Napanganga si Tanaga at Ashley sa kanilang narinig. Sino ba naman ang mag-aakalang ganoon lang kadali ang lahat? Akala ni Ashley ang sasabihin ni Lola Hanada ay hindi niya matatanggap ang kanilang kasal at paghiwalayin silang dalawa. Kaya naman nagulat siya nang marinig ang sinabi ng matanda.
Si Tanaga naman ay ganoon din pero hindi siya nagpahalata na masaya siya sa decision ng lola niya. Dahil, kung tutuusin, ang nakasaad sa kanilang kontrata ay minimum na isang taon. Napaisip tuloy siya kung mayroong nalalaman ang lola niya tungkol sa kontrata nila ni Ashley.
Para makasiguro, "Lola, puede bang bigyan mo kami ng ilang sandali na mag-usap ng misis ko tungkol dito?" Malumanay na nakiusap si Tanaga.
Hindi naman mahirap pakiusapan si Lola Hanada, kaya naman... "Sige! Bibigyan ko kayo ng ilang minuto, pagkatapos ay lumabas na kayo at ng makakain na tayo. Kumakalam na rin ang sikmura ko sa naamoy kung masasarap na putaheng inihanda ng chef mo." Pabirong sinabi ni Lola Hanada habang siya ay tumayo para lumabas.
Pag-alis na pag-alis ni lola Hanada, umusod si Tanaga sa mismong tabi ni Ashley para sila ay makapag-usap ng masinsinan.
"Sinabi mo ba sa kanya ang tungkol sa kontrata natin?" Tanong ni Tanaga ng pabulong, pero parang galit.
"Excuse me po, Sir! Di po ba eh nasa labas lang kayo ng pintuan at naririnig nyo ang pinag-uusapan namin ng lola mo? Meron po ba kayong narinig na binanggit ko ang kontrata? Wala, di po ba?!" Deretsahang sinagot ni Ashley si Tanaga.
"Hmmm, sabagay wala nga akong narinig. Nagtatanong lang, just in case di ko lang narinig." Palusot ni Tanaga na medyo napahiya pero ayaw umamin.
"Siya, basta wag mong babanggitin ke lola ang tungkol sa kontrata natin, ha?! Siguradong ma heart attack ito pag nalaman niya." Bilin ni Tanaga bago sila lumabas para kumain.
Nang makarating sila sa living room sa may starboard ng yacht, naabutan nilang maganda ang kwentuhan nina Lola Hanada at ng dalawang Immigration officers. Proud na proud si Lola Hanada na nagkwento tungkol sa mga lugar na kanyang napuntahan, habang ang dalawang officers naman ay seryosong nakikinig.
Tamang-tama na naabutan sila ng mayordomo para ipaalam sa kanila na ang pagkain ay handa na.
Tinulungan ni Tanaga si Lola Hanada na tumayo at inalayan papunta sa dining room. Nagagalak naman ang matanda sa ginawa ng apo kahit na hindi naman niya kailangan ang tulong. Sa totoo, ito lang ang paraan na siya ay makalapit at makahawak kay Tanaga.
Hindi lubos maisip ni Lola Hanada kung ano ang nangyari kay Tanaga at bigla siyang nagbago ngayon. Kasi matapos mamatay ang mga magulang ni Tanaga, sampung taon na ang nakaraan, nagsimulang naging malayo ang mahal na apo sa kanya.
Ilang beses na pina-imbestigahan ni Lola Hanada ang tunay na dahilan ng ikinamatay ng mga magulang ni Tanaga. Pero kahit na gaano karami ang pera nila... Ganoon at ganoon pa rin ang resulta. Para bang merong taong nagtatago ng tunay na pangyayari, at lingid sa kanilang kaalaman, ito ay isang taong makapangyarihan sa bansa.
Sa kaiisip, hindi namalayan ni Lola Hanada na nasa dining room na pala sila at naghihintay si Tanaga na maupo siya sa silya na hinaltak para sa kanya. "Salamat apo!" Malumanay na sinabi ni Lola Hanada habang siya ay umupo.
Pagkatapos paupuin ni Tanaga ang kanyang lola, hinaltak naman niya ang isa pang banko. Ang buong akala ng lahat ay para pauupuin niya si Ashley, kaya laking gulat ng lahat ng biglang umupo si Tanaga at ni hindi man lang inimbita si Ashley.
"Tanaga!" Biglang sigaw ni Lola Hanada at tiningnan ang apo ng masama habang nakataas and isang kilay. "Anong klase kang asawa?" Galit na tanong ni lola Hanada.
"Anong ibig mong sabihin, Lola? Di ko maintidihan ang tanong mo?" Tanong ni Tanaga na mukhang hindi niya talaga alam.
"Tanaga... Tingnan mo naman kung ano ang ginawa mo? Asan ang asawa mo? Ha!"
"Po? Oh, my God! I'm so-sorry!" Sabay tayo ni Tanaga at lumingon kay Ashley na nakatayo lang at walang kibo sa likuran nilang mag lola...
"Upo!" Paanyaya ni Tanaga na wala man lang kalambing-lambing ang tono ng boses. Para lang siyang nag-uutos sa isang katulong. Napansin ito ng dalawang Immigration officers na nakatayo rin at naghihintay na anyayahang umupo...
"Boss, mukhang kailangan nating bantayan ang bagong mag-asawang ito. Tingnan mo nga, ni walang ka love love sa misis niya. Eh, kakakasal pa nga lang... Ano sa palagay mo boss?" Pabulong na sinabi ng tauhang immigration officer.
"Hmmm, may point ka dyan. Paalala mo sa akin na bibisitahin natin sila at least isang beses sa isang buwan sa buong isang taon. Kung hindi sila magkakaanak by then, ibig sabihin eh peke lang ang kasal na ito. Ano sa palagay mo?" Pabulong ding sagot ng mas nakakataas na immigration officer.
Napansin ni Tanaga na nagbubulungan ang dalawang officer habang sumusulyap kay Ashley. Alam niya na sila ang pinag-uusapan, kaya naman biglang nagbago ang ihip ng hangin.
"Officer's bakit di pa kayo nakaupo? Halina at kumain na tayo bago lumamig ang mga pagkain." Imbita ni Tanaga na medyo may kaunting ngiti sa labi nya... 'Anong akala niyo, mahuhuli niyo kami? Hindi uy!' Isip ni Tanaga habang naghihintay siyang maupo ang dalawa.
Si Ashley naman ay tahimik lang sa tabi ni Tanaga na mukhang napaka-lalim ang iniisip...