Walang katapusang yakapan at iyakan ang nangyari sa buong pamilya habang nagpapaalam si Ashley. Hindi matapos tapos ang mga bilin at pangaral ng kanyang magulang at kapatid.
"Kahit anong mangyari, kapag di mo magustuhan ang trabaho mo doon, o' kaya ay maltratuhin ka ng mga kasama mo at amo, wag kang mag-atubiling umuwi. Naiitindihan mo ba ako?" Bilin ni mang Jessie sa kanyang bunsong anak.
Si aling Fely naman ay halos ayaw ng bitawan sa mahigpit nyang pagkakayakap sa kanyang bunsong anak. Habang ang mga luha galing sa pagdadalamhati ay pumapatak sa kanyang mga mata.
"Bunso, tandaan mo ito ha' ang iyong puri ang kayamanang hindi mabibili or makukuha kahit saan. Kaya paka-iingatan mo itong mabuti. Tandaan mo kasal muna, bago..."
Hindi na nag-nakaroon nang tyansang matapos sabihin ni aling Fely kung ano man ang gusto nyang ihabilin, dahil narinig nilang tinatawag na ang flight number ni Ashley, Nagsimula na itong mag-pasakay ng pasahero.
"Nay, nay, nay! Tinatawag na po ang Flight number ko. Baka po masaraduhan ako nang pintuan ng eroplano at maiwan. Sige po! Palagi ko pong tatandaan ang mga-habilin nyo ng Itay." Binigyan ni Ashley ng isang matamis na halik sa pisngi ang kanyang Ina. Pagkatapos ay sumunod naman ang kanyang Ama at mga Kuya na puro mga luhaan.
"Bunso! Pag merong nanloko sa iyo, tawagan mo lang ako at gagawaan ko nang paraan at lilipad kaagad ako doon. Malapit lang naman ang Japan, ilang oras lang at nandoon na ako. Tandaan mo yan ha!" Habilin ni Arman sa kanyang nakababatang kapatid.
"Laban!" Sabay-sabay na sinabi nang apat nya pang mga Kuya.
"Laban!" Sagot din naman ni Ashley na nakangiti pero luhaan ang mga mata.
"Paalam po! Wag po kayong mag-alala, hindi ko po pababayan ang aking sarili at pag dating na pag dating ko doon, tatawagan ko po kayo kaagad. Paalam po!" Sigaw ni Ashley habang papalayo sa kanyang mga mahal nya sa buhay.
===
Tatlong oras na paglalakbay ang papuntang Japan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasakay si Ashley sa isang eroplano. Habang sya ay naglalakad papuntang terminal nang eroplano, abala siyang nakatitig sa kanyang telepono, kaya't hindi nya namalayan na meron na pala siyang isang taong mababanga...
"Bam!" Nagkasalpukan si Ashley at ang isang lalake na napaka-gwapo, matangkad at mukhang kalahating Japanese at American. Laking gulat ni Ashley sa pagkakabanga na naging dahilan at nabitawan nya ang kanyang telepono,Mabuti na lang at naagapan ng lalake at ito ay kanyang nasambot bago tuluyang bumagsak sa semento. Kung hindi... Malamang ay wasak-wasak ito.
Mabilis na umatras pabalik si Ashley para magkaroon sila ng distansya nang nakabanggaan nyang lalake bago sya ay humingi nang dispensa. " I'm sorry! Thank you, Sir!" Habang nakatingin sya ng diresto sa mga matang parang isang malalim na dagat. kulay asul na asul na parang me magneto na humahatak sa kanya papalapit sa lalaking nakabangga nya.
Hindi ni Ashley namalayan na magkaharap na pala sila nang lalake na halos ga hibla nalang ng buhok ay maari ng magsalpukan ang kanilang mga labi. Habang si Ashley ay parang na enkanto, ang lalake naman ay sekretong napapatawa sa kanyang itsura. Pero imbes na sya ay lumayo at umatras, mas lumapit pa sya para amuying maiigi ang pabangong humahalimuyak.
"What kind of perfume are you wearing?" Tanong ng lalake kay Ashley.
Parang binuhusan ng isang malamig na tubig si Ashley sa malumanay na boses ng lalaking nasa harapan nya, at biglang natauhan sa tanong na narinig nya. "Excuse me? What did you just asked me? Perfume? Oh, I'm sorry! But, I'm not wearing perfume, it must be the soap and shampoo that I used." Sagot ni Ashley na parang wala sa kanyang sarili.
May sasabihin pa sana si Ashley ng marinig nya na tinatawag ang kanyang pangalan. "Oh... That's my name, I'm sorry! I have to go!" Dali dali syang tumakbo papuntang terminal kung saan sya na lang ang inaantay para isarado ang pintuan...
"Hmmm, so' Ashley pala ang pangalan nya." Habang naglalakad si CEO Tanaga Jones kung saan ang pribado niyang eroplano ay nag-aantay. Bigla niyang narealized na ang cellphone ni Ashley ay nasa kanyang kamay parin. Nag atubili si Tanaga kung susundan niya si Ashley o pabayaan na lamang niyang hanapin ito ni Ashley. Sa kahuli-hulihan, nag desisyon sya na antayin na lamanng na hanapin ni Ashley ang nawawalang cellphone upang sila ay muling magkita...
Higit sa kaalman ni CEO Tanaga na kinabukasan rin ay muli niyang masisilayan si Ashley Gusman.
===
Malalim na nang gabi ng dumating ang eroplanong sinasakyan ni Ashley sa Narita International Airport. Katulad ng kanyang ipinangako sa pamilya, naghanda si Ashley na tawagan sila, pero laking gulat niya nang mapansin nawawala pala ang telepono niya.
Nagmamadali si Ashley na makalabas sa terminal ng airport para siya ay makahanap ng isang teleponong magagamit upang matawagan ang lalaking kanyang nakabangga noong siya ay paalis pa lamang sa Pilipinas. Sa kasawiang palad, dahil hindi na uso ang mga pang-publikong telepono, wala siyang mahagilap kahit man lamang isa.
Maghahanap pa sana si Ashley ng tao na maari nyang mahiraman ng telepono pero namataan nya na dumating na pala ang kanyang sundo. Isang medyo may edad na Filipina ang nag-aantay kay Ashley sa bungaran ng pintuan ng terminal. Nang masilayan niya si Ashley, pinuntahan niya ito at agad niyang tinanong, "Ikaw ba si Ashley Gusman?"
Laking gulat ni Ashley nang bigla syang nilapitan ng matandang babae. Kaya hindi siya agad nakasagot sa tanong nito. Mga ilang segundo pa bago nakapagsalita si Ashley.
"Opo! Ako po si Ashley Gusman. Kayo po! Sino po kayo?"
"Ako pala si Mrs. Gutieres ang tagapamahala ng mga empleyado na nanggagaling sa Pilipinas."
"Ah, ganun po ba?" Magalang na sinagot ni Ashley ang matandang babae na para bang sinusuri siya mula ulo hangang paa.
"Kung wala ka ng ibang gamit, tara na at malalim na ang gabi. Medyo may kalayuan pa ang pupuntahan natin," sabi ng matandang babae na para bang nagmamadali.
"Mrs. Gutieres, meron po sana akong ipakikiusap kung pwede lang sana. Nawala ko po kasi yung cellphone ko at may palagay ako na ang may hawak nito ngayon ay taga-rito sa Japan."
"Ngayon? Ano ang kailangan mo?" Tanong ng matandang babae na para bang naiinis na kay Ashley.
Naramdaman ni Ashley na para bang galit na sumagot sa kanya si Mrs. Gutieres. Kaya imbes na hihingi sana siya nang pabor na makigamit ng telepono, nagbago na lamang ang kanyang isip at sinabing wala na siyang kailangan pa.
"Kung ganun eh, ano pa ang hinihintay mo! Tara na at malalim na ang gabi." Sabay talikod ni Mrs. Gutieres at lumakad papunta sa sasakyan na naghihintay sa kanila.
Dahil malalim na ang gabi at pagod na rin si Ashley, sumunod na lang siya kay Mrs. Gutieres na hindi man lang nagtanong kung saan sila pupunta. Pagkatapos ng mga isang oras ng paglalakbay, nakarating din sila sa kanilang destinasyon. Laking gulat ni Ashley nang makita niya ang lugar na kanilang pinuntahan...
Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan nang sasakyan at dalawang malalaking mga lalake ang bumungad sa harapan ni Ashley.
"Baba!" Sigaw na pautos ng isang lalake kay Ashley.
"Po?" Tanong ni Ashley na nanlalaki ang mga mata habang nanginginig sa takot.
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, baba!" Galit na sagot nang lalake kay Ashley.
Nang hindi kumilos si Ashley para bumaba sa sasakyan, bigla na lang may itinakip sa kanyang bunganga at ilang minuto lang ay nawalan na siya nang malay…
A/N:
Kung may oras po ka kayo, baka naman pwedeng pa add sa library nyo ang bago kong libro. Ang title of ay:
1] THE BILLIONAIRE SON MEETS THE TYCOON HEIRESS [Kasali sya sa contest]
2] TORN BETWEEN TWIN BROTHERS
Maraming salamat po!