Hindi biro ang ginawa kong paglalakbay mula sa isla papunta sa kinaroroonan ng nakabibighaning palasyo. Kinailangan ko munang gumawa ng bangka at mangolekta ng mga prutas na kakainin ko sa paglalakbay mukhang napakalayo nito at aabutin ako ng ilang araw. Hindi ko maiwasang matakot dahil sa mga nagliliparang dragon kaya pati sa gabi ay hindi ako nakakatulog ng maayos.
Ito na ang pangatlong araw ng paglalayag at salamat sa diyos dahil nakaapak na ako sa lupa, hindi nga din ganun kasaya dahil malayo pa ang lalakarin ko para makarating sa palasyong gusto kong puntahan. Kung pumayang lang sana si Mira ay hindi na ako maghihirap pa baka noong isang araw pa ako nakatapak sa palasyo pero sige basta makuha ko ang susi ay titiisin ko na lang ang pagod.
Sinikap Kong bilisan ang paglalakad at diretso lang akong nakatitig sa kinaroroonan ng palasyo, hindi ko na inalintana pa kung may pader o punong nakaharang basta dirediretso lang ako.
"Teka taympers! Pagod nako mga beshies" hindi sa kalayuan ay narinig ko ang boses na iyon hindi pamilyar ang boses pero pamilyar ang pananalita. Isang tao! sa wakas! Agad akong nagtungo sa gawi roon at paunti-unting sumilip mula sa punong pinagtataguan ko.
Isang nakatalikod na babae na nakasuot ng parang kay Mira ngunit kulay asul naman ang sa babaeng to. Hindi kaya is a rin siyang diwata? Pero bakit parang tao siya magsalita? Pinagpatuloy ko lang ang pakikinig sa kanya at napagtanto ko na is a siyang diwata sapagkat nakakapagsalita siya ng ibang lenggwahe siguro'y napadpad na siya sa mundo namin noon.
"Hashte Madu Lu Siyehe, Hashte Madu Lu Siyehe, Hashaohhhh" hindi ko maintindihan ang kanyang inawit pero napakaganda ng kanyang boses at isa lang ang nangyari pagkatapos ng kanyang kanta tumilapon ang mga lalaki na kanyang kaharap na sa itsura nila ay parang mga gwardya sa mga napapanood kong palabas na may kaharian, mga kawal oo yun nga! Siguro ay kilala ng diwatang ito si Mira.
Agad sumugod ang dalawang kawal sa diwata ng makabangon ang mga ito sa pagkakatilapon pero bago Pa man makalapit ang mga ito ay bumuo ng mistulang hangin na bola sa dalawang palad ang diwata.
"Kwashemir Abtu!" idinirekta ng diwata ang bola ng hangin sa dalawang pasugod na kawal at natumba ang mga ito.
"Yes! Super duper Easy naman kayo mga kuya" nakakatuwa na marunong siyang magsalita ng lenggwahe ng mga tao
"Paumanhin Sang'gre Lira ngunit tapos na ang oras ng pagsasanay, ibinilin ng iyong ina na pagkatapos mo dito ay magtungo ka agad sa palasyo upang masaluhan mo sila sa pagkain" sabi ng isa pang babae. Tinawag niyang Sang'gre ang diwatang yon, ibig sabihin maaaring magkakilala sila ni Mira o magkapatid!
"Sang'gre nga siya!" bigla Kong hinawakan ang aking bibig ng marealize na napalakas ang aking pagkakasabi.
"Protektahan ang sang'gre!" Inilayo ng dalawang babae ang diwata at lumapit ang mga kawal sa kinaroroonan ko.
"Wait lang, teka!" narinig ko muli ang diwata na nagngangalang Lira. Ngunit sa isang iglap ay naramdaman ko nalang na may lumitaw sa aking likuran dinampot ako sa damit at hinila palapit sa mga kawal.
"Mahal na sang'gre lumayo ka sa nilalang na yan, hindi natin batid ang maaari niyang gawin sa iyo" sabi ng isang kawal kay Lira lero nanatili si Lira sa harap ko na tila sinusuri ang itsura ko.
"Ano ba kayo, isa siyang tao nakakalimutan niyo na ba na lumaki ako sa mundo nila?" Hindi parin ibinaba ng mga kawal ang mga spears na hawak nila tumingin si Lira sakin "Anong name mo? bat ka napunta dito? isa ka ba sa mga taong ligaw? Pero imposible yun kase nung natapos ang world war dito sa Muzan ay inihatid na ng aking Ina at mga Ahati ang mga taong ligaw" sa gitna ng kanyang pagiisip ay nagsalita na ako
"Ako si Marco, hindi ko alam kung pano ako napunta dito pero dalawang linggo na akong pagala-gala sa islang tinawag ni Mira na Isla ni Hara Durye"
"Si Mira? Pano mo nakilala ang pinsan ko? "
"Pinsan mo ang magandang diwatang nakita Kong umiiyak sa isla? Pero and tapang ng pinsan mo ha. Natutuwa ako na kilala mo ang diwatang nagugustuhan ko"
"Matalino atmatapang talaga ang pinsan ko, may lahi siyang Hazte pero kahit ganun namana naman niya ang puso at ganda ng appearance ng aming mga great great grandmother diwatas" kabaliktaran ni Mira itong si Lira. Palakaibigan, Palatawa at hindi nanunutok ng espada. Isang munting ngiti ang sumilay sa mukha ko ng maalala kung pano niya ako tutukan ng espada sa leeg mukhang magaling siya sa paggamit nun.
"Kabigha-bighani talaga ang ganda at tapang ng aking pinsan kaya hindi kita masisisi kung bakit tila deads kana sa kanya pero hindi ka dapat matuwa dahil ang isang araw dito ay katumbas ng Isang linggo sa mundo ninyo. Ibig sabihin mahigit tatlong buwan ka nang wala sa mundo niyo at dapat mong ikabahala yon dahil habang tumatagal ka dito ay tumatanda ka ng mabilis pero hindi mo namamalayan" naalerto ako sa sinabi niya maaaring nahihirapan na ang nanay ko sa pagkawala ko.
"Kung ganon ay matutulungan mo ba akong makumbinsi ang pinsan mo na ipahiram sakin ang susi ng Syesar?"
"Nagkakamali ka wala kay Mira ang susing iyon sapagkat noong natapos ang digmaan ay isinuko iyon sa isa sa aming mga kinikilalang bathaluman." mukhang hindi Pa niya alam ang ginawa ng pinsan niya.
"Nasa kanya iyon Sang'gre Lira, yon ang kinuha niya sa isla ng Hara Durye na tinatawag niyo"
"Kung ganon ay sumama ka sa amin, kapit ka sa isang kawal upang maisama kita sa paglaho bilis!"
Agad akong sumunod sa sinabi ni Lira at nakaramdam ako ng panghihina hanggang sa muli kaming lumitaw pero sa ibang lugar na isang malaking pintuan ang nakita ko sa aming likuran.
"Ito ang tahanan naming mga diwata, ito ang palasyo ng Ashmyan. Halika at ihaharap kita sa pinsan ko" hinawakan niya ulit ako at naulit ang panghihina hanggang sa muli kaming lumitaw at sa oras na ito ay muli Kong nakita ang diwatang hinahanap ng mga mata ko, si Mira.
"Beshy" tawag ni Lira sa pinsan pero imbes na ngiti ang isalubong niya ay ang talim ng kanyang espada sa mismong pagitan ng mga mata ko.
"Ashtadi anong ginagawa ng taong ito dito Lira! " at magkakasunod na lunok lang ang nagawa ko habang nagkakatitigan ang dalawa't naghihintay ng magandang rason ang diwatang hinahangaan ko.