Chapter 10 - Chapter 10

Laking tuwa ng mayordomo nang makita niyang nagpirmahan na ang dalawa. Tamang-tama nang siya ay papasok, nakita ng dalawa niyang mga mata na pumipirma si Ashley. Nang matapos pirmahan ni Ashley and kontrata, inilagay ni Tanaga ang dalawang kopya sa dalawang brown envelope, at ibinigay ang isa ke Ashley habang ang isa ay hawak-hawak nya na para ba itong isang malaking kayamanan.

Dahan-dahang pumasok ang mayordomo upang sabihan sina Tanaga at Ashley na handa na ang tanghalian habang nakangiti. "Ahem! Ahem! Boss, kung tapos na po kayo, nakahanda na po ang pagkain."

Madaling inilagay ni Tanaga ang envelope nya sa drawer at sinusian. Pagkatapos ay lumakad palabas papuntang hapag-kainan na hindi lumilingon. Si Ashley naman ay nakaupo pa rin at nagmumuni-muni sa katatapos pa lang na pangyayari. Hindi niya lubos maisip kung bakit ito ang naging hantungan ng kanyang mga pangarap. Iniisip nya kung paano na ang magiging buhay nya habang hindi pa nya natutupad ang nakasaad sa pinirmahan niyang kontrata.

Habang si Ashley at nag mumuni-muni, si Tanaga naman ay biglang tumigil sa paglabas ng pintuan nang ma-realized na wala pala syang kasunod. Lumingon siya at tumingin kung saan si Ashley ay nakaupo pa rin at para bang napakalalim ng iniisip at panay ang pagbubuntong hininga.

Ang mayordomo na napatigil din sa kanyang kinatatayuan ay sinundan kung saan nakatingin si Tanaga. 'Hmmm? Inaantay niya si Ashley at gusto niyang kasabay kumain... Pero ba't di na lang niya sabihan? Anong tingin nya kay Ashley, mind reader? Ay naku! Iba talaga ang matatalino, hindi marunong maki-sakay...'

Nang makalipas ang ilang minuto at hindi pa rin tumatayo si Ashley, hindi na nakatiis si Tanaga. "Kung tapos ka na sa pag-iisip, baka pwede na tayong kumain. Alam kong hindi ka nakapag-almusal. Mahirap na't baka maya-maya ay mahimatay ka sa gutom." Nang hindi pa rin tumatayo si Ashley at hindi rin sumasagot, nilapitan na ito ni Tanaga.

Laking gulat na lang ni Ashley nang biglang bumungad uli si Tanaga sa harapan niya. "Ay diyos ko po!" Sigaw ni Ashley at sabay lundag na natumba tuloy ang inuupuan nya dahil sa gulat. Si Tanaga naman ay bilis na niyakap si Ashley para di 'to matumba at mauntog ang ulo sa sahig. Nagkatitigan silang dalawa na nanlalaki ang mga mata sa bilis ng pangyayari. Di katagalan, tumingin si Ashley sa giliran at namumula ang leeg hanggang tenga dahil naririnig nya't nafi-feel ang hininga ni Tanaga sa kanyang mukha sa sobrang lapit nito.

"Sorry, po. Nagulat lang po. Ginulat nyo po kasi ako," sabi ni Ashley na namimilipit ang boses at naninigas ang katawan dahil sa higpit na yakap ni Tanaga.

Nang di sumagot si Tanaga, "Sir, okay na po ako. Pwedeng…," itinulak nya konti si Tanaga.

"Ah," sabi ni Tanaga na nasasayangan. Isip nya kung pwede lang sanang manatili sila sa ganitong posisyon na kahit ilang minutes lang. Guminhawa sya ng malalim na inamoy ang mala-halimuyak na bango ng dalaga at sabay hatak kay Ashley na maupo ito ng mabuti. Tumayo ito at inayos ang sarili na pinipigilan ang umiinit na katawan.

Ang mayordomo naman ay nakangiting tumalikod at iniwan ang dalawa.

"Me kailangan po ba kayo? Pasensya na po! Kung hindi pa ako lumalabas sa opisina nyo, di ko po kasi alam kung ano ang gagawin ko?" Tanong ni Ashley na nakatingin sa kanyang paanan na naka-blush pa rin.

"Pag-uusapan natin yan, sa ngayon ang kailangan mong gawin ay tumayo at samahan mo akong kumain. Naiintindihan mo ba?" Pairitang sinabi ni Tanaga sa ninerbiyos na si Ashley.

"Po? Gusto nyo po akong sumabay kumain sa inyo? Pero Sir..." Hindi natapos ang sasabihin ni Ashley dahil bigla na lang hinawakan ni Tanaga ang kanyang braso at itinayo sya. Sabay hinaltak papuntang kusina. "Kapag sinabi kong sasabayan mo akong kumain, sasabayan mo akong kumain na walang tanong-tanong. Naiintindihan mo?!"

"Opo..." sagot ni Ashley na halos di marinig ang boses dahil sa panginginig sa takot, .

Hindi maintindihan ni Tanaga kung bakit parang may karayom na tumutusok sa puso niya habang nakikitang takut na takot ang dalaga sa kanya... Eto kasi ang kauna-unahang beses sa tanang buhay ni Tanaga na mag-alala sa isang babae, at hindi niya maintindihan kung bakit...