Chapter 7 - Chapter 7

Si Ashley ay namimilipit sa nerbiyos na hindi nya makuhang tumingin sa katabi nyang lalake. Habang si Tanaga naman ay nakatingin sa malayo na para bang wala syang katabi sa sasakyan. Kaya naman hindi mapakali itong si Ashely sa kanyang kina-uupuan. Maya't-maya panay ang galaw dahil di nya malaman kung pipihit ba siya sa kaliwa or sa kanan.

Mga mahigit treinta minutos din silang naglakbay na walag kibuan. Ito na yata ang pinakamahabang treinta minutos sa buhay ni Ashley. Ni hindi nya alam kung ano ang kanyang magiging kapalaran sa kanilang paroroonan.

Di nagtagal, nagulat na lang si Ashley na nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang sila ay tumigil sa harapan ng isang napakataas na pader na may bakal na pintuan.

Maya-maya, bigla na lang itong bumukas na walang taong humahawak nito. Bumungad sa kanila ang napakamahabang daan na wala syang ideya kung saan ito patungo.

Habang sila ay tuloy-tuloy na pumasok, napansin ni Ashley ang napakagandang hardin na punong-puno ng iba't-ibang uri ng mga magagandang bulaklak, halaman, at mga nagtataasang puno.

Manghang-mangha si Ashley kaya hindi niya namalayan na siya pala ay nakanganga ng napakalaki at ang mga mata niya'y naglalakihan habang panay na nagsasabi ng…, "Ohhhh, ahhhh, wowwww!" na medyo malakas at naririnig ni Tanaga.

Walang kaalam-alam si Ashley na siya'y pinagmamasdan ng palihim ni Tanaga. Napangiti ito ng sikreto sabay tingin sa labas ng bintana upang hindi mahalata.

Sila ay dire-diretsong naglakbay papunta sa bungad ng isang mala-palasyong bahay, na kung pagmasdan ng maigi, ay maaaring maikumpara sa Palasyo ng Malacanang sa sobrang laki nito.

Nawalang bigla ang lahat ng takot ni Ashley habang siya ay namangha sa karangyaang bumungad sa kanyang harapan. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita.

'Tooto ba ito? Dito ba talaga siya nakatira?' isip ni Ashley.

Maya't-maya tumigil na ang sasakyan sa harapan. Sandali lamang at biglang may nagbukas sa kanila ng pintuan. Ito ay isang lalakeng may katandaan na at nakatayo ng matikas sa kanilang harapan habang nagbibigay utos sa ilang kalalakihan.

"Kunin ninyo ang mga gamit niya at ilagay doon sa bahay sa likuran." Utos ng mayordomo ni Tanaga sa mga kasambahay na nakahilerang naghihintay sa kanila na bumaba ng sasakyan.

Naunang bumaba si Tanaga at dire-diretsong pumasok sa loob ng mansion. Mga ilang minuto ang nakalipas pero wala pa ring Ashley na dapat ay kasunod ni Tanaga na bumaba at pumasok. Para hindi mahalata na siya ay naghihintay kay Ashley, kinuha niya ang nakahandang kontrata at muling binasa.

Ang nakasaad sa kontrata na papipirmahan ni Tanaga kay Ashley ay tungkol sa kung ano ang ipagagawa niya at kung ano ang mangyayari kapag natupad ito.

Si Ashley ay gagawin niyang isang 'surrogate mother' ng kanyang lahi, na kung saan sila ay magsisiping hanggang sila ay makabuo ng isang bata. Kung baka sakali si Ashley ay mabuntis sa unang pagtatangka lamang, hindi na sila muling magtatalik pa. Subalit kung ang magiging anak nila ay isang babae, ibig sabihin niyan ay kinakailangan muli silang magsisiping upang makabuo ulit ng isa pang bata...

Ngayon, kung sa pangalawa nilang magiging anak ay isa pa ring babae, hindi na sila uulit pa, at si Ashley ay malaya na sa kanilang kontrata at pwede ng umalis kasama ang dalawang milyon. Isang milyon bawat bata...

Pero, hindi niya madadala kahit isa man lamang sa kanilang mgiging anak... Babae man or Lalake.