Chereads / Wala na po ito / Chapter 3 - Chapter 2 -Ang Lihim Ng Mga Larawan 8

Chapter 3 - Chapter 2 -Ang Lihim Ng Mga Larawan 8

Umaga  day 2.... Nasa hapag kainan na ang mga estudyante bukod kina Sofia at Miguel,hindi maiwasan mag tanong ng bawat isa kong nasaan ang dalawa.

" Nasan na nga ba sina Miguel at Sofia?" Tanong ni Mr.Calixto sa mga estudyante .Kung pag mamasdan ang pintor mukha din itong walang alam sa pag kawala ng dalawa,hindi kahit sino man iisipin na may kinalaman siya sa pagkawala ng mga ito. " Noel,diba naiwan kayo sa sala kagabi.Hindi niyo ba napansin yong dalawa na mag kasama?" Tanong pa ng pintor sa dalawang binata bago humigop ng mainit na kape.

Nag palitan ng tingin sina Carlos at Noel.

" Kasama po namin si Miguel kagabe ,Sir." Si carlos ang sumagot.

" Tama po si Carlos,pero iniwan niya kami ng makita niya si Sofia.Nakita pa po namin na dito sila sa kusina pumunta." sagot naman ni Noel.

Tumango-tango ang pintor. " Ano ba ang ginawa nila dito kagabi?" muling tanong ng pintor.

" Hindi po namin alam Sir,basta ang alam namin dito lang sila sa kusina kagabi.Inantay pa nga po namin yong dalawa na lumabas mula dito sa kusina pero hindi namin sila nakitang lumabas.Hinayaan nalang din namin ni Carlos nauna na kaming umakyat ng kwarto,"

" Wala ang mga gamit ni Sofia sa kwarto," Sabad naman ni Dianna.

" Wala din ang mga gamit ni Miguel," Sabi naman ni Carlos,bago sumubo ng pagkain.

Samantalang sina Alyssa at Maggie panay ang palitan ng tingin.Blanko din ang kanilang mga isip sa pag kawala ng dalawang kasama.Halata naman nila na parang may gusto sa isat-isa ang dalawa pero hindi naman siguro maiisipan ng mga ito na mag tanan.Nabulunan siya sa huling naisip kaya agad na inabot ni Alyssa ang baso na may laman na tubig.

" Okay ka lang?" Nag aalalang tanong sa kanya ng kaibigan na si Maggie. " Dahan -dahan lang kase ang subo girl,maraming pagkain oh," biro pa nito sa kanya.Inirapan naman ni Alyssa ang kaibigan.

" Tapusin na muna ninyo ang pagkain,tapos mamya mag tulungan kayo na hanapin ang mga kasama ninyo.Baka naandito lang ang mga iyon ,baka nakatulog lang sa kung saan." Mahabang sabi ng pintor. " Uutasan ko na lang din si Mang Nestor na pumunta ng bayan para mag tanong doon baka namasyal lang yon'g dalawa." dugtong pa nito.

Sumang ayon naman ang lahat,magana pa din silang nag almusal.Pag katapus mag agahan nag simula na ngang mag hanap ang mga ito sa dalawang kasama.Ngunit nilibot na nila ang buong paligid ng mansyon pero ni anino ng mga ito hindi nila nakita.

Sa kanyang silid .. mahigpit na hawak ni Calixto ang dalawang aparato na kung tawagin ay celphone.Pag mamay - ari ito ng dalawang nawawalang estudyante.Una nitong pinakialaman ang celphone  ni Sofia nakita niyang madami ng call at messages para dito na galing din mismo sa mga kasama nito sa mansyon.Binasa nito ang isang mensahe, galing ito kay Dianna ang kasama nito sa kwarto.

Sofia nasan ba kayo ni Miguel? Kanina pa namin kayo hinahanap! ito  ang  isa sa mga mensahe na nabasa ng pintor.Kinuha niya ang salamin sa mata na nasa loob ng drawer ng tukador,at nang makuha ito ay agad na isinuot. Sinagot niya ang mensahe na galing kay Dianna nag panggap siya bilang si Sofia.

Kasama ko si Miguel umalis kami kanina madaling araw,sumama ako sa kanya na pumunta ng bayan taga dito daw kase isa sa mga kaibigan niya.Biglaan kase kaya di na kami nakapag paalam. Pakiusap pakihingi nalang kami ng paumanhin kay sir calixto. Pag ka send  agad na ini-off nito ang celphone ni Sofia.Ang celphone naman ni Miguel ang pinag tuunan nito ng pansin.Marami na din itong mga mensaheng natanggap galing sa mga kasama sa mansyon.Ang mensahe ni Noel ang binasa nito.

Bro,saan ka na ba dinala ng pag nanasa mo kay Sofia? Kanina pa namin kayo hinahanap! Mag pakita na kayo. Ito ang bagong mensahe na galing kay Noel agad naman na nag reply ang Pintor nag panggap ulit siya bilang si Miguel naman.

Bro,pasensya na kayo sa naging abala namin ni Sofia may biglaan lakad kase kami,nalaman ko kase kagabe na taga dito pala ang isa sa mga kaibigan ko.Ang tagal ko na kase na hindi siya nakita kaya nag pasundo kami kaninang madaling araw.Ikaw na bahala mag paliwanag kay sir at sa ibang kasama natin.Salamat,bro! Agad na din na ini-off ng pintor ang celphone ni Miguel.Itinapon ng pintor ang mga celphone sa trashcan na nasa loob ng kwarto nito malapit sa pintuan.Nautusan na din niya ang katiwala na sunugin ang mga gamit ng dalawang biktima sinamantala nito na tulog ang mga estudyante sinigurado niyang walang bakas ng dalawa ang makikita ng mga kasama nito.Tumayo si Calixto,nakapamulsang nag lakad papuntang bintana,bahagya niyang hinawi ang makapal na kurtina.Buhat sa bintana ng kanyang kwarto nakikita niya ang ilang mga estudyante na nag hahanap at isinisigaw ang pangalan ng dalawang biktima.

Sige lang,mag hanap kayo sa wala !    bulong ni Calixto sa sarili.Tila natutuwa pa ito sa nakikitang pag pupursige ng mga estudyante na mahanap ang mga kasama.

Kasalukuyan na nasa harden ang mga estudyante patuloy na nag hahanap sa nawalang dalawang kasama.

" Sofia.....!" sigaw ni Dianna sa pangalan ng kaibigan. " S--so-" Natigil sa pag sigaw si Dianna ng maramdaman na nag ba vibrate ang celphone nito na nakasuksok sa bulsa ng suot na maong short.Agad naman nitong dinukot ang celphone at ini-on ang screen.

" Sofia!" bulalas nito ng mapag sino ang may ari ng natanggap na mensahe.Agad na sinenyasan nito ang mga kasama. " Nag message si Sofia!" sigaw ni Dianna.Mabilis naman na lumapit sa dalaga ang mga kasama.

" Anong sabi?" Tanong ni Maureen habang nag pupunas ng pawis sa noo gamit ang mga kamay.

" Wait,babasahin ko," sagot ni Dianna.Binuksan nito ang mensahe na galing kay Sofia at sinimulan'g basahin.

Kasama ko si Miguel umalis kami kanina madaling araw,sumama ako sa kanya na pumunta ng bayan taga dito daw kase isa sa mga kaibigan niya.Biglaan kase kaya di na kami nakapag paalam. Pakiusap pakihingi nalang kami ng paumanhin kay sir calixto. Ito ang mensahe na nabasa ni Dianna.

" Hindi man lang niya tayo ginising para makapag paalam saatin." reklamo ni Maureen. Isa din kase ito sa mga ka room mate ni Sofia. " Pinag alala pa tayong lahat." dugtong nito sa iritadong boses.

"Nag message din saken si Miguel." Sabat naman ni Noel at sinimulan na basahin ang mensahe nito. Lumapit dito  si Carlos at nakibasa din.

Bro,pasensya na kayo sa naging abala namin ni Sofia may biglaan lakad kase kami,nalaman ko kase kagabe na taga dito pala ang isa sa mga kaibigan ko.Ang tagal ko na kase na hindi siya nakita kaya nag pasundo kami kaninang madaling araw.Ikaw na bahala mag paliwanag kay sir at sa ibang kasama natin.Salamat,bro! ito naman ang mensahe na nabasa ng dalawang binata galing kay Miguel.

" Pambihira naman,di man lang nag paalam na mag tatanan na pala silang dalawa ni Sofia!" Napapalatak na turan ni Noel na sinabayan pa ng pailing-iling ng ulo nito.

" Marunong ka ba talagang magbasa?" biro ni Carlos dito. " Bro,may pinuntahan lang ang dalawa,hindi sila nag tanan." pag tatama ni Carlos sa sinabi nito at mahinang sinuntok sa braso si Noel.

" Bro, doon din ang punta ng dalawang yon!" anito na sinabayan ng nakakalokong tawa.

" Advance ka talaga mag-isip!" sabad naman ni Dianna.At lumapit ito sa kinaroroona ng ibang kasamang babae na nakaupo na sa bench,sumunod naman dito si Maureen.

" Pahinga na muna tayo bago pumasok ng Mansyon," Ani Alyssa sa mga kasama sabay sipat sa wristwatch nito. Alas dyes na ng umaga ilang oras din pala silang nag hanap.

" Buti nalang kinansela ni Sir ang pag tuturo satin ngayong umaga may oras pa tayo na makapag pahinga." sabi naman ni Daisy na nag papaypay gamit ang isang kamay nito.

"Oo nga." Sang ayon naman ni Dianna '' Pero mayang alas tres ng hapon tuloy pa din ang pag tuturo saatin ni Sir." dugtong pa nito.

Lumapit ang dalawang binata sa mga kasamang babae na nakaupo sa bench,naupo din ang mga ito.

" Kaya kayo girsl,kong may balak kayong makipag tanan samin ni Carlos.Naku,kalimutan nyo na!" biro ni Noel sa mga kasama.

Sabay na napaismid ang mga babae sa sinabi nito.

" Ewww,excuse me..wala sa bukabolaryo ko yan!" ani Maureen na sinabayan ng pag taas ng isang kilay nito.

" Hindi naman sila nag tanan diba?" paninigurong tanong naman ni Maggie sa mga kasama.

" Tsismoso lang talaga si Noel kung kaya ang galing gumawa ng kwento," Si Dianna ang sumagot kay Maggie.

" Doon din ang punta ng mga yon," Ani Noel. " Kaya kalimutan nyo na ,na balakin ayain kami mag tanan ni Carlos!" tila nag yayabang na sabi ng binata.

" Ikaw lang bro," Natatawang pag tatama ni Carlos sa sinabi nito.

" See?" Ani Dianna." Tsismoso na,Asumming pa!" tukoy nito kay Noel.

Natawa ang lahat sa sinabi ni dianna.Napapakamot naman sa ulo si Noel na nakikisabay na din sa tawanan ng mga kasama,hindi naman ito pikon,palabiro lang talaga.

" O diba napatawa ko kayo,tanggal ang pagod niyo." pag yayabang pa ni Noel sabay kindat kay Maureen.

" Tse!" Nakairap na singhal ni Maureen sa binata.

" Tara na guys pasok na tayo sa Mansyon medyo mainit na dito," Ani Alyssa sabay tayo. " Sa loob na lang natin ituloy ang pag papahinga,kailangan na din malaman ni Sir Calixto ang tungkol sa dalawa bago pa nito mautusan si Mang Nestor na pumunta ng bayan."

Nag tayuan na din ang mga kasama ni Alyssa,habang nag lalakad papasok ng Mansyon hindi pa din tinigilan ni Noel sa pang aasar si Maureen na sinasabayan na din ng tukso ng ibang kasama.Hindi nila napansin ang mga matang kanina pa nag mamasid sa kanina.