Habang kumakain sina Tanaga at Ashley, panay ang nakaw ng tingin nang bawat isa't-isa sa kanila. Pareho silang nag-papakirandaman at hindi nagkikibuan. Si Tanaga ay napalakas ang kain ng hindi namamalayang ilang platong pagkain na pala ang naubos niya. Habang si Ashley naman ay halos tatlong subo lang ay tapos na.
Hindi na nakatiis si Tanaga sa kanyang nakikita, kaya naman nakapag-salita siya nang pabaling at medyo parang galit ang tono. "Talaga bang nakakatakot ang pagmumukha ko na na kahit alam kong nagugutom ka, eh tatatlong subo lang yata ang kinain mo?" Tanong niya habang nakatingin ito nang diretso ke Ashley.
Nagulat namang bigla si Ashley nang marinig nyang biglang nagsalita si Tanaga. Hindi niya alam na tapos na pala itong kumain at kanina pa siya pinagmamasdan habang siya naman ay napakalayo ang iniisip.
"Sir! Me sinabi po kayo?" Tanong ni Ashley na halos mangiyak-ngiyak na sa nerbiyos.
"Sabi ko! Ah, never mind... Kung tapos ka ng kumain, halika na at meron pa tayong pag-uusapan tungkol sa magiging katayuan mo dito sa bahay habang hindi pa tayo nakakabuo ng bata." Sabay tumayo si Tanaga at hinila ang silyang kinauupuan ni Ashley palabas para sya ay makatayo.
Lahat ng ito ay nasaksihan ng mayordomo na galak na galak sa nangyayari. Ang laki ng kanyang mga ngiti habang inuutusan ang isa sa mga katulong na maghanda ng kape at dalhin ito sa opisina ng amo nila.
Tahimik na sumunod si Ashley kay Tanaga papunta sa opisina upang ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap tungkol sa nakasaad sa kontrata. Habang sila ay naglalakad sa mahabang pasilyo ng mala-palasyong bahay ni Tanaga, hindi maiwasan ni Ashley ang humanga sa mga kagamitan at mga arts na nakasabit sa dingding.
'Kahit isa lang siguro sa mga paintings na yan, kaya ng buhayin ang buong pamilya ko habang buhay.' Iniisip niya habang sila ay dumadaan.
Napansin ni Tanaga na interesado si Ashely sa mga Arts at Decor, kaya naman sinadya niyang lumakad sa mas mahabang pasilyo para makita lahat ni Ashley ang mga paborito nyang Art collection. Lingid sa kaalaman ni Ashley, ay pasikreto siyang pinagmamasdan ni Tanaga at ito ay palihim ding ngumingiti sa kanyang nasasaksihan.
Hindi namamalayan ni Ashley na umiikot na pala sila sa buong bahay. Dahil manghang-mangha siya at lahat ng kanyang attention ay naka-focus sa kung anu't-anumang bagay, bigla na lamang siyang nagulat nang magsalita si Tanaga.
"Kung mahilig ka sa Arts, isa sa mga araw na darating, puede kang pumunta sa kung saan ay marami ka pang makikitang magagandang mga paintings." Pasimpleng sinabi ni Tanaga pero seryoso ang mukha at di mabasa.
Tumingin si Ashley kay Tanaga na sorpresang-sorpresa. Hindi nya lubos maisip kung bakit ganuon ang pagtrato sa kanya ni Tanaga. Mainit naman pero malamig din... Pag nagsasalita ay parang galit sa buong mundo, pero kung makatingin naman minsan ay parang may ipinahihiwatig na special na pagtingin sa kanya, at minsan naman ay para syang gustong lunukin ng buong-buo...- Napabilis tuloy ang kabog ng kanyang puso at sabay inilagay ang kanang kamay sa dibdib. Pakiramdam niya'y para bang sya ay mahihimatay at hindi makahinga.
Biglang kumunot ang noo ni Tanaga ng mapansin ang kamay ng dalaga na nakadiin sa dibdib at parang hinihingal at hinahabol ang paghinga. Hindi na nakatiis si Tanaga at tinanong si Ashley. "Me sakit ka ba sa puso na kilangan kong malaman?"
Napalaki ang mga mata ni Ashley sa tanong ni Tanaga. 'Sakit sa puso? Eh! Anong sakit sa puso...? Di nga ako makahinga dahil kanina ka pang nakatitig na napakadikit sa 'kin na para bang gusto mo akong kakainin ng buhay,' isip ni Ashley.
"Po? Wala po! Excited lang po sa mga nakikita ko at humahanga. Wala po akong sakit sa puso..." Hiyang-hiya na sagot ni Ashley na tila isang magnanakaw na nahuli at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Tanaga...