Sinipat ni Alyssa ang suot na relo. 1:30 pa lang ng hapon.Niyaya niya ang kaibigan na pumunta ng harden para doon mag palipas ng oras.Yong ibang mga girls mas minabuti na mag pahinga sa kani-kanilang silid.
" Hindi mainit doon?" tanong sa kanya ni Maggie.
"Mukhang hindi naman,kita mo naman ang daming malalaking puno ang nakapaligid dito sa Mansyon." Sagot ni Alyssa.Tumayo ang dalaga.Kasalukuyan kasing nasa kusina pa din sila nakaupo habang nag kukwentuhan.
" Ikaw Daisy gusto mo sumama?" Tanong naman ni Alyssa sa bagong kaibigan.
" Kayo na lang siguro medyo inaantok kase ako subukan ko muna umidlip,"sagot nito.Tumayo ito at nag paalam sa kanilang mag kaibigan.
" Samahan kita!" boses mula sa likuran ni Alyssa.
Napalingon si Alyssa sa nagsalita.Si Carlos ang nakita niya nakatayo ito sa gilid ng pintuan ng kusina.Nakilala nila ito kanina habang kumakain sila ng tanghalian.May Hitsura ang lalaki,may pag ka tisoy kahit na ang sabi nito ay purong pinoy ang parents nito.Matangkad at maganda ang built ng katawan.Lumakad ang binata palapit sa kinaroroonan ng mag kaibigan.
" Wala kasi akong makausap,yong ibang boys naman nasa kwarto umidlip muna."Sabi nito lumapit ito sa kanya.
" Mukhang nangangamoy pag - ibig dito,"mahinang sabi ni Maggie na hindi naman nakaligtas sa pang dinig ni Alyssa.Pakiramdam ni Alyssa uminit ang magkabilang pisngi niya.In short nag blush siya sa sinabi ng kaibigan.Nandidilat ang mga mata na sinaway ni Alyssa ang kaibigan.
"Umayos ka diyan,"bulong ni Alyssa sa kaibigan.At pasimpleng kinurot ito sa tagiliran ng bewang.
"Ouch!" reklamo nito habang hinuhuli ang kamay niya.
"Ano girls pupunta ba kayo sa harden?"Tanong sa kanila ng binata.
" Papunta nga kami doon ni Maggie," simpleng sagot niya.Hinawakan niya ang dalawang braso ng kaibigan at hinila ito patayo.
''Shall we?"Nakangiting anyaya ng binata ngumiti pa ito ng kay tamis kaya lumabas ang mapuputi nitong ngipin na lalong ikinadadag ng pogi points nito.Napalunok siya ng laway.Sa dinami dami ng nakakasalamuha niyang lalaki pero dito lang kay Carlos siya nakaramdam ng kakaiba.Kinikilig siya tuwing ngumingiti ito,kumakabog ang kanyang dibdib naramdaman ni alyssa ang pag hawak ng kaibigan sa ilalim ng baba niya.
" Ang laway baka tumulo,masyado kang halata!"Biro ni Maggie sa kanya at nauna ng lumabas ng kusina naiwan silang dalawa ni Carlos.
" T-tara na,"utal na sabi ni Alyssa,nahihiya siyang tumingin sa binata.
Sabay na nag lakad palabas ng kusina si Alyssa at Carlos nasa unahan naman nila si Maggie na panay ang selfie bawat madaanan kinukuhanan ng picture.
Naupo sa bench ang tatlo.Maganda ang harden ,maraming mga ibat - ibang halaman may mga ibat ibang uri ng bulaklak may malaki may maliit at ibat ibang kulay.
''Hmmmmmm....." Sumamyo si Alyssa ng sariwang hangin." Ang sarap dito ang fresh ng air at ang bango pa ng mga bulaklak."
"Oo nga girl,"sagot ni Maggie at muli itong nag selfie kasama ng mga magagandang bulaklak.
"Saan nga pala kayo sa manila?" Tanong ni Carlos kay Alyssa.
" Taga bicutan kami,iisang lugar lang kami ni Maggie pero hindi mag kalapit ang mga bahay namin," sagot ni Alyssa medyo naiilang ang dalaga everytime na ngumingiti ang binata.
"Ikaw taga saan ka?"Si Alyssa naman ang nag tanong na hindi dito tumitingin,kunwari nililibang niya ang sarili sa pag hawak ng mga bulaklak.
"Taga Cavite ako." Sagot ng binata."Pero sa manila ako nag aaral ng college."
Nag kwento pa ito tungkol sa family nito,broken family daw sila parehong may ibang pamilya na ang parents nito kaya mas minabuti nalang daw nito na tumira sa lola nito.Nakaramdam ng lungkot si Alyssa para kay Carlos.
" Sorry ha!" anya.
Ngumiti ang binata sa kanya. " Okay lang ako,broken family lang ako pero may lola naman akong mahal na mahal ako."Sabi pa nito."Kahit naman may sariling family na ang mga parents ko suportado pa din naman nila ako,katunayan nga kina mama ako nag e stay habang nag aaral,pag weekend naman umuuwi ako ng cavite." mahabang paliwanag nito.
" Ako naman only daughter lang ako," simula ni Alyssa ." Okay naman ang parents ko kaso lagi silang busy sa work kaya itong si Maggie na bestfriend ko ang laging kasama ko." kwento niya.
"Wala pang boyfriend yan,since birth."Sabat naman ni Maggie.
Dinampot ni Alyssa ang isang tsinelas niya at ipinukol sa kaibigan,nakailag naman ito.
" Pag pasensyahan mo na si Maggie ha,ganyan talaga yan palabiro." Nahihiyang sabi niya sa binata.Ngumiti ito at umayos ng upo.
" Walang boyfriend,pero may nanliligaw?" Seryosong tanong ng binata,tumingin ito ng deretso sa mga mata ng dalaga.Umiwas naman ng tingin dito si Alyssa.
Pakiramdam ni Alyssa umiinit ang puwet niya sa oras na iyon naiilang siya sa mga titig ng binata kung may powers nga lang siya na pwedeng mag laho baka kanina pa siya wala sa harapan nito.
"Wala." tipid niyang sagot.
"Uuuuyyy...bagay sila!"Tukso ni Maggie sa dalawa
" Gusto ko ang friendship ninyo,masaya kayong tignan."
" Mag kababata kase kami niyan,"Aniya" Para na nga kaming mag kapatid,"
" To be honest Alyssa,the first time i saw you..i like you!" deretsahang sabi ng binata.Natulalang napatingin dito si Alyssa..
I like you daw? ulit ni Alyssa sa sarili.I like you pa lang ang sinabi nito pero pakiramdam niya may mga butteryfly na nag liliparan sa loob ng dibdib niya.
"Oh my gosh! oh my gosh!" bulalas ni Maggie na halatang tuwang tuwa sa narinig na sinabi ni Carlos.
"I-i like you..t-to be my friend.Alyssa!" sabi ni Carlos.Pero ang totoo gusto ng sabihin ng binata na,na love at first sight siya sa dalaga.Mas minabuti na lamang na ilihim na muna niya ang nararamdaman para dito lalo na at ngayon pa lang sila nag kakilala.Gusto niya munang maging kaibigan ang dalaga nasa stage pa lang sila na getting to know each other.
Yong kaba na naramdaman ni Alyssa napalitan ng pag ka dismaya sa narinig.Gusto lang pala siya nito na maging kaibigan,masyado lang advance ang pakiramdam nya.Lihim na natatawa sa sarili si Alyssa. Assuming,, Tukoy niya sa sarili.
"Naku,sa pagkakaibigan nag sisimula ang love." muling hirit ni Maggie.
Inilahad ni Carlos ang kanang kamay sa dalaga.
"Friends?" Tanong nito sa dalaga. Agad naman na inabot ni Alyssa ang kamay nito.Nag shake hands ang dalawa bilang pag tanggap sa isat-isa,bilang mag kaibigan.
"Friends!" Nakangiting sagot ni Alyssa.Pakiramdam ng dalaga may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya ng maki pag shake hands siya sa binata.Nalilito man sa nararamdaman ang dalaga pinilit pa din niyang kumilos ng normal.
Lumapit si Maggie sa binata naki pag kamay din ito . Mabilis naman na nakapag palagayan ng loob ng mag kaibigan ang binata.Saglit lang napuno na ng tawanan ang harden,panay kase ang kwento ng binata ng mga nakakatawa sabayan pa ng kaibigan niyang si Maggie na kwela din.
"Alas tres na pala," sambit ni Alyssa,ng makita ang oras sa suot na relo. " Tara na pumasok na tayo sa loob." Anyaya niya sa dalawa.
Tumayo na din sina Carlos at Maggie.Panay pa din ang kwentuhan ng tatlo habang nag lalakad papasok ng mansyon.Umakyat sila sa Tatlong palapag ng mansyon,naandoon na din ang mga kasama nila nag sisimula na ang mga itong gumuhit.Tinungo na din ng mag kaibigan na Alyssa at Maggie ang pwesto.Bago mag simulang gumuhit si Alyssa lihim niyang sinulyapan si Carlos na hindi naman kalayuan sa pwesto niya.Nag tama ang paningin nilang dalawa,nahihiyang binawi ni Alyssa ang paningin samantalang lihim naman na napapangiti ang binata.
" Pogi niya ano?"Tanong ni Maggie sa kanya,hindi niya namalayan ang pag lapit nito sa kanya.
"Sino?''patay malisyang tanong niya dito kahit alam niyang si Carlos ang tinutukoy nito.
"Kunwari ka pa,"sagot nito." Ngayon lang kitang nakita na nag kainterest sa lalaki girl,"
Mabilis ang pag lingon niya dito. " Interested agad,di ba pwedeng nababaitan lang ako sa kanya."
" Denial ka pa diyan,"Tukso nito sa kanya.
" Bumalik ka na nga sa pwesto mo,"pag tataboy ni Alyssa sa kaibigan.
"Uuuyyy,pumapag ibig na ang bestfriend ko,"pabulong na tukso nito sa kanya.
"Tantanan mo nga ako,"Sabay tulak papalayo sa kaibigan.Naririnig pa ni Alyssa na bumubulong -bulong pa ang kaibigan habang naglalakad patungo sa pwesto nito.Nag simula na din gumuhit si Alyssa.