Biglang nanlaki ang mga mata ni Ashley ng lumapat ang mga labi ni Tanaga ng napakariin. Sabay namula ang kanyang mga mukha na para syang sinampal ng pagka lakas-lakas.
Si Tanaga naman ay nag-eenjoy sa kanyang ginawa dahil alam nyang hindi papalag si Ashley. Tatagalan pa sana nya ang halik, kaya lang ang mamang consular ay bigla na lang…
"Ahem! Ahem! Ahem! Sir, Mam, baka naman gustong nyong mag-antay sa honeymoon, medyo maiinit masyado dito." Sabay ngisi na parang nakakaloko. Dahil sa pagsasalita ng consular officer, biglang natauhan si Ashley at itinulak na papalayo si Tanaga na hindi naman halatado sa mata ng Consul.
"Tapos na po ba? Puede na po kaming umalis?" Tanong ni Ashley na parang hinahabol ang paghinga habang hindi makatingin ng diresto sa kausap.
"Opo! Eto po and Marriage Certificates nyo. Congratulations po!" Sabay abot ke Ashley, imbes na kay Tanaga. Kaya naman bigla na namang umasim ang mukha ni pogi, at hindi ito maipinta. Aabutin na sana ni Ashley ang certificate, ng naunahan sya ni Tanaga.
"Bayaan mong ako ang magtabi nitong napaka-importanteng papeles na ito." Sabay ngisi ng nakakaloko kay Ashley at kumindat pa! Eh, ano pa nga ba ang magagawa ni Ashley kundi pabayaan na si Tanaga ang kumuha.
Papaalis na sila ng makasalubong nila ang dalawang Immigration officer na gustong mag witness sa kanila. Bihis na bihis at talagang naghanda, sinuot na yata ang pang-burol nila. Kaya naman si Ashley ay pasikretong napapatawa sa hitsura ng dalawa ng makitang papaalis na sila.
"Magandang hapon sa inyong dalawa!" Bati ng leader na halatang dissapointed dahil hindi sila umabot. "Puede ba naming makita ang marriage certificate?" Seryosong sinabi ng leader kay Tanaga sa salitang Nippongo.
Hindi naman nag-atubili na inabot ni Tanaga ang papeles na gustong makita. Pagkatapos suriin ito at makasigurong pangalan nga nila ang nakalagay, inabot ito pabalik kay Tanaga.
"Pasensya na kung hindi kami nakarating ng tamang oras. Congratulations! Mr. and Mrs. Jones." Bati ng leader, sabay abot ng kamay nya kay Tanaga para mag shake hands.
Nang hindi tinanggap ni Tanaga ang kamay ay dahan-dahang ibinaba ito at medyo parang napahiya. Hindi ito nakaalpas kay Ashley at napansin nya ang itsura ng leader ng Immigration officers. Umisip ng paraan si Ashley at bahagya nyang siniko si Tanaga na bigla namang tumingin sa kanya.
Pagtingin sa kanya ni Tanaga, sadya namang ngumuso si Ashley na 'nagsasabing tanggapin mo ang handshake.' Mabuti na lang at madaling nakuha ni Tanaga ang ibig sabihin ni Ashley at sumunod namang parang tuta. Inabot ni Tanaga ang kamay nya sa officer para makipag-handshake.
Nang tanggapin ng officer ang offer nyang handshake, "Maraming salamat at nakadalo pa rin kayo. Kahit na hindi kayo nakaabot, puede pa rin naman kayong umatend sa wedding party. Yan ay kung pwede kayong makadalo at hindi nakakaabala sa inyo?" Pag-aanyaya ni Tanaga sa dalawang officers.
Tumingin muna ang leader sa kasama, ng makitang tumango ito, mabilis naman syang sumagot. "Tapos na rin naman po ang oras namin sa trabaho, kaya puedeng-puede po kaming makadalo." Masiglang sagot ng leader kay Tanaga.
"Kung ganon, magkita na lang tayo sa party." Sabay naglabas sya ng isa nyang business card at isinulat ang address ng lugar kung saan sila magkikita. Matapos maibigay ang card sa leader, mabilis syang nagpaalam at inilagay kaagad ang kamay ni Ashley sa kanyang braso…
"Tara na, sweetheart, at marami pa tayong aayusin para sa honeymoon natin." Sinadya ni Tanaga na lakasan ang boses nya para marinig ng dalawang officers.
Sa isip ni Ashley... 'Ulol! Honeymoon, anong honeymoon? Mag honeymoon kang mag-isa!'