Chapter 9 - Chapter 9

"Pwede ba sa susunod i-lock ang pinto o kaya maglagay ng "Do not disturb!" Nakangising sabi ni Rhian. Pulang pula ang mukha ni Lexi. Si Jake naman ay tumayo at bumalik sa kanyang upuan.

"Kuya, pahiram muna ng Sexitary mo ha?" Sabi ni Rhian. Kumunot naman ang ulo ni Jake. "Trabaho kuya, trabaho." Paliwanag ni Rhian. "Remember yung bata na kinunan mo kahapon?" Tanong ni Rhian na nakatingin kay Lexi. Tumango naman ang dalaga. "For admission na siya. Dengue positive. Ayaw niya magpalagay ng dextrose. Hinahanap ka niya." Sabi ni Rhian. Tumingin si Lexi kay Jake.

"Sasamahan kita." Sabi ni Jake. Tumaas naman ang kilay ni Rhian. "Aga-agang bakod naman kuya." Sabi ni Rhian. "Aray!" Sigaw ni Rhian dahil kinurot siya sa tagiliran ni Lexi. "Kuya oh, sinasaktan ako ng Sexitary mo." Nakangiting sabi ni Rhian. Iiling-iling naman si Jake sa panunukso ng kapatid. "Tara na nga at baka mabugbog pa ko dito." Sabi ni Rhian at naunang lumabas.

"Sige na anak, palagay ka na ng dextrose. Kailangan mo yun para gumaling ka na." Sabi ng ina ni Aira. "Ayoko po, gusto ko kay Ate Lexi." Sabi ng bata. Bumuntong hininga ang ina. "Hayaan n'yo na po Mommy, papunta na din po si Ma'am Lexi." Sabi ng ER nurse. "Pasensya na kayo ha. Takot talaga siya sa karayom. Kay Lexi lang talaga siya naging kampante." Sabi ng babae. "Ok lang po. Walang problema." Sagot ng ER nurse.

"Ate Lexi!" Masayang sabi ni Aira pagkakita sa dalaga. "Hi! Anong nangyari?" Tanong ni Lexi na lumapit at niyakap si Aira. Magaan ang loob niya dito. Siguro ay naghahanap siya ng bunsong kapatid kaya malapit siya sa mga bata. "Hindi nawala ang lagnat ko saka mas sumakit pa ang ulo pati tiyan ko." Sabi ni Aira. "Bakit ayaw mo magpalagay ng dextrose sa kanila eh kailangan mo yun?" Tanong ni Lexi. "Gusto ko ikaw maglagay Ate." Sabi ni Lexi.

Nang pumasok si Rhian at Jake sa loob ng ER ay nagulat ang lahat. Madalang mangyari ang ganito. Ang OIC at ang VP ay nasa department nila. "Morning OIC, Ma'am Rhian." Sabay-sabay na sabi nila. Pati si Shane ay nagtaka din ng makita ang dalawa lalo na si Jake. Tumayo lang si Jake sa may pinto ng ER samantalang naupo naman si Rhian sa waiting area.

"Hindi ko kaya ang ginagawa ng mga nurses dito. Tagakuha ako ng dugo. Sila tagabigau ng gamot at yung gamot ay dadaan sa dextrose na sila din ang magkakabit." Paliwanag ni Lexi. "Nanatakot ako Ate." Sabi ni Aira na maiiyak na. "Nandiyan naman si Mommy mo oh." Turo ni Lexi sa ina ni Aira. "Ganito na lang, hahawakan na lang kita, ok ba yun?" Sabi ni Lexi. Tumango naman si Aira.

Nagsignal si Lexi sa ER nurse at nilagyan na si Aira ng dextrose. "Oh, di ba, ang tapang mo na!" Nakangiting sabi ni Lexi. "Salamat ha." Sabi ng ina ni Aira. "Wala po yun." Sagot ni Lexi.

Nakikita ni Jake na kahit busy sa pagsusulat sa chart si Shane ay tinitingnan pa din nito si Lexi paminsan minsan at naiinis siya. Kinalabit naman siya ni Rhian at ngumisi pa ito. Nilapitan na niya si Lexi. "Tapos ka na? Balik na tayo sa opisina." Sabi ni Jake. Tumingin sa kanya si Aira.

"Sino siya Ate?" Tanong ni Aira. "Ah, siya si Kuya Jake, boss ko." Sagot ni Lexi. "Hi, Kuya Boss." Sabi ni Aira. "Hello." Sagot naman ni Jake na nakangiti dahil sa tawag sa kanya ni Aira. "Ate, dalawin mo ko sa room ko ha?" Sabi ni Aira. "Pagpinayagan ako ni Boss." Nakangiting sabi ni Lexi. "Kuya Boss, payagan mo si Ate ha?" Sabi ni Aira. "Basta kasama ako, pwede ba?" Tanong ni Jake. "Ok po." Sagot ni Aira.

Hinawakan na ni Jake and bewang ni Lexi na ikinapitlag ng dalaga at inalalayan na palabas ng ER. Nagkatinginan ang mga staff na may mga tanong sa mukha. Si Shane naman ay kumunot ang noo lalo na at tumingin sa kanya si Jake na parang sinasabing "Back off, she's mine!" Si Rhian naman ay nangiti sa ginawa ng kuya niya. "Nice move, kuya." Sabi nito sa isip at sumunod na sa dalawa.

Dahil ang ER ay nasa unahan, madadaanan nito ang Pharmacy, Accounting, Laboratory, at ang X-ray room. Kaya ng dumaan sila Jake na nakahawak sa bewang ni Lexi ay kumunot ang mga noo nila ngunit ng makita si Rhian na pinagdidikit ang dalawang hintuturo ay saka nila naintindihan ang sitwasyon. "Patay ako nito pagnalaman ni Ate na ginawan ko siya ng tsismis." Bulong ni Rhian sa sarili.

Pagdating nila sa pinto ng opisina ni Jake ay biglang tinanggal ni Lexi ang kamay ng binata sa bewang niya. Tiningnan niya ng masama ang binata pero isang nakakalokony ngiti ang ibinigay nito sa kanya saka pumasok na sa loob. Inumangan naman niya ito ng suntok pero binawi ng lumingon ang binata sa kanya. Natatawa naman si Rhian na nasa likod lamang ng dalawa.

Nagdaan ang buong tanghali na di namalayan ng dalawa. Naging abala sila sa mga dokumento at papeles ng ospital na kailangan ayusin. "Anong balak n'yong dalawa?" Nagulat silang pareho ng madinig ang boses ni Rhian. "Bakit na naman?" Tanong ni Jake. "Oi, kuya, huwag mo ngang idamay si Ate sa pagiging workaholic mo. Aba, pass 12 na oh. Wala pa kayong balak maglunch?" Tanong ni Rhian.

"Oo nga naman Dre, wag mong gutumin ang

First Lady ng Skylab." Nakangiting sabi ni Anthony na kakapasok lang sa opisina. Kumunot ang noo ng dalawa. "Paktay!" Bulong ni Rhian. "Hindi ninyo alam?" Tanong ni Anthony. "Ang alin?" Nagtatakang tanong ni Jake. "Dre, hot issue kayong dalawa sa buong hospital!" Sabi ni Anthony. Lalong kumunot ang noo ng dalawa.

"Ah, mauuna na ako sa canteen." Sabi ni Rhian pero bago pa siya makalabas ay nagsalita na ang kuya niya. "No, you stay." Sabi nito at tumayo sa upuan. Tumabi ang binata sa sopa kung saan nakaupo si Lexi. Naupo na din si Anthony at Rhian sa sopa na nakaharap sa dalawa.

"Anong ibig mong sabihin Dre?" Takang tanong ni Jake. "Dre naman, sino bang may sabi sayo na maglakad ka mula ER hanggang dito sa opisina mo na hawak si Lexi na akala mo may aagaw sa kanya? Siyempre lahat ng makakakita ay magtatanong. Siyempre, to the rescue ang iba diyan." Sabi ni Anthony na nakatingin kay Rhian. Naguguluhan naman si Lexi sa mga sinasabi ni Anthony. "Sir Anthony, pwede po paki-elaborate." Sabi ni Lexi. "Anthony na lang. Well, you and this man are rumored that you're in a relationship." Sabi ni Anthony. Nanlaki ang mata ni Lexi.

"Pero hindi naman kami. Sino ang nagsabi na may relasyon kami?" Tanong ni Lexi. Tumingin si Anthony kay Rhian na nagkukunwaring nagbabasa ng mga papers. "Rhian de Castro!" Seryosong sabi ni Lexi. Nangiti naman si Jake at Anthony sa tono ni Lexi.

"Peace, Ate." Sabi ni Rhian na nakasign pa ng peace ang kamay. "Anong kalokohan ang ginawa mo?" Tanong ni Lexi. "Wala naman." Sagot ni Rhian. "Check your monitor." Sabi ni Anthony na ang tinutukoy ay ang monitor ng CCTV ng buong hospital. Inumangan naman ng suntok ni Rhian si Anthony at isang malakas na tawa lang ang sinagot ng binata. Tumayo naman si Jake at sumunod si Lexi. Tiningnan ni Jake ang CCTV monitor at ni-rewind. Nangiti si Jake sa nakita na ginawa ng kapatid. Nainis naman si Lexi at pinalo ang balikat ng binata. Tumingin naman ng seryoso si Jake sa dalaga.

"Sorry, Sir." Sabi ni Lexi ng maisip na boss niya ang pinalo niya pero nagulat siya ng tumayo ito at humarap sa kanya. "Ano nga ang tawag mo sa akin?" Tanong ni Jake habang palapit sa mukha ni Lexi. Natatawa naman sila Anthony at Rhian sa nakikita sa dalawa. "Jake! Jake!" Sigaw ni Lexi ng malapit na malapit na sa mukha niya ang mukha ng binata. Ngumiti si Jake at hinalikan ang noo ng dalaga. Nagulat at namula naman si Lexi. Kinikilig naman si Rhian. Nakangising iiling-iling naman si Anthony.