Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Boyfriend for Rent ( The Story of CIB)

🇵🇭Kuroblank
--
chs / week
--
NOT RATINGS
23.8k
Views
Synopsis
Tangerine is a hopeless romantic that placed in a situation that she thinks it will be just a moment. A woman who's afraid of commitment because of her past relationships. She rented a guy just to pretend to be her boyfriend. She did that just to get rid of her parents wants. Would their relationship remain in contract? Or would it be real?
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

"Hija, meet my kumare's Son." Bungad sa akin ni Mama as I enter the house.

"He is Kevin." Binaba ko ang shoulder bag na dala ko sa sofa tsaka inayos ang salamin ko. Tinitigan ko ng maigi yung 'Kevin' na sinasabi ni mama. I just rolled my eyes.

"Mama, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na 'to." Pabulong kong sabi kay mama ngunit pinandilatan lang ako ng mata nito tsaka ako pinilit na paupuin sa sofa katabi nung 'Kevin'

Hayst kaya ayoko magstay sa bahay eh. Everyday nalang ata si mama talaga walang palya sa pagpapakilala sa akin ng mga anak na lalaki ng amigas niya.

May itsura naman yung Kevin sadyang hindi lang talaga ako interesado at may allergy na ako sa pogi. Sawang sawa na ako! choss. What I mean is sawang sawa na ako sa pambobola ng mga lalaking yan. Sakit lang yan sa ulo, I'd better to focus on my work.

"Ah sige mag-usap muna kayo dyan. Maghahanda lang ako ng meryenda." Ani naman ni mama tsaka iniwan kaming dalawa sa sala. Tsk! Si mama talaga.

"So, you're ..." he paused at tila nakalimutan pa ata niya ang pangalan ko.

"Tangerine." I continued.

"Pff~" I heard him almost laugh out loud pero pinipigilan niya. Crap! As usual, isa nanamang nilalang ang muntik matawa sa pangalan ko. Is there anything sound so funny in my name? Kagigil lang ha.

"I'm Kevin." He said then extended his arm. Nakipagkamay naman ako sa kanya ng very slight lols.  "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I want you to be my girlfriend." Diretsang sabi nito na siyang dahilan para mapanganga ako.

"Whoa...wait lang ha. Mas mabils kapa ata sa kabuti eh. Unang una, hindi kita kilala and now you're telling me to be your girlfriend? AGAD AGAD?" I almost half yelled dahil talagang umakyat yung dugo ko dun sa sinabi niya.

"Well, doon din naman tayo papunta diba?" He said confidently as if gustong gusto ko siya shocks!

"And what makes you think na doon tayo mapupunta?" I said sarcastically.

"What do you mean?" Nagtataka pa nitong tanong.

"You're not my type. So now, you'd better leave." Marahas kong sabi.

"Wait, pinapalayas mo na ako?" He asked as if first time niyang pinalayas.

"Well, some sort of it." I replied.

Pinanliitan niya ako ng mata pero di ko na siya pinansin pa. Hay, anong akala niya sa akin easy to get?

"Isusumbong kita sa mama ko." Pahikbing sabi nito tsaka tumakbo na palabas ng bahay habang naiwan akong tulala sa sala.

I took me a minute to react dun sa inasta niya. Uh-oh~ yayabang yabang siya sa akin kanina tapos mama's boy naman pala. Akala mo grade 1 lang kung makahikbi eh.

"Tangerine, bakit mag isa ka lang? Where's Kevin?" Natatakang tanong ni mama tsaka nilapag yung meryendang hinandan niya para sana sa amin.

Nagkibit balikat lang ako.

"Don't tell me, pinalayas mo nanaman anak?" Seryosong tanong ni mama.

"Napangitan ata sa pangalan ko mama." I said then chuckles.

"Di bale, may isa pa namang anak yung kaibigan ko. Tiyak magugustuha--"

"Maaaa~" I uttered bago pa man niya matapos ang sasabihin niya.

"Tigilan niyo na ako okay?" Napakagat nalang ako sa sandwich na hinanda ni mama.

Oh by the way, she's  Helena Salvador. My loving and caring mother dear. Malapit na ang 23rd birthday ko and yet wala parin akong boyfriend kaya siguro praning na praning si mama these past few day hays. Mapapa-face palm nalang talaga ako.

And I'm Tangerine Salvador. Ang baduy ng pangalan ko nuh?  Kaya siguro ako laging iniiwan choss.

Well, wala naman akong magagawa kung yun ang gusto ng parents ko for me. Graduate na ako ng college. I'm currently working to a certain company as a secretary.

Mayaman? Not really. Nakakaahon lang sa buhay. Uhm, what else? I'm introvert, yep I am. Nerdy type I guess. Laging naka-ponytail ang buhok ever since yun na talaga ang hairstyle ko at elementary days palang ako ng magsuot ng salamin. Most importantly, no boyfriend since break. Lahat sila pinaikot, niloko at iniwan lang ako. Bitter? Maybe.

"Hey big sis!" Bati naman sa akin ng kararating lang si Blue. Ang barumbado kong kapatid.

Akamang yayakap pa ito sa akin pero iniwasan ko at pawis na pawis galing sa labas naglaro ng basketball.

"Ang asim mong dugyot ka! Maligo ka na nga!" Asar ko sa kanya.

"Ang arte mo naman ate, kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh!" Bawi naman nito tsaka kumagat ng sandwich.

"Heh! Manahimik ka. Ikaw nga jan labing-walo na pero puro pambabae lang naman nalalaman mo jan!" Pinandilatan ko siya ng mata.

"Grabe ka naman, ang taas kaya ng mga grade ko. Diba mama?" Humanap na ng kakampi ang hunghang.

"Oh siya! Tama na at baka magsuntukan na kayo jan!" Pag-awat naman ni mama sa amin.

"Oh nga pala ate, may tropa ako. Single ate. Mayaman..." hays eto nanaman -.-

"Ano daw trabaho anak?" Seryosong sabi naman ni mama. Mag-ina nga sila -.-!

"May business mama." Tugon naman ng kapatid ko habang seryosong nakikinig si mama.

"Baka  naman drugs business niyan!"  Pagsingit ko sa masinsinang pag-uusap nila.

"Hindi ate! Gusto mo pakilala  siya sa'yo?" Argggh!

"Pumayag  kana anak!" Parang mas excited pa ata sa akin mama jusme. Naririndi na ako sa mga to ah.

"Pwede ba tumgil na kayo? MAY BOYFRIEND NA AKO!" those words suddenly came out from my mouth.

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.

"Talaga ate? Magpapakasal kana?" Magkaka-migraine  ata ako sa bahay na'to ng wala sa oras eh. Kasal agad?

"Talaga anak? Totoo na yan? Omo! Kailangan paghandaan natin 'to. Kailangan papuntahin  mo siya sa bahay para makilala namin." Uh-oh~ paktay! Pansin  ko lang yung 'omo' ni madear ha. Napapadalas ata panunood ng korean dramas 'to.

"Mama, hindi siya pwede. Busy yun." Palusot  ko nalang at wala naman talaga akong boyfriend. Nasabi ko lang yun para matigil na sila.

"IPAPAKILALA MO SIYA SA AMIN O IPAPAKILALA MO?" Galit na aurang tanong sa akin ni mama.

"Edi ipapakilala." I answered as if my choice naman ako dun sa sinabi niya tsk.

"Sabihin  mo ate na maglaro  kami ng basketball ah." Tuwang tuwa  namang sabi ni Blue.

"Ha? Ah...Oo." I'm now wearing my most awkward smile ever.

Paano na? Saan  ako kukuha ng jowabels ngayon? Lagot kana ngayon Tangerine >.<