Chapter 37 - Chapter 37

Ilang minuto ring nagmumuni-muni si Tanaga bago ito kumilos at bumaba ng yacht at pinuntahan si Ashley.

Si Ashley naman ay tahimik na humahagulhul habang nakatakip ang mga palad sa mukha. Hindi niya namamalayan na nasa likuran lang si Tanaga at pinagmamasdan at pinakikinggan lang sya nito.

'Nay, Tay, mga Kuya… Nag-aalala na ba kayo dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako tumatawag? Hinahanap na po ba ninyo ako? Wag po kayong mag-alala, bukas na bukas din po ay gagawa ako ng paraan na makatawag sa inyo.' Sabi niya sa sarili, habang patuloy na umiiyak dahil miss na miss na ang pamilya.

Kinalmot ni Tanaga ang ulo habang hindi malaman kung ano ang gagawin. Hindi niya maintindihan kung ano ang dahilan at umiiyak si Ashley dahil hindi naman niya nababasa kung ano ang nasa isipan nito.

Pilit niyang binabalikan ang mga pangyayari buong araw hanggang gabi kung meron ba siyang nagawa o nasabi na nakakasakit ng damdamin ng asawa, pero wala talaga siyang maalala. Kaya naman tumayo na lamang siya at pinabayaang umiyak si Ashley at naghintay hanggang ito ay tumahimik na.

Matagal-tagal din bago tuluyang tumahimik si Ashley at guminhawa ng malalim na para bang pasan ang buong daigdig.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko, nandito na ito. Sabi anya ng nanay at tatay, kusang tanggapin kung ano ang ibinigay ng panginoong diyos, dahil siya lang ang lubusang nakakaalam kung ano ang nararapat sa sanlibutan. Ay, buhay nga naman!" Malakas na pakakasabi ni Ashley sa sarili at sabay pagbuntong hiningang muli.

Nang matapos na syang magmumuni-muni, umikot siya para bumalik na sana sa yatch ng biglang...- "Thud! Ay! Santa Maria!" Laking gulat niya ng bumangga na naman siya kay Tanaga at napaatras ng mabilis. Kaya naman muntik na siyang mahulog sa dagat.

Mabuti na lang at mabilis na nahawakan ni Tanaga ang bewang niya at nahaltak siya pabalik at niyapos ng mahigpit.

"Ano ka ba! Kung gusto mong tumalon sa dagat at magpakamatay, pwede ba... Antayin mo munang mabigyan mo ako ng anak!" Iritadong sinabi ni Tanaga habang nakasimangot. Pero hindi niya binitawan o niluwagan ang pagkakayakap kay Ashley.

'Hudas! Kung makapagsalita kala mo kung sino. Hindi oy! Wala akong balak tumalon ng dagat at magpakamatay. Hindi ikaw ang lalaking magiging dahilan para magpakamatay ako,' isip ni Ashley habang nakatingin siya kay Tanaga ng hindi nagsasalita.

"Kung tapos ka ng mag e-emote, tara na at malalim na rin ang gabi," sabi ni Tanaga at sabay lagay ng kamay sa may binti ni Ashley at bihuhat ang asawa sa balikat na parang isang sakong bigas.

"Sir, boss, Mr. Jones! Please, lang po! Baba niyo ako!!!" Sigaw ni Ashley habang pumapalag ito at hinahampas ang likuran ni Tanaga upang siya ay ibaba at makawala sa pagkakabitbit sa kanya.

Ang kaso nga lang ay nagbibingi-bingihan si Tanaga at dire-diretso itong umakyat sa yacht hanggang sila ay makarating sa loob ng kanilang silid. Saka pa lang siya ibinaba ni Tanaga ng pahagis sa ibabaw ng kama...

Lumanding ang likuran ni Ashley sa isang malambot na kama, sabay patong ni Tanaga sa kanya at hinawakan kaagad ang dalawang kamay sa may bandang uluhan niya para hindi siya makapalag.

Randam na randam ni Ashley ang init ng katawan at hininga ni Tanaga, dahil ang mga katawan nila ay magkadikit at ang mga mukha ay napakalapit.

"Thump! Thump! Thump! Thump!" Sabi ng mga puso ng dalawa. Sabay na sabay itong kumakabog at parang naghahabulan sa bilis.

Magsasalita na sana si Ashley, ng... Dahan dahang nilapat ni Tanaga ang kanyang maiinit na labi at hinalikan si Ashley ng napakatamis... at napakasarap...