Totoong mahihirapan si Mrs. Gutieres na kumbinsihin si Ashley pagdating sa katanungan na [Pera o' Puri?] pero kung ang pagpipilian ay ang buhay na ng kanyang mga mahal sa buhay. [Puri o' Buhay?] Siguradong tatango ng tatango si Ashley kahit ilang milyong beses pa.
Bukod sa kaalaman ni Mrs. Gutieres na habang tinatakot niya si Ashley, si Tanaga naman ay nag-iisip ng paraan kung pano niya makukumbinsi si Ahley na pumayag na maging surrogate mother sa magiging tagapagmana niya.
Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin ang pag-uusap ni Mrs. Gutieres at Ashley. Maya-maya pa ay magkasama silang pumasok. Laking gulat ni Ashley nang mamataan niya si Tanaga. Bigla siyang napaurong at huminto sa paglalakad.
Napansin ito ni Tanaga at nagkunwari siyang hindi niya natatandaan si Ashley. Ang mukha niya ay walang emosyon na nakaupo lamang at nakapanikwatro. Habang umu-ugay-ugay ang kanyang kanang paa.
"So! What's the deal?" Bungad na katanungan ni Tanaga habang siya ay nakatingin kay Mrs. Gutieres.
"Everything is alright now, sir! She agrees! Right?" Tanong ni Mrs. Gutieres habang nanlalaki ang kanyang mga matang nakatitig kay Ashley.
Ano pa nga ba ang isasagot ni Ashley kundi," Yes! " Simpleng isang salita na maraming kahulugan.
"Alright! I will take her with me now so I could discuss the terms with her. You may deal with my lawyer for the rest." Sabay tayo ni Tanaga at nagsimulang lumabas ng silid na walang pakialam kung papayag o' hindi si Mrs. Gutieres sa sinabi niya.
Nang hindi sumagot si Mrs. Gutieres, hindi malaman ni Ashley kung ano ang kanyang gagawin. Susunod ba siya sa lalake o' hindi? Laking gulat ni Ashley ng marinig niya ang parang iritadong pananalita ni Tanaga.
"Are you coming or not!" Sabay labas nang pintuan.
Mabilis pa sa alas-kwatro na patakbong sumunod si Ashley kay Tanaga. Naabutan niya itong nasa loob na ng kanyang sasakyan at naghihintay na nakasimangot.
"Anytime before Christmas! I don't have all day!" Pasigaw na sinabihan ni Tanaga si Ashley.
"Yes! Sir, Boss!" Sagot naman ni Ashley. Ang problema nga lamang ay hindi niya alam kung saan siya uupo, sa harapan na sarado ang pinto o' sa likuran kung saan ito ay nakabukas. Nang hindi siya sinabihan kung saan uupo, sinarado ni Ashley ang nakabukas at binuksan ang sa harapan para doon umupo.
"No! Dito ka sa likuran umupo, I need to speak with you." Utos ni Tanaga kay Ashley.
Laking gulat ni Ashley nang marinig niyang nagsalita si Tanaga nang kalahating tagalog. Pero hindi niya ito pinahalata. Sinarado niya uli ang pintuan sa harapan at siya ay lumipat sa likuran. Nanginginig si Ashley habang pumapasok paupo sa sasakyan.
Inantay muna ni Tanaga na makalayo ang kanilang sasakyan bago siya nagsalita. "Huwag kang matakot, hindi kita kakainin." 'Kung sakaling kakainin man kita, ibang parte nang katawan mo ang kakainin ko.' Kung alam lang ni Ashley na Ito ang iniisip ni Tanaga.
"Maraming salamat po!" Malumanay na sinagot ni Ashley na hindi makatingin nang diretso kay Tanaga.
Hindi malaman ni Tanaga kung paano sisimulan ang kanilang pag-uusap. Kaya naman nanahimik na lamang habang nakatingin sa labas nang bintana. Ang hindi alam ni Tanaga ay kung anu-ano na ang pumasok sa isipan ni Ashley.
Si Ashley naman ay tahimik na nakaupo at panay ang pilipit sa kanyang mga kamay. Halatang nininerbyos siya at takut na takot dahil hindi niya alam kung ano ang pagkatao ni Tanaga at kung anu-ano ang plano nitong gawin sa kanya.