Chereads / Isla ng Hara Durye / Chapter 2 - Mira

Chapter 2 - Mira

Mahigit isang linggo na ako sa isla ngunit hindi ko parin alam ang aking dapat gawin upang makabalik sa mundo ko. Sa mga araw na lumipas ay napagtanto ko na tama ang diwata sa aking panaginip hindi ito ang mundong kinalakhan ko.

Sa tulong ng mga puno ay nakagawa ako ng munting kubo buti na lamang at hinayaan ako ni tatay na sumama noong sila'y gumagawa ng kubong bahay nila aling Ester. Hindi na rin ako namomoblema sa pagkain dahil sagana ang isla sa iba't ibang prutas at isda naman sa nakapalibot na tubig sa isla. Nakakaawa nga lang ako dahil mahigit isang linggo na rin na tanging ang aking sarili lamang ang aking kausap.

"Bathalumang Mata! Nasan ka nagsusumamo ako kailangan kita" isang tinig ang aking narinig sa gawing kanan agad akong napatingin doon at nakita ko ang isang babae na naka-gown rin ngunit kulay pula ito. Uso pala ang magarbong kasuotan dito sa kanila.

"Bathaluman, Mata!" nagpatuloy ang babae sa paglalakad hanggang sa makalapit siya sa kinaroroonan ko na naging dahilan upang mapansin niya ako.

"Sino ka! Anong ginagawa mo sa isla ng aming ninunong diwata?! " Pagkasabi palang niya doon ay itinutok na niya sakin ang kanyang espada.

"Huminahon ka miss! Hindi ako kalaban. Tama ba ang rinig ko? Isa kang diwata?" namangha ako sa kanya lalo na ng tangayin ng hangin ang hood ng kanyang kasuotan. Napakaganda at matapang.

"Hindi lang basta diwata! Isa akong Sang'gre na may dugong Hazte! Ikaw sino ka magpakilala ka" lumapit ako upang abutin ang kanyang kamay ng mas lalo niyang idiin ang talim ng kanyang espada.

"Teka nakikilala ko ang iyong kasuotan, isa kang tao hindi ba?" Ibig bang sabihin ay nakapunta na siya sa aming mundo? Kung ganon ay matutulungan niya akong makabalik.

"Oo, kung alam mo na tao ako ibig sabihin alam mo na may sarili kaming mundo at alam mo kung saan o ano ang daan papunta doon? " bigla akong nakaramdam ng tuwa na nagkaroon ako ng pag-asang makabalik sa aking nanay at tatay. Masagana man ang isla ay sobrang nahihirapan na akong mag-isa.

"Batid ko ang paraan upang makatawid sa aming mundo papunta sa inyong mundo. Batid ko rin na kakailanganin mo ako upang makabalik roon ngunit kung makuha ko man ang susi ng Syesar ay hindi kita matutulungan" linampasan niya ako at nagpatuloy sa paghahanap sa bathalumang kanyang tinatawag pero bago pa siya makalayo ay hinili ko siya sa kamay.

"Nagmamakaawa ako diwata o kung ano mang tawag sa inyo pero nahihirapan na ako dito mag-isa" agad akong natigil sa pagsasalita ng bigla siyang sumingit

"Hindi ko batid kung pano ka napadpad sa Isla ni Hara Durye ngunit nakakasiguro akong may dahilan kung bakit kaya imbes na pigilan mo ako sa aking paghahanap ay humanap ka nalang ng solusyon sa iyong problema" hindi ko na siya pinigilan pa, pinagmasdan ko nalang ang maganda at ubod ng tapang na diwatang maglakad papalayo sa akin.

"Mira" nagulat ako ng marinig ko muli ang boses ng diwata sa aking panaginip. Tila tinatawag niyang Mira ang diwatang kanina lang ay nakaharap ko, ang ganda ng kanyang pangalan bagay na bagay sa kanya.

"Mata, nais kong hingin ang susi ng Syesar upang aking makitang muli ang aking pinakamamahal na batid mong wala dito sa ating mundo. Ilang Pagbilog ng Buwan na ang lumipas hindi ko na siya kanyang tiisin pa" bigla akong nakaramdam ng awa para kay Mira ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko na muling narinig ang boses ng Mata pero muling nagsalita si Mira.

"Hindi ako maniniwala hanggat hindi nakikita ng sarili kong mga mata" sabi niya at walang ano-ano'y biglang nagkaroon ng ilaw sa kanyang noo at mata pagkatapos ng ilang minuto ay napaupo nalang siya sa buhanginan agad siyang umiyak na parang batang nawalan ng candy.

Hindi ko alam pero bigla akong lumapit sa kanya tumigil nalang ako ng iharang niya ang espada, napansin ko ang paglitaw ng isang bilog na bagay sa kanyang palad agad niya itong hinawakan ng mahigpit at tsaka tumayo.

"Pare-parehas kayong mga tao! Kinasusuklaman ko kayo! " idiniin niya ang talim sa aking leeg at nararamdaman kong kunting diin pa ay mabubutasan na ang lalamunan ko.

"Nagkakamali ka huwag mo akong patayin" nakaramdam ako ng takot at tila nakita ko ang buong buhay ko sa loob lamang ng isang minuto.

"Huwag kang mabahala dahil hindi ako kasing sama ng nga ninuno kong Hazte" sabay baba niya sa espada at nagsimulang maglakad pabalik sa pinanggalingan niya kanina.

"Sandali, ano yang hawak mo?" napatingin siya sa kanyang hawak ngunit hindi siya humarap sakin.

"Ang susi ng Syesar, ang daan papunta sa inyong mundo" -Mira

"Maari ko bang mahiram iyan upang makabalik na ako sa mumdo ko kung ganon?" lumapit ako ng ilang hakbang pero

"Sheda! Tumigil ka. May mahalaga akong pakay sa mundo ng mga tao kayat kailangan ko rin ang susing ito"

"Bakit hindi nalang tayo magsabay total doon din naman ang punta ko" pangungulit ko sa diwata baka sakaling pagbigyan na niya ako

"Tanging mga may matatas na tungkulin lamang na pinuno o sino mang may hawak ng makakapangyarihang brilyante ang may kakayahang magdala ng isang hukbo sa lagusan. Isa lamang akong bagong sang'gre kung kaya't hindi ko magagawa ang iyong pakiusap"

"Ang ibig bang sabihin ng Hara ay Reyna?" Humarap siya sakin at tumango "Kung ganon ay pwede tayong humingi ng tulong sa nanay mo"

"Hindi 'yan maaari sapagkat tutol ang aking ina sa pagpunta ko sa mundo ng mga tao. Nais ko mang tulungan ka pero hindi maaari ang ninanais mo patawad" agad siyang tumakbo palayo kaya ko siya sinundan pero ng malapit ko na siyang abutan ay tumigil ito at bigla nalang naglaho.

Habol ko ang hininga ko ng tumigil ako sa pagtakbo, diwata nga si Mira naglaho nalang na parang bula. Tumingin ulit ako sa banda kung san siya naglaho at namangha sa aking nakita..

isang palasyo..

palasyo na walang kasing ganda.

dyan kaya nakatira si Mira at ang kanyang Ina?

Kung ganon ay kailangan kong magtungo sa mas nakatatandang diwata upang hingin mismo dito ang susing hawak ng kanyak anak.