-akin?"
Sabay-sabay naman silang umiling pero may kinukubling mga ngiti na hindi ko alam kung para saan.
"Tigilan ninyo nga ako" sabi ko na lamang.
"Wala naman kaming ginagawa Ahava" pakantang pang-aasar ni Bohan na may pagngisi pa.
"Oo nga naman Ahava" sabi ni Faron.
"Nako! Tigilan ninyo ako ha? Alam ko yang mga ngisi ninyong iyan" sabi ko ng may panunumbat pa dahil alam ko naman talaga na nang-aasar sila.
"Titigil na po Prinsesa Ahava" sabi pa nila.