Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Isla ng Hara Durye

🇵🇭Mielo
--
chs / week
--
NOT RATINGS
12.5k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Tao sa Ibang Mundo

May isang lalaki na nagngangalang Marco, anak-anakan ni Amanda at Armando. Ayon sa kanyang mga kinagisnang magulang ay nakita lamang nila ang binata sa isang bangka na palutang-lutang sa gitna ng dagat noong ito ay sanggol pa, kung saan talaga nagmula ang binata ay walang nakakaalam.

Lumaki si Marco na masipag, maunawain at matyaga. Hindi nagkulang ang mag-asawa sa pangangaral dito. Hindi man nakapasok sa paaralan ay marami itong alam lalo na sa paghahanap-buhay. Sa tuwing linggo ay sinasamahan nito ang ama upang mangisda.

"Mando! Huwag na lamang kayong tumuloy lalo pa't malakas ang ihip ng hangin mukhang bubuhos pa ang malakas na ulan. Tignan mo't nangingitim ang kalangitan" pagpipigil ni Amanda sa kanyang asawa, takot siya na baka may mangyari dito lalo na sa kanilang anak na hindi manlang natigil sa pagbibihis ng damit pangisda.

"Mahal, alam mo namang kailangan natin ng may maititinda upang meron parin tayong makain mamayang hapon" sagot ni Armando na agad namang sinangayunan ni Marco.

"Ano pa nga bang magagawa ko, alam ko namang talo ako pagdating sa inyong mag-ama" nagtawanan ang magkapamilya bago pa magpaalam ang mag-ama kay Amanda.

Tunay nga na malakas ang ihip ng hangin sapagkat nagagawa nitong gumawa ng malalakas na alon na humahampas sa bangkang ginamit ng mag-ama at sa iba pa nilang mga kasama.

"Marco, maging alerto ka" sabi ng ama sa anak na siya namang ginawa ni Marco. Nahihirapan man sila ay sinusubukan parin nilang manghuli kahit na kakaunti.

"Mando! mas mabuti pang bumalik nalang tayo sa ibang araw hindi maganda ang kutob ko" suhestiyon ni Nestor, isa rin sa mga mangingisda na pinsan ni Armando.

Kaya nagdesisyon ang mga ito na bumalik na sa pampang dala ang iilang isda na nakuha sa loob lamang ng kalahating oras nila sa dagat. Ngunit ng pabalik na sila ay tumama ang napakalakas na alon dahilan upang sumemplang ang bangka at mahulog sila, marunong ang lahat sa paglangoy pero dahil sa lakas ng alon ay nahihirapan silang makaahon. Nawala sa isip ng ama ang kanyang anak na sa panahon ding iyon ay nahihirapang labanan ang lakas ng alon na lumulunod sa kanya hanggang sa...

Marco's POV

Isang magandang babae ang aking nakikita, nakasuot siya ng gown na puti at may malalaking tenga kagaya sa mga dwende.

"Tao gumising ka, hindi ka na nararapat pang manatili dito" Hindi ko maiwasang mapansin na tila narinig ko ang kanyang sinasabi kahit hindi pa bumubukas ang kanyang bibig at ang ilaw sa kanyang noo noong siya'y nagsasalita.

"Sino ka?"

"Hindi mo na kailangang malaman ang aking ngalan ang mahalaga'y gumawa ka ng paraan upang makabalik sa iyong mundo lalo't nakikita ko na may masamang dulot ang iyong presensya sa isa sa aking mga pinakamamahal"

Pagkatapos ng kanyang sinabi ay agad akong nagmulat ng mata ramdam ang matinding sakit sa aking ilong. Isang alimango na may buntot ang aking nakita, napabalikwas ako at agad napatayo upang makalayo sa hindi matukoy na uri ng lamang-dagat na sumipit sa ilong ko. Sa oras ding 'yon ay napansin ko ang kakaibang tingkad ng kulay ng mga puno at halaman ganun narin ang kanilang mga bunga.

Ang swerte ko sapagkat kay yaman ng isla kung san ako napadpad ngunit kay malas ko at wala akong makita na kahit sino sa islang ito. Tama ang mala-diwatang nakita ko sa aking panaginip kinakailangan kong makagawa ng paraan upang makabalik sa mundo ko.

Teka, ibig sabihin nasa ibang mundo ako? Paano ako makakabalik kung ganon?