Hindi namalayan ni Ashley na matagal na pala siyang pinagmamasdan ng lahat dahil mukhang nasa ibayo ng daigdig ang kanyang pag-iisip. Kaya naman ang laki na lang ng gulat niya ng biglang may dumampi sa kanyang pisngi.
"Ay! Diyos ko po, Santa Maria!" Sabay tiningnan niya ng masama si Tanaga, pero hindi siya makakareklamo dahil sa dalawang Immigration officers na nasa harapan nila. Para hindi mahalata na nairita siya sa ginawa ni Tanaga, ngumiti na lang siya na parang anghel at kunwari ay nahihiya.
Ang problema nga lang ay sa panlabas lang ito. Sa isip ni Ashley...- 'Humanda ka! Pag natapos itong dinner na ito at wala na tayong ibang kasama, maghahalo ang balat sa tinalupan. Ngayon pa na meron na akong na akong karapatan... Hmmm, meron nga ba?' Tanong niya sa sarili.
Sa awa ng diyos, malapit na ring matapos ang napaka-boring na dinner sa tanang buhay ni Ashley. Ito ang kauna-unahan na maramdaman niya na ang lahat ng focus ay nasa kanya.
Hindi siya makapaghintay na magsi-alisan na ang lahat ng 'bwisita!' at ng siya ay makapagbihis na ng isang komportableng damit at makapagpahinga, dahil kailangan niya ng lakas ng pag-iisip at loob bago siya makipag-diskasyon sa kanyang amo/asawa.
Sa wakas, natapos din ang kalbaryo at nagpaalam na ang dalawang Immigration officers na may napakalaking ngiting naka plaster sa kanilang mga mukha.
"Sige, po! Sir, Ma'am, Ma'am Hanada! Maraming salamat po sa masarap na pagkain at sa pag-imbita niyo. Congratulations po uli sa inyong kasal! Sana sa binyag ng anak nyo eh, imbitado rin kami." Pabirong sinabi ng nakatataas na officer habang nagkakamot sa batok at nahihiya.
Ngiti lang ang sagot ni Tanaga, habang si Ashley naman ay namumula ang pisngi sa narinig. Nang makababa na ang dalawang officers, saka lang nakahinga ng maluwag si Ashley.
"Ay, salamat at natapos din!" Sabi ni Ashley na medyo malakas at dinig na dinig ng katabi niya at tumalikod pabalik sa loob ng yatch na hindi man lang hinintay siTanaga.
Si Lola Hanada naman ay naghahanda na ring umalis ng makabalik si Ashley na nakasuot pantulog na. Bagamat nahihiya, tinulungan niyang makatayo ang matanda mula sa kinauupuan.
Tinanggap naman ng matanda ang tulong ni Ashley. "Maraming salamat! Ang hirap talaga pag matanda na. Mismong pagtayo lang sa mula upuan eh' kailangan pang akong tulungan. Hahaha!" Pabirong sinabi ni Lola Hanada habang nakahawak pa rin siya sa mga braso ni Ashley.
Di naglaon at nakasalubong nila si Tanaga at biglang tumaas ang mga kilay ni Tanaga sa nakita. "Itong si lola talaga, napakagaling na actress. Kung umarte sa harapan ni Ashley eh, akala mong may arthritis at hindi na makalakad, pero hindi naman naa-absent sa ballroom dancing niya. Hahaha!" Bulong ni Tanaga sa sarili.
"Lola, maraming salamat po sa pagdalo." Sabay hinalikan ni Tanaga sa pisngi ang matanda at kinuha ang kabilang kamay at inilagay sa braso niya. Sabay nilang hinatid si Lola Hanada sa nakaparadang kotse.
Pagkapasok na pagkapasok ni Lola Hanada sa sasakyan, "Driver sa mansion tayo!" Tapos nagpaalam at kumaway sa dalawa ...
Narinig ng matalas na pandinig ni Tanaga ang sinabi ng lola. Biglang kumunot ang nuo niya. 'Anong ibig sabihin ni lola na sa mansion sila tutungo? Sa amin sya titira? That's not going to work.' Isip ni Tanaga habang mabilis na umikot para umakyat pabalik sa yacht ng hindi man lang tiningnan kung kasunod niya si Ashley.
Habang nagmamadali si Tanagang umakyat pataas ng yatch, sumisigaw siyang tinatawag ang mayordomo na mabilis namang lumitaw galing sa loob.
"Tawag niyo po ako boss?" Tanong ng mayordomo habang nakatingin sa may pantalan at hindi kay Tanaga.
Napansin ni Tanaga na sa may baba ng pantalan nakatingin ang mayordomo at sinundan niya kung ano at sino ang tinitingnan nito. Bigla niyang sinalpok ang kanyang noo nang makita niyang si Ashley ay nakatayo sa may giliran ng pantalan habang sa malayo nakatingin...
Maya-maya ay nakita ng dalawa niyang mata na nilagay ni Ashley ang dalawa niyang palad sa mukha na para bang siya ay umiiyak dahil ang katawan niya ay yumayanig.
Biglang kumirot ang puso ni Tanaga na para bang may karayom na tumusok at hindi niya maitindihan kung bakit. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa ibabaw ng kanyang puso at hinimas-himas ito habang nakatitig pa rin siya sa kanyang asawa...
Napansin naman ito ng mayordomo at napangiti ng pasikreto. 'Hmmm, hindi magtatagal, makakarinig na uli ako ng kasiyahan sa mansion,' isip niya. Minabuti nyang tumayo at manood lang kung ano ang kasunod na mangyayariβ¦